You are on page 1of 13

METODO

MODYUL
1

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naibibigay ang kahulugan ng metodo at pamamaraan.


2. Nasusuri ang pagkakaiba ng talatanungan, pakikipanayam at
obserbasyon.
3. Nagagamit ang mga pormula para sa pagbuo ng sample na populasyon.

Subukin mo muna ang iyong sarili bago pag-aralan ang ika labing isang
modyul. Tandaan mo na pagkatiwalaan mo ang iyong sarili. Heto ang paunang
pagsubok.

A. Panuto: Isalin ang sumusunod ayon sa Ortograpiyang Filipino. Isulat ang sagot sa
inilaang sagutang papel.

1. table _______________________
2. respondent _______________________
3. statistics ______________________
4. collection _______________________
5. questionnaire ________________________
6. interview ______________________
7. observation ______________________
8. reliability _______________________
9. validity _____________________
10. assumption ____________________

Isangguni sa guro ang iyong mga sagot. Kung higit sa lima ang nakuha mo, ibig
sabihin may kaalaman ka sa paraan ng pananaliksik. Kung apat pababa, huwag mag-
alala, may kasunod pang mga gawain.
Ipagpapatuloy ang pag-aaral tungkol sa bahagi ng pananaliksik. Dadako ka sa
ibang kabanata ng pananaliksik.
Sa ngayon, pag-aaralan mo ang metodo ng pananaliksik.
Metodo at Pamamaraan

Ito ang ikalawang kabanata sa mga sulating pananaliksik. Nakapaloobdito ang mga
sumusunod na mahahalagang bahagi:

A. Disenyo at Metodo

Ipinapaliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disenyo o metodo sa


pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan, historikal o kaya’y
eksperimental.

Ang pamamaraan ng pananaliksik (research design) ay nararapat na ibagay sa layunin


ng pananaliksik. Sa bahaging ito, tinatalakay ang ginamit na paraan ng mananaliksik sa
pagsasagawa ng sulatin. Kasamang inilalahad sa bahaging ito ang dahilan ng
pagkakapili ng naturang uri o paraan ng pananaliksik, at maging ang mga natagpuang
kalakasan at kahinaan ng nasabing pamamaraan para sa pag-aaral. Anong uri ba ng
pananaliksik ang bagay sa ulat na inihahanda?

B. Populasyon at Lugar ng Pananaliksik

Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak
na lugar at ang hangganan ng kaniyang paksang tatalakayin sa pananaliksik pati na
ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral.

Mga katanungang dapat sagutin:

1. Sino ang kasangkot sa pag-aaral?


2. Ilan ang kasangkot?
3. Paano sila pipiliin?

Dito nakasaad kung ilang respondent ang kailangan mula sa buong populasyon kaya
kailangan ang tinatawag na sample.

Ang pagkuha ng sample ay karaniwang ginagawa dahi sa:

1. Lubhang magastos ang pagkuha ng buong populasyon;


2. Maraming oras ang nagagamit para maabot ang sinasabing target na
populasyon;
3. Ang mananaliksik ay nakapaghinuha at nakakapaglahat tungkol sa target na
populasyon sa pamamagitan ng sampling. Isang napakagandang karanasang
malaman ang tungkol sa isang malaking populasyon mula sa isang sampling.
Isama ang pag-aaral tungkol sa sample upang magsilbing karagdagang
kaalaman sa iyo. Ngunit kailangan pa ring magsaliksik sa mga aklat ng
estadistika o kaya ay magpatulong sa mga bihasa nito.

Sample ang tawag sa kumakatawan sa kabuuang populasyon o ang pagkuha ng


bahagi mula sa isang malaking populasyon.

Maaari ring ang sample ay maliit na grupo na iyong inooberbahan, at ang populasyon
ay mas malaking grupong inaplyahan ng paglalahat o generalization.

Ang populasyon ayon kay Gay (1976) ay ang grupong pag-aaplayan ng mananaliksik
ng mga resulta. Ang sample naman ayon kay Ferguson (1976) ay ang alinmang bahagi
ng kabuuang hinugot mula sa populasyon; maaaring ito ay isang bahagi ng populasyon.

Ipinaliwanag ni Kerlinger (1973) na ang populasyon ay ang lahat ng miyembro ng kahit


anong tiyak na klase o uri ng mga tao pangyayari, o bagay.

Pangunahing Uri ng Sampling

May dalawang pangunahing uri ng sampling: ang probability at non-probability

a. Probability Sampling

Ang pagkuha ng sample ay sa pamamagitan ng sistematikong paggamit ng pormula ng


estadistika.

