You are on page 1of 2

PAARALANG SEKONDARYANG ERNESTO RONDON

Road 3, Project 6, Quezon City


DepEd Learning Activity ( LAS )
FILIPINO 9
KWARTER 3
GAWAING PAGKATUTO #5
ABRIL 19-23, 2021
Pangalan: Baitang:
Address/Lugar: Petsa: Istor:

Aralin 3: ELEMENTO NG ELEHIYA

A. Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa tema, mga tauhan, tagpuan, mga
mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, wikang ginamit, pahiwatig o simbolo, damdamin
(F9PB IIIb-c-)

GAWAIN 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Isulat ang letra
ng tamang kasagutan sa iyong sagutang papel.
1. Di- matatawaran ang buhay na ibinigay ng mga doktor, nars, sundalo at iba pang
frontliners na nasawi sa panahon ng pandemiya, maipakita lamang ang kanilang
taos na paninilbihan sa bayan. Ang damdaming nangingibabaw sa pahayag ay _______
A. Galit B. Hinanakit C. Paghanga D. Panghihinayang
2. Ang tulang elehiya ay nabibilang sa tulang __________.
A. Dramatiko B. Liriko C. Pasalaysay D. Patnigan
3. Masidhi ang kanyang pagnanais na maipakita ang kanyang nadarama. Ang ibig
sabihin ng salitang may salungguhit ay _______.
A. Balewala B. Maalab C. Masagana D. Mapagkawanggawa
4. Ang elehiya ay ang tanging tula na ang paksa ay patungkol sa _____________.
A. Bayani B. Diyos C. Minamahal D. Yumao
5. Kapag gumagamit ng matayutay na pananalita, idyoma o kaya’y may nakatagong
kahulugang salita sa tula, ang wikang nagamit ay nasa antas ng wikang _________.
A. Balbal B. Lalawiganin C. Pambansa D. Pampanitikan

SURIIN:

Ang elehiya ay isang uri ng tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-


bulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin patungkol sa
alaala ng isang mahal sa buhay. Pumapaksa ito sa damdaming katulad ng
kalungkutan, kasawian o pagdadalamhati at nagbibigay- parangal sa mga
nagawa ng yumao.

5
GAWAIN 2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ukol sa elehiya.
1. Ano ang tema ng tulang elehiya? Sagot: __________________________________________________
2. Paano nagagamit nang wasto ang mga katagang nagpapahayag sa pagpapasidhi ng
damdamin ng elehiya? Sagot: ___________________________________________________
3. Anong uri ng tula ang elehiya? Ipaliwanag. Sagot:
___________________________________________________
4. Bilang kabataang Asyano, paano mo kokontrolin ang iyong damdamin o
mapanghahawakan ang iyong kakayahan sa harap ng pagsubok o pagdadalamhati? Sagot:
___________________________________________________
5. Paano mo maiaangkop nang wasto ang iyong damdamin sa pagsulat at pagbigkas ng
elehiya? Ipaliwanag. Sagot: ___________________________________________________

Suriin

Ang mga elemento ng elehiya ay tema, tauhan, tagpuan, kaugalian o tradisyon, wikang ginamit,
pahiwatig o simbolo, at damdamin. Ang tema ay batay sa karanasan, tradisyon naman ang paraan
ng pag-alaala at pagpapahalaga sa yumao. Ang pahiwatig ay paggamit ng simbolong tumutukoy sa
ideya o kaisipan at ang damdamin ay tumutukoy sa emosyon.
C.Basahin at Unawain

Gawain 3
Panuto: Suriin at tukuyin ang nangingibabaw na elemento ng elehiya ayon sa siniping linya
ng tula. Piliin ang sagot sa loob ng kahon sa ibaba at isulat sa sagutang papel ang iyong
kasagutan.
1. “Naaaninag mga pangaral ninyo ni Lola.”
2. “Sa pagkalila ng iyong buong katawan, halos luha ko’y parang talon ng Pagsanjan.”
3. “Pighati at poot ay aking tanglaw, batid mo ba itong kasawian?”
4. “Elehiya kay Lolo”
5. “Ikaw ma’y mawawala sa mundong kinagisnan.”

Tauhan Tagpuan Pahiwatig Damdamin Tradisyon

Maraming Salamat
Inihanda ni Bb. Cris Ann G. Dadivo
Guro sa Filipino 9

Sanggunian mula kay TRINIDAD E. ROMERO

You might also like