You are on page 1of 1

ANG EKONOMIKS SA PANG -ARAW - ARAW NA PAMUMUHAY BILANG ISANG MAG -AARAL, AT KASAPI

NG PAMILYA AT LIPUNAN (AP9MKE -Ia – 1)

Ang ekonomiks ay sumasaklaw sa lahat ng mga suliranin at solusyong napapaloob sa pagtugon


ng mga pangangailangang pangkabuhayan at pangkaunlaran ng mga tao sa lipunan. Mula sa paggising
natin sa umaga hanggang sa pagtulog natin sa gabi, ang ekonomiks ay nasasalamin sa lahat ng galaw at
kilos natin sa buhay. Nasasalamin ito sa pagdedesisyon kung paano ibabadyet ang kita ng ating mga
magulang, kung paano ibabadyet ang allowance ng mag-aaral na gaya mo sa maghapon, kung ano ang
bibilhin nating ulam sa palengke, at kung ano ang mga mas mura at matipid na gamit sa bahay gaya ng
sabon, inumin, merienda, asukal at gatas. Kapag tayo’y nagtatanong tungkol sa ating kinabukasan, gaya
ng pagtatanong kung may mapapasukan kang trabaho pagkatapos mo ng pag-aaral, o paano ka
makatutulong sa pagtitipid upang hindi kapusin sa panggastos and pamilya mo sa araw-araw, ikaw ay
nag-iisip ng tungkol sa ekonomiks. Anupa’t ang ekonomiks ay isang disiplina na iniluwal ng
pangangailangan ng mga tao sa lipunan upang masagot ang mga pang-araw-araw na problema sa
kabuhayan. Napapaloob sa pag-aaral ng ekonomiks kung paano tutugunan ang mga pangangailangan ng
mga tao sa lipunan kayat ito’y nabibilang sa agham panlipunan.

You might also like