Ang sample rito ay ang bahagi o bahagdan ng kabuuang populasyon.


May limang uri nito. Ito ang mga sumusunod:

1. Random Sampling

Ito ang pinakapopular na pagkuha ng sample dahil tinatawag din itong lottery o raffle na
sampling. Ang bentahe nito ay napakadaling unawain at gawin ngunit mahirap kung sa
malalaking populasyon. Dito ay pantay-pantay ang pagkakataon ng bawat indibidwal na
mapabilang na sample.

Halimbawa:

Ang populasyon ay may 200, at 20% ang pipiliin. Lahat ng mga pangalan ay isa-isang
isusulat sa magkakahiwalay na mga kapirasong papel at itutupi. Ipapasok ang mga ito
sa isang lalagyan tulad ng garapon at aalugin hanggang masiguradong nahalo nang
husto. Bubunot ng 40 kapirasong papel at ang mga ito ang magsisilbing mga
respondente. Siguraduhing hindi sisilipin ang mga kapirasong papel para maiwasan ang
pagiging bias.

Maliban sa paraang raffle draw, ginagamitan din ng talahanayan ng bilang na random.


Ginagamit ito sa malakihang populasyon.

Sa ibaba ay isang halimbawa ng table of random numbers na inihanda ni Adanza


(1995) mula sa aklat ni Vizcarra (2003).
319 432 148 732 826 144

261 389 099 487 003 823

138 279 133 688 194 205

271 425 784 542 316 667

408 058 919 892 487 009

269 131 649 538 391 857

383 398 502 296 888 711

527 036 087 129 203 103

Halimbawa:

Ang kabuuang populasyon ay 200 at nais lamang kunin ang 20% nito bilang sample.

Hakbang sa paggamit ng table of random numbers. (Vizcarra, 2003)

1. Ilista lahat ang mga pangalan na may katumbas na numero.


2. Maglista rin ng 0 hanggang 9 na numero at ito ay ilagay sa isang garapon.
3. Bumunot ng isa. Halimbawa, ang nabunot ay numero 9, tingnan ang
talahanayan. Ang unang digit ay 9 at ito'y makikita sa ikatlong hanay kaya ang
random number ay 919.
4. Ang magsisilbing respondente ay ang mga numero 9, 1 at 19. Tingnan sa
listahan ang mga pangalang katumbas ng mga nasambit na numero.
5. Bumunot ulit ng isa pa. Halimbawa ang nabunot ay 5. Makikita sa unang hanay,
ikatlong hanay at ikaapat na hanay ang unang digit na 5.Ang pillin ay sa unang
hanay dahil dito unang naitala, kaya ang random number ay 527.
6. Ang respondente ay ang nasa numero 5, 2, 7, 52 at 27.
7. Kung ang ikatlong nabunot ay numero 1. Ito ay makikita sa unang hanay dahil
dito unang nakatala ang unang digit na 1. Kaya ang random numbers ay 138.
8. Ang mga respondente ay 1, 3, 8, 13, at 38. Sa mga naunang hakbang ay
nabunot na ang numero 1 kaya hindi na ito dapat isama.
9. Ipagpatuloy hanggang makompleto ang 40 bilang sample.

2. Sistematikong sampling o Systematic sampling

Kailangan dito ang tinatawag na sampling interval. Interval dahil nangangahulugang


pagitan sa bawat bilang.

Ginagamitan ito ng pormula na:

k=N

na kung saan ang:


k ay tumutukoy sa sampling interval
N ay ang kabuuang bilang ng populasyon
n ay ang bilang ng sample mula sa populasyon

Halimbawa:

Ang kabuuang populasyon ay 3,000.

Hakbang:

1. lista ang lahat ng mga yunit ng populasyon at para makaiwas sa bias ay hindi
dapat sa paalpabetong paraan ang paglilista.
2. Kunin muna ang sample size gamit ang Slovin formula.

n=N

1+ N (e)2

na ang:

N ay ang kabuuang bilang ng populasyon


n ay ang bilang ng sample mula sa populasyon
e ay ang margin of error (Hindi lalagpas sa 0.05 at ang ideal ay 0.03.
porsyentong ipinahihintulot para sa hindi katumpakan dahil sa paggamit
ng sample imbes na populasyon)

n = 3,000

1 + 3000(.05)2

n = 352.94

Kaya ang sample size ay 353.

