You are on page 1of 3

Jose Corazon de Jesus Elementary School

Guro: Bernard S. Ocfemia Date: October 23, 2023


Baitang: 3 Araw: Lunes
MTB-MLE 3
BANGHAY ARALIN

LAYUNIN:
• nakikilala at natutukoy ang mga pahayag idyomatiko o sawikain na ginamit sa pangungusap.
• Naipaliliwanag ang kahulugan ng idyoma o sawikain na kadalasang narininig sa radio at telebisyon;
• Natutukoy ang kahulugan ng sawikain o idyoma.

PAKSANG ARALIN
A. ARALIN: Idyomatiko at Sawikain

B. Sanggunian:
 Unpacked Curriculum Guide III pp.373 p (MT3G-Ih-i-6.1).

 MTB – MLE 3 Unang Markahan, Ika-walong Linggo, Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A
CALABARZON

 MTB-MLE 3 Ikalawang Markahan, Modyul 1 Kagawaran ng Edukasyon-Lungsod ng Maynila


C. Integrasyon: ESP
D. Istratehiya: Explicit Instruction Approach
E. PAGPAPAHALAGA:
Ang pagpapahayag ng damdamin, saloobin, kaisipan at mga naisin sa buhay ay lubhang mahalaga sa bawat
tao. Sa pamamagitan nito, nauunawaan natin ang iba at ganoon din sila sa atin.

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagkuha ng Liban

B. Pagsasanay
Isulat ang TAMA kung sang-ayon ka sa nakasulat na pahayag at MALI kung hindi sang-ayon.

_____1. Ang tula ay pagpapahayag ng isipan at damdamin.


_____2. Ginagamitan ng maririkit o matalinghagang salita ang isang tula upang mas higit na nakahihikayat sa
mambabasa.
_____3. Makukuha ang kahulugan o mensahe ng tula, kung ito’y iyong babasahin at uunawain.
_____4. Mahalaga ang tamang pagbigkas, diin at intonasyon sa pagbigkas ng tula.
_____5. Ang mga tula ay walang nakatagong kahulugan.

C. Balik-Tanaw
A – Konkretong Pangalan B – Di-konkretong Pangalan
26. Lapis ang gamitin sa pagsusulat
27. Pananampalataya ang sandigan ng mga tao.

28. Pag-ibig tulad ng batis.


29. Ang kabayanihan ni Dr, Jose Rizal
30. Matamis ang kendi.

D. Pagganyak
Pangganyak na Tanong:
• Ano ang idyomatiko o sawikain?
• Ano ang mga halimbawa nito?

Pagganyak/Motivation
Bago tayo tumungo sa ating aralin tukuyin kung anong lupon ng mga salita ang nais ipahiwatig ng mga
larawan.

1. 2.

3. 4.

E. Pagtatalakay

 Butas ang bulsa, Ilaw ng tahanan, Balat sibuyas, Pusong bato, ang mga ito ay halimbawa ng idyomatiko o
sawikain.
 Ang mga pahayag idyomatiko/ idyoma o sawikain ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal—sa ibang salita. Hindi ito binubuo ng tumpak na kahulugan kundi ito ay dituwirang
kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
F. Pagpapahalaga
Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga pahayag sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang letra ng sagot.

Hanay A Hanay B
____1. butas ang bulsa A. maramdamin
____2. ilaw ng tahanan B. duwag
____3. bahag ang buntot C. ina
____4. bukas ang palad D. walang pera
____5. balat-sibuyas E. matulungin

G. Paglalapat
Ibigay ang kahulugan ng mga idyoma o sawikain batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

1. Huwag mong ibaon sa hukay ang ating pinagsamahan.


2. Siya ang kapilas ng puso ni Maria.
3. May gatas ka pa sa labi kaya huwag ka munang manliligaw.
4. Siya ang taong may pusong bato.
5. Si Lito ay parang alilang – kanin kung ituring ng kanyang pinsan.
H. Paglalahat
Ang mga pahayag idyomatiko/ idyoma o sawikain ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal—sa ibang salita. Hindi ito binubuo ng tumpak na kahulugan kundi ito ay dituwirang kahulugan at
pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.

IV. Pagtataya
Ano ang interpretasyon mo sa mga sawikain sa ibaba? Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Sabi ni Julia sa asawa, “Itaga mo ito sa bato. Kahit hindi nila ako tulungan, aangat ang ating kabuhayan.”
A. Mananaga si Julia.
B. Tutuparin ni Julia ng walang sala ang kanyang sinabi.
C. Pupukpukin ni Julia ang bato.
2. Kung gusto mong maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga taong nakakikilala sa iyo dahil mabibisto ka nila.
A. magsabi ng katotohanan
B. magsinungaling
C. maglaro sa buhanginan
3.“Puro balitang kutsero ang naririnig ko sa kapitbahay nating iyan. Ayoko na tuloy maniwala sa kanya.”
A. balitang sinabi ng kutsero
B. balitang walang katotohanan
C. balitang makatotohanan
4. Naghalo ang balat sa tinalupan ng malaman niya ang katotohanan.
A. matinding labanan o awayan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao
B. pinagsama-sama ang mga balat at tinalupan
C. nagkaigihan
5.“Walang magawa ang mga kapitbahay naming makakati ang dila kaya’t maraming may galit sa kanila.”
A. may sakit sa dila
B. daldalero o daldalera
C. may singaw

V. Takdang Aralin
Bukod sa mga naibigay na halimbawa, maglista ng lima pang idyoma at kahulugan nito. Gamitin ang pormat sa ibaba.
Gawin ito sa iyong sagutang papel

You might also like