You are on page 1of 2

PAARALANG SEKONDARYANG ERNESTO RONDON

Road 3, Project 6, Quezon City


DepEd Learning Activity ( LAS )
KARAGDAGANG GAWAING -PAPEL
FILIPINO BAITANG 9
Pangalan: Baitang:
Address/Lugar: Petsa: Istor:

Aralin 5.2 DULA


Ikawalong Linggo
A. Panitikan : Munting Pagsinta Dula – Mongolia Mula sa Pelikula ni Sergei Bordrov Hinalaw ni
Mary Grace A. Tabora
B. Gramatika/Retorika : Cohesive Device o Kohesiyong Gramatikal (Pagpapatungkol o Reference)
Kasanayang Pampagkatuto:

1. Nauuri ang mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay sa napakinggang diyalogo o pag-
uusap
2. Natutukoy ang pagkakaiba ng anaphora at katapora.

A. Balik-Aral
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang sagutan sa
ibang papel
1. Ano ang hindi kabilang sa pangkat?
A. director B. iskrip C. kariktan D. tanghalan
2. Alin sa mga elemento ng dula ang sumasaksi sa pagtatanghal nito?
A. aktor B. direktor C. iskrip D. manonood
3. Siya ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng dula, siya ay ang ______.
A. actor B. direktor C. manonood D. tanghalan
4. Ano ang mga kohesiyong pangramatika na pagpapatungkol?
A. Anapora at Katapora C. Pangatnig na Pananhi at Temporal
B.Nominal at Berbal D. Pangatnig na Pandagdag at Panalungat
5. Ano ang ikinaiba ng dula sa ibang genre ng panitikan?
A. Ito ay binibigkas nang maindayog. C. Ito ay masining na isinasalaysay.
B. Ito ay itinatanghal. D. Ito ay mayaman sa supernatural na pangyayari

B.Basahin at Unawain
Alam mo ba na… Ang cohesive devic reference o kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol ay
mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga salita.
Mga halimbawa:
ito, dito, doon, dito, iyon (Para sa lugar/bagay/hayop)
sila, siya, tayo, kanila, kaniya (Para sa tao/hayop)

Nahahati ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa dalawa, ang anapora at katapora.


1. Anapora- ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa
unahan.
Mga Halimbawa:
a) Kung makikita mo si Manoling, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap.
b) Si Rita’y nakapagturo sa paaralanang-bayan, diyan siya nakilala ng iyong anak.
c) Kinausap ko si Manoling, sinabi ko sa kaniya na ang kaniyang ginawa ay pangit.
2. Katapora- Ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa
hulihan.
Mga Halimbawa:
a) Siya’y hindi karapat-dapat na magtaglay ng aking apelyido, si Manoling ay kahiya-hiya!
b) Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako, pulaan man ako ng mga tao?

Pagsasanay 1. Iguhit Mo!


Suriin ang mga pahayag. Bilugan ang kohesiyong gramatikal na ginamit at tuykuyin kung anaphora
o katapora ito. isulat ito sa sagutang papel.

_____ 1. Nakiusap ang pangulo sa kanila, pumayag naman ang mga pulis at sundalo.
_____ 2. Dito naganap ang isang himala, tunay na natatangi ang Simbahan ng Lourdes.
_____3. Ang mga kababaihan ngayon ay hindi pahuhuli sa pagsabay sa pagbabagong bunsod ng
modernisasyon, sila’y namamayagpag sa iba’t ibang karera katulad ng mga kalalakihan.
_____4. Iyan ang mga kinasangkapan niya sa pag-angat sa buhay, sipag At tiyaga talaga ang karaniwang
susi sa pagtatagumpay.
_____5. Mamamayan ang buhay ng isang bansa kayat tayo’y nagsisipag sa paghahanap-buhay.

Pagsasanay 2 Likhain Mo!

Sumulat ng isang maikling eksena tungkol sa nagaganap sa loob ng iyong tahanan. Gamitan ang
mga pahayag ng may kohesiyong gramatikal na Anapora at Katapora.

Maraming Salamat
Inihanda ni Bb. Cris Ann G. Dadivo
Guro sa Filipino 9

You might also like