3. Gamitin ang pormula sa sampling interval.

k = 3,000

353

k= 8

4. Ang unang sample ay ang may bilang na 8 ang susunod na ay ang 16, 24
hanggang makompleto ang sample size.

3. Stratified Sampling

Ito ay ginagamit sa heterogeneous na populasyon. Ang layunin nito ay upang makuha


ang iba't ibang grupo para maging representasyon sa makukuhang sample.

Hakbang:

1. lista ang lahat ng yunit ng populasyon maging ang iba't ibang grupo ayon sa
kriterya.
2. Mag-isip at magdesisyon kung ilang porsiyento ang kukunin sa kabuuan ng
bawat kriterya para sa sample. Maaaring napagdesisyonan na 10% .
3. Kunin ang bahagdan ng bawat grupo.
500 estudyante x .10 = 50
600 mangangalakal x .10 = 60
400 guro x .10 = 40
500 magsasaka x .10 = 50

Kabuuang sample 200

4. Piliin ang 200 respondente sa pamamagitan ng random o stratified sampling.

4. Sampling na klaster o Cluster Sampling

Ang pagpili sa respondente ay hindi indibiduwal kundi grupo. Ginagamit ito sa


malakihang sarbey.

Hakbang:

1. Ililista ng mananaliksik ang mga yunit ng mga isasama sa sample.


2. Ang cluster ay maaaring mapili sa pamamagitan ng random o stratified.
3. Kung ang pag-aaralan ay tungkol sa pamumuhay ng pamilya sa siyudad, ang
primary cluster ay ang mga siyudad, distrito ng mga siyudad at sa bawat distrito
ay mga pamilyang nakatira sa mga barangay.

5. Multi-stage sampling

Mas malawak ang pagkuha ng sample at ang pagkakaayos ay sa hirarkiyal na paraan.


Ang pagpili ay maaaring random sampling o kung anumang paraang madali para sa
isang mananaliksik.

Halimbawa ay ang pambansang pag-aaral.

Unang lebel =3 probinsya =3

Ikalawang lebel =2 munisipyo sa =6


bawat probinsiya

Ikatlong lebel =2 baranggay sa = 12


bawat munisipyo

Ikaapat na lebel = 10 respondente sa = 120


bawat baranggay

b. Non-probability Sampling
Ang sample nito ay hindi bahagdan ng kabuuang populasyon at walang pang:
estadistikang sistema sa pagpili ng sample dahil sa pagpili ng sample ay depende
sa sitwasyon.

 Sampling na may layunin o Purposive sampling


Ito ay depende sa sariling desisyon ng mananaliksik. Halimbawa, ang pag-aaralan
ay tungkol sa paniniwala sa maagang pakikipagtalik ng kabataang Pilipino sa edad
na 15 hanggang 21. Maliban sa edad ay pipili ang mananaliksik ng mga kabataan
na nakakuha ng kaniyang atensiyon na kaniyang kakapanayamin.

 Convenience Sampling
Tinatawag din itong accidental sampling. Ang mananaliksik ay pipili ng mga
respondenteng madaling hanapin at batay sa kaluwagan ng mananaliksik para sa
kaniyang sample. Halimbawa ay ang isang propesor na ang mga mag-aaral ang
gagamitin niyang sample.

 Quota Sampling
Katumbas ito ng stratified sampling kung saan ang bawat grupo ay may
representasyon nito. Halimbawa, ang pag-aaralan ay tungkol sa isyung
pagpapatayo ng minizoo sa lungsod ng Baguio. Kukunin ang mga reaksiyon ng
bawat grupo tulad ng 20 doktor, 15 abogado, at 30 tindero.

 Snowball sampling
Halimbawa nito ay ang pag-aaral sa pamumuhay ng isang biktima ng AIDS at ang
kailangang sample ay 30. Inuumpisahang kapanayamin ang 2 alam ng mananaliksik
na mga biktima at mula sa 2 biktima ay magbibigay sila ng tiglimang pangalan at
mula sa mga sampung ito ay maaaring makapagbibigay pa sila ng kakilalang
tigdalawa hanggang mabuo ang 30 respondente.

Nakuha ang pangalang "snowball" dahil sa ideyang ang bolang nyebe ay lumalaki
habang pinapagulong-gulong ito o nadagdagan pa ng nyebe.

