You are on page 1of 4

Elemento ng Maikling Kuwento

1. Tauhan
1. Pisikal
2. Pisyolohikal
3. Sikolohikal
a.Protagonista
b. Antagonista
c.Tauhang Bilog
d.Tauhang Lapad
2. Tagpuan
3. Banghay/Pangyayari
Maikling Kuwento

Ito’y isang maikling kathang


pampanitikang nagsasalaysay ng
pang-araw-araw na buhay na may
isa, o ilang tauhan, may isang
pangyayari at isang kakintalan.
Uri ng Maikling Kuwento
1. Kuwento ng katutubong kulay – sa kuwentong ito, ang
binibigyan ng diin ay ang kapaligiran ng pinangyarihan, ang mga
kaugalian at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng
pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
2. Kuwento ng madulang pangyayari - dito sa kuwentong ito, ang
binibigyang pansin at diin ay mga mahahalaga, kasindak-sindak
at mga pambihirang pangyayaring nakapagbabago sa mga
tauhan.
3. Kuwento ng pakikipagsapalaran – nasa balangkas ng
pangyayari at wala sa tauhan ang kawilihan o interes ng
kuwentong ito.
4. Kuwento ng kababalaghan - mga di-kapani-paniwalang mga
pangyayari bukod pa sa katakutan ay siyang diin ng kuwentong
ito.
Uri ng Maikling Kuwento
5. Kuwento ng tauhan – sa kuwentong ito, ang interes at diin ay
nasa pangunahing tauhan.
6. Kuwento ng sikolohiko – bihira ang sumusulat ng ganitong uri ng
kuwento sapagkat may kahirapang ilarawan ang pag-iisip ng isang
tao. Ang kailangan ng kuwentong ito’y maipadama sa mga
bumabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang
pangayayari
7. Kuwento ng katakutan – ang diin ng kuwentong ito ay nasa mga
nakasisindak na mga pangyayari ng nakapagpapatinag ng damdamin
at kilos ng mga bumabasa.
8. Kuwento ng katatawanan- ang layunin ng kuwetong ito’y
magpatawa at bigyan ng aliw ang mga bumabasa.

You might also like