You are on page 1of 5

DepEd Learning Activity ( LAS )

KARAGDAGANG GAWAING -PAPEL


FILIPINO BAITANG 9
Pangalan:
Baitang:
Address/Lugar:
Petsa:
Istor:

Maikling Kwento: “Ang Ama” -SINGAPORE


Kasanayang Pampagkatuto:
F9PN-la-b-39
 Nasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa
lipunang Asyano batay sa napangkinggan akda.

F9PB-la-b-39
 Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa akda

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong .Isulat ang sagot sa isang papel.

1.Ano-anong katangian ang ama ang nangibabaw sa kuwento? Anong bahagi o pangyayari sa kuwento
ang nabanggit na katangian?

KATANGIAN NG AMA BAHAGI/PANGYAYARING NAGPAPATUNAY

2. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagbago sa di-mabuting pag-uugali ng ama? Isalaysay.

3.Paano ipinakita ng ama ang kanyang pagmamahal sa kaniyang anak?

4.Anong kultura ng mga taga-Singapore ang masasalamin sa kuwento?

5.Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagmamahal sa mga namatay na sa buhay? Sa ibang bansa sa
Asya?

Maraming Salamat!

Inihanda ni
Bb. Cris Ann G. Dadivo
Guro sa Filipino 9
DepEd Learning Activity ( LAS )
KARAGDAGANG GAWAING -PAPEL
FILIPINO BAITANG 9
Pangalan:
Baitang:
Address/Lugar:
Petsa:
Istor:

Maikling Kwento: “Ang Ama” -SINGAPORE


Kasanayang Pampagkatuto:
F9PT-la-b-39
 Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay
sa denotatibo o konotatibong kahulugan

F9PD-la-b-39
 Naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang
piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan

TANDAAN : Denotasyon- pagpapakahulugang literal at maaring makita sa Diksyunaryo.


Konotasyon-pagpapakahulugang metaporikal o simbolismo.
Halimbawa: ROSAS-Denotasyon: Bulaklak
Konotasyon-babae o pag-ibig

Talasalitaan:

Panuto: Ibigay ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Isulat ang
sagot sa isang papel.

1. Sinorpesa sila ng mapagbigay na ama.

Denotasyon Konotasyon

2. Madalas na marining ng mga bata ang iyak ng ina.

Denotasyon Konotasyon

3. Dumaloy ang labis na pagmamahal ng ama sa kanyang anak.

Denotasyon Konotasyon

4. Masama ang loob ng ama nang matagal sa trabahao.

Denotasyon Konotasyon
5.Madalas mainis ang ama sa paladaing na anak.

Denotasyon Konotasyon

Pagsasanay 2

Panuto: Pumili ng isang telenobelang nakatuon sa buhay ng isang ama. Magtala ng dalawang pangyayari
at ihambing ito sa mga nangyayari sa kasalukuyan. Isulat ang pamagat ng telenobela sa loob ng
telebisyon. Sagutang sa isang malinis na papel.

Pamagat

PANGYAYARI SA TELENOBELA KASALUKUYAN

Maraming Salamat!

Inihanda ni
Bb. Cris Ann G. Dadivo
Guro sa Filipino 9
DepEd Learning Activity ( LAS )
KARAGDAGANG GAWAING -PAPEL
FILIPINO BAITANG 9
Pangalan:
Baitang:
Address/Lugar:
Petsa:
Istor:

Maikling Kwento: “Ang Ama”- SINGAPORE


Kasanayang Pampagkatuto:
F9PU-la-b-41

 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda

F9WG-la-b-41
 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga
pag-uganay.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti kopyahin ang kasunod na graphic organizer sa iyong papel at
punan ito ng mga pangyayari mula sa binasang kuwento ayon sa pagkakasunod-sunod
nito.Tukuyin ang tagpuan, tauhan at halagahang pangkatauhan.

3 4 5

2 Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari 6

1 7

Tagpuan at Tauhan Halagahang pangkatauhan


Pagsasanay 2
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional device o pangatnig upang
makabuo ang pahayag.Sagutang sa ibang papel.

1.Nagkasundo ang mga kabataan na magtungo sa relocation center upang magbigay ng tulong
( subalit, dahil, saka) hindi lahat ay nakarating.

2. Hindi siya pinayagan ng in ana umalis ( dahil,subalit,kaya) tumulong na lamang siya sa


paglilinis ng bahay.

3-4. (Datapwat,Subalit,Samantala) sinasabing maykaya sila sa buhay (kung kaya,ngunit,dahil)


hindi ito hadlang upuan maging kaibigan niya ang mga mahihirap.

5.Napakaraming na niyang napagtagumpayang probelma( dahil, sa lahat ng ito,kaya) hindi na


niya alintana ang mga darating pa.

6.( Saka, Sa wakas) natupad na rin ang aking pangarap na makarating sa ibang bansa.

7. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedya naganap sa Bohol at Cebu, ( kaya, sa lahat ng ito)
hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin.

8.Siya’y nahimasmasan ( Sa wakas , saka ) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa buhay.

9.( Kung, Kaya, Saka) uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.

10.Namaos siya( dahil , kaya, subalit) sa matagal na pagtatalumpati.

Maraming Salamat!

Inihanda ni
Bb. Cris Ann G. Dadivo
Guro sa Filipino 9

You might also like