C. Kasangkapan sa Pangangalap ng Datos

Sa bahaging ito, inilalahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng


pangongolekta ng datos na kinailangan o ginamit upang matugunan ang mga suliraning
ipinahayag sa pag-aaral. Ang nilalaman nito ay kailangang bumagay sa uri ng
pananaliksik na ginamit sa pag-aaral. Ginamitan ba ng sarbey, pakikipanayam,
talatanungan (questionnaire-checklist), ilang napasali, paano ang naging pangongolekta
ng datos, gaano katagal ang inubos na panahon sa pagpapamudmod o sa
pangongolekta, ano ang naging kondisyon ng pangongolekta, ano-anong mga suliranin
ang kinaharap.

Ipinababatid ng bahaging ito ang pinagkunan ng mga datos na siya na ring dahilan ng
nabuong konklusyon basehan naman ng magiging rekomendasyon.

Sa pangangalap ng mga datos, may tatlong pangunahing ginagamit.

a. Talatanungan

Ang talatanungan ay ginagamit ng mananaliksik kung saan ay isinusulat ang mga


tanong at pinasasagutan sa mga respondente. Ito ang pinakamadaling paraan sa
pagkalap ng mga datos. Maaaring hindi mismo ang mananaliksik ang mamamahala
sa mga talatanungan ngunit kailangang nakasaad dito nang malinaw ang mga
panuto.

May dalawang uri:

 Open-ended na talatanungan (Vizcarra, 2003)

Ang mga respondente ay malaya sa pagsagot. Ang halimbawa nito ay:


Pangalan: ________________________________________________________

Kasarian: __________________ Edukasyon: ______________________

Pamagat ng Pag-aaral: Tradisyunal na pagpapakasal ng mga taga-Cordiller

1. Anong tribo ang kinabibilangan mo? ____________________________________

2. Ipaliwanag kung paano naisasagawa ang pamamanhikan sa iyong tribo.


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

 Close-ended na talatanungan

Uri ng talatanungan may pagpipilian. Ito ay sipi mula sa tesis na Marilyn B. Batacan,
2010.

Panuto: Lagyan ng tesk ang antas ng iyong kakayahan sa paggamit ng

iba’t ibang application program. Gamitin ang gabay na eskala sa ibaba:

4. – mataas na kakayahan (very competent) – napakahusay na


nakapagsasagawa ng kasanayan
3. – may kakayahan (competent) – mahusay na nakapagsasagawa
ng kasanayan
2. – may bahagyang kakayahan (moderately competent) –
nakapagsasagawa sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit
1. – walang kakayahan (not competent) – walang kakayahan
magsagawa

Word Processors (Word, Wordstar, Word Perfect)

Mga Aytem 4 3 2 1
1. Pagsimula ng word processor
(paglikha ng dokumento, pag-encode, pag-
Edit, pamimili ng font, atbp.)
2. Pangangasiwa ng file
(Pag-save ng dokumento, pag retrieve ng
Dokumento, pag-print at pagdelete ng file)
3. Pagpormat ng dokumento
(pagtatalata, pag-bullet at pagbilang, pag-
Sasaayos, pagpakita at pagtago ng teks
Mga Aytem 4 3 2 1
4. Pag-proofread ng dokumento
(pagwasto ng baybay, gramatika,
paghanap
ng kaugnay ng mga salita
5. paglagay at pag-edit ng graphics
(larawan, clip art, wood art, pagguhit,
grap,
equation

Mga bentahe at disbentahe naman sa paggamit ng mga talatanungan.

Bentahe Disbentahe

1. Hindi maari sa mga hindi marunong


1. Madaling buuin.
bumasa at sumulat.

2. Ang mga tugon ay madaling ilista sa 2. May mga talatanungang hindi na


Talahanayan. naibabalik.
3. Kung may maling impormasyon ay hindi
3. Malaya ang respondente sa pagsagot.
maitataman agad.
4. May ga respondenteng hinahayaang
blangko ang ilang mga tanong dahil
4. Madaling ipamahagi.
maaaring hindi niyo ito naiintidihan o
walang interes na sautan.
5. Napipilitan ang mga respondenteng piliin
5. Maaaring hindi sagutin ng mga
ang mga kasagutan kahit hindi ito ang
Respondent ang mga ibang tanong lalo
nais niyang kasagutan tulad ng oo o
na kapag ito ay masyadong pribado.
hindi na mga tugon.

Mga katangian ng epektibong mga tanong:

1. Dapat na maging malinaw ang lengguwahe, ang bokabularyo, at estruktura. Ang


konseptwal na antas ng tanong ay dapat na angkop sa mga kakayahan, antas, at
karanasan ng mga respondente.
2. Ang nilalaman o paksa ng tanong gayundin ang panahon ay dapat na tiyak

Halimbawa:

Tanong: Ano ang iyong pinaka kawili-wiling karanasan sa paaralan?

