You are on page 1of 2

https://brainly.

ph/question/61536

Apat na Uri ng Salik ng Produksyon

Lupa – mga bagay na nanggagaling sa kapaligiran na ginagamit sa paggawa ng produkto. Hindi lamang
tungkol sa tinataniman ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay kundi lahat ng yamang likas sa
ibabaw at ilalim nito. Kasama na ang yamang-tubig, yamang mineral, at yamang gubat. Ang lupa ay
takda ang bilang.  

Kapital o Puhunan – mga produktong nakakalikha ng panibagong produkto o mga kalakal na nakalilikha
ng iba pang produkto.

Paggawa o Lakas Paggawa - mga tao na siyang lumilinang sa mga bagay-bagay sa kanyang kapaligiran
para gawing produkto. Ang tao ay ang pinakamahalagang salik ng produksyon. Ang mga hilaw na
sangkap at likas na yaman ay magiging kapaki-pakinabang kung gagamitin at gagawing produkto. Ito ay
tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.  

Entreprenyur – tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng produkto at


serbisyo. Bukod sa tagapag-ugnay, sila rin ay nag-oorganisa, nagkokontrol, at nakikipagsapalaran sa mga
desisyon sa mga bagay na maaaring makaapekto sa produksyon. Entrepreneurship ay tungkol sa
kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa apat na uri ng salik ng produksyon, maaaring pumunta sa
link na ito:  brainly.ph/question/244695

Kahulugan ng Salik ng Produksyon

Ang salik ng produksyon ay:  

pinagkukunang-yaman na may kapakinabangan sa produksyon

mga inputs o bagay na ginagamit upang makagawa ng mga bagay na sasagot sa kagustuhan at
pangangailangan ng tao

mga elemento ng produksyon

Kung wala ang mga salik ng produksyon, hindi makakalikha ng produkto.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng salik ng produksyon, maaaring pumunta sa
link na ito: brainly.ph/question/392292

Kahulugan ng Produksyon

Ang produksyon ay:  


nanggaling sa salitang Latin na “Productio” na may ibig sabihin na “bring forth”

tumutukoy sa paglikha ng mga produkto at serbisyo mula sa pagsasama-sama ng mga salik ng


produksyon

tumutukoy sa paggawa ng produkto para tugunan ang mga kagustuhan at mga pangangailangan ng tao

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng produksyon, maaaring pumunta sa link na
ito:  brainly.ph/question/826851

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/61536#readmore

You might also like