You are on page 1of 1

John Abe N.

Nasayao
BSED II - FILIPINO A
MC LIT 103

1. Kuwento ng Pag-ibig - Nangingibabaw sa kuwento ng pag-ibig na karaniwang sa


pagitan ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal.
2. Kuwento ng Maromansang Pakikipagsapalaran - Nasa mga kapana-panabik na
pakikipagsapalaran at nakasasabik na mga pangyayari ang bininigyan-diin at wala sa
tauhanang kawilihan o interes ng kwenton ito
3. Kuwento ng Madulang Pangyayari - binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
4. Kuwento ng Katatawanan - Ang diin ng kwentong ito'y mga pangyayari at diyalogong
nakapagpapatawa at nakapagbibigay-aliw sa mambabasa.
5. Kuwento ng Katatakutan – Mga di kapani-paniwalang pangyayari bukod pa sa mga
katatakuan ang siyang diin ng kwentong ito.
6. Kuwento ng Tauhan – Sa kuwentong ito ay inilalarawan ang mga pangyayaring
pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa
sa kanila ng isang mambabasa.
7. Kuwento ng Makabanghay - isang uri ng kuwentong nagbibigay-diin sa banghay o
maayos na daloy ng mga pangyayari sa teksto o istorya.
8. Kuwento ng Katutubong Kulay/Kapaligiran – Sa kuwentong ito ay binibigyang-diin
ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay
ng mga tao sa nasabing pook.

You might also like