Mas mabisang tanong: Ano ang iyong pinaka kawili-wiling karanasan nang ikaw ay
nasa ikaapat na taon ng mataas na paaralan?

3. Ang tanong ay dapat na nagpapakita ng isang layunin


4. Dapat na malaya ang tanong sa anumang mga palagay.
5. Ang tanong ay bukas sa mga mungkahi.
Halimbawa:

Maraming mga bansa ang naging progresibo dahil sa industriyalisasyon. Sumasang-


ayon ka ba na ang Pilipinas ay magiging progresibo rin kung ito ay magiging
industriyalisado?

6. Ang tanong ay dapat na may kabuuang lingguwistiko at konsistensing


gramatikal.

Mga hakbang na dapat tandaan ng mga mananaliksik sa pagbuo ng talatanungan:

1. Magsaliksik sa silid-aklatan dahil maaaring may mga tanong sa mga tesis o


disertasyon na makatutulong sa pagbuo ng mga mga tanong.
2. Magtanong sa mga bihasa tulad ng mga propesor.
3. Magbasa ng mga aklat tungkol sa paraan ng pagbuo ng mga tanong na
gagamitin sa talatanungan.
4. Isulat ang mga tanong.
5. Ipa-edit ang mga nabuong tanong sa mga mas nakakaalam.
6. Muling isulat ang mga tanong base sa mga suhestiyon at mga naiwastong
pangungusap.
7. Subukan ang talatanungan (pre-testing), kumbaga ay dry run.
8. Isulat ang pinal na talatanungan.

b. Ang pakikipanayam

Ito ay maisasagawa kung posible ang interaksyong personal. May dalawang uri ito.

 Binalangkas na pakikipanayam o structured interview

Ang mga tanong ay nakalahad nang tiyak sa permanenteng listahan o tinatawag din
itong gabay sa pakikipanayam o interview guide at ang nakikipanayam ay nagtatanong
nang walang labis at walang kulang ayon sa pagkakasunud-sunod sa listahan. Kung
susundin ang pamantayan, minsan lamang niya ibibigay ang tanong, hindi siya dapat
lumayo sa pagkakaayos at hindi magtatanong ng karagdagang mga katanungan.

Halimbawa:

Tanong: Gaano kaepektibo ang paggamit ng kagamitang pampagtuturo?

_________napakaepektibo

_________epektibo

_________hindi epektibo

Tanong: Sa iyong opinyon, kailangan pa bang bumuo ng kagamitang pampagtuturo .


. sa larangan ng edukasyon?

_________ oo

_________hindi

_________maari
 Di-binalangkas na pakikipanayam o unstructured interview

Bagamat ang kumakapanayam ay may listahan ng mga tanong, hindi niya kailangang
sundin ang pagkakasunod-sunod ng mga ito. Bukod doon, malaya niyang ulitin ang
tanong at tumatalakay pa sa ibang punto sa inaakala niyang makatutulong at kapaki-
pakinabang sa pakikipanayam.

Halimbawa:

Tanong: Ilarawan ang setado ng kagamitang pampagtuturo sa


pananaliksik sa larangan ng edukasyon

Tanong: Sa iyong opinyon, kailangan pa bang bumuo ng kagamitang


pampagtuturo sa larangan ng edukasyon? Ipaliwanag.

Mga dapat tandaan sa panayam:

Bago ang panayam:

1. Tiyakin ang taong kakapanayamin.


2. Makipag-ugnayan sa kakapanayamin at itakda ang petsa at lugar ng
panayam.
3. Magsaliksik tungkol sa paksa at taong kakapanayamin.
4. Maghanda ng mga gabay na tanong.
5. Ihanda ang mga teknikal na kagamitan para sa panayam.

Aktuwal na panayam:

1. Dumating sa takdang oras at lugar ng panayam.


2. Magpakilala sa kakapanayamin at bigyan siya ng malinaw na background
tungkol sa paksa at layon ng panayam.
3. Isagawa ang panayam sa pamamagitan ng epektibong pagtatanong.
4. Magpasalamat sa kinakapanayam sa kaniyang pagpapaunlak.

Pagkatapos ng panayam:

1. Gawan ng wastong identipikasyon ang tape na ginamit panayam;


gayundin ang mga tala.
2. Gawan ng transkripsyon ang tape ng panayam.

c. Obserbasyon

Kinapapalooban ito ng obserbasyon ng mananaliksik sa sitwasyong pinag aaralan. Ito


ay maaaring gamitin sa mga deskriptib o eksperimental na imbestigasyon, pero hindi sa
mga historikal na pag-aaral. Sa ganitong uri ng pag-aaral, ang mananaliksik ay
nakatugon sa tuwirang paglalarawan ng sitwasyong pinag-aaralan at ang
pinakamabuting paraan makamit ang layuning ito ay ang pagmamasid dito.

May dalawang uri ito.

 Di-pormal na obserbasyon

Itinatala lamang ang mga napag-usapan at walang limitasyon sa mga impormasyon.

 Pormal na obserbasyon o structured observation

Itinatala rito kung ano lamang ang nais obserbahan at ang mga posibleng kasagutan
ay binalangkas. Limitado ang mga impormasyong makukuha ngunit ito ay mas
sistematiko kaysa sa di-pormal na obserbasyon.

D. Paraan ng Pangangalap ng Impormasyon

Dito ipinapaliwanag kung paano ang pangangalap ng mga impormasyong ginamit.

May mga ilang pamantayan sa paghahanap ng mga datos at mga impormasyong


kailangan sa pananaliksik. Ito ang mga sumusunod:

 Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang gagamitin sa


pananaliksik.
 Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga kukuning
sanggunian.
 Kailangang may sapat na bilang ang mga sangguniang makatutugon sa paksang
pag-aaralan.

a. Kahusayan ng pagsubok

Isinasaad kung paano ang gagawin para masubok ang reliability ng pag-aaral. Ito ay
itinuturing na pangunahing katangiang dapat taglayin ng bawat teknik o pamamaraan.
Nangangahulugan din itong ganap na kawastuhan ng datos, ang katatagan at
katumpakan at ang kakayahan nitong maulit. Ito ay kadalasang kinukuha sa tulong ng
mga bihasa sa estadistika. Kadalasan, ang ginagamit dito ay ang test-retest reliability.
Ibinibigay ang pagsusulit sa parehong sample sa dalawang magkaibang okasyon; at
ang dalawang pagsusulit ay nagpapakita ng mataas na korelasyon—
nangangahulugang may reliability ang pagsusulit.

Kaakibat nito ang tinatawag na validity dahil ito ay may kinalaman sa ugnayan ng mga
datos. Sinusukat dito ang lawak ng pagtatamo ng mga layuning hinahangad na matamo
o masukat ng pamamaraan.

b. Pagsusuri ng mga nakalap na datos

Tinatawag din itong pag-aanalisa ng mga datos. Sa bahaging ito ipinapaliwanag ng


mananaliksik ang paraan ng pag-aanalisa ng mga natagpuang kasagutan ng mga
kasangkot sa pag-aaral, maaaring sa paraang bahagdan o puntos. Ang mga
karampatang puntos ng bawat kasagutan at ang paliwanag sa paraan ng ganoong
pagpupuntos.

Sa tulong din ng estadistika, ipinapaliwanag ang mga kinalabasan ng pag aaral.


Handa ka na ba? Umpisahan na ang mga pagsubok.Gawin ng matapat ang
mga pagsubok.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong

1. Bakit kailangan ang mga datos sa pananaliksik?


2. Ano – ano ang dapat iwasan sa pakikipanayam? Magbigay ng dalawa at
ipaliwanag ang sagot.
3. Ano ang halaga ng obserbasyon bilang isang paraan sa pangangalap ng
datos?
4. Paano bumuo ng epektibong mga tanong?
5. Ilahad ang ugnayan ng validity at reliability.

Tama baa ng sagot mo? Pumasa ka ba? Kung pumasa ka sa mga gawain,
binabati kita. Kayang-kaya mo nang bumuo ng metodo ng iyong pananaliksik. Kung
hindi, unawain pang maigi ag metodo ng pananaliksik. Dapat mong maunawaan bago
ka magpatuloy sa susunod na modyul.

Bumuo ng sariling close-ended na talatanungan na may 5 tanong. Huwag


kalimutan ang gabay na eskala para sa bubuuing talatanungan.

Ano ang iyong natutuhan sa modyul? Kung gayon, para sa karagdagang


gawain, gawin ang metodo ng iyong pananaliksik.

Maraming salamat. Handa ka na sa susunod na modyul.

Larctec, Jane Kibra et al. (2011) Instruksiyong Modular sa Pananaliksik Mandaluyong


City…Anvil Publishing Inc.

You might also like