You are on page 1of 2

Nireregla ang mga Bundok

Dalawang put tatlong taon na ang nakalilipas simula ng maging batas ang pagmimina sa bansa.
Patuloy ang pagyaman ng mga korporasyon sa pagmimina ngunit di pa rin napaplantsa ang mga kaso
ng pagpatay sa mga aktibista ng kalikasan. Patuloy ang pagsaid ng yamang minerales sa bansa ngunit
hanggang sa kasalukuyan, protektado pa rin sila ng pamahalaan. Akala ko ba mamamayan muna bago
pamahalaan, bakit patitigilin na ang paghahanap sa mga taong natabunan ng landslide sa Itogon,
Benguet? Kapag minerales ang huhukayin ayos lang kahit gaano katagal ngunit kapag taong natabunan
ng lupa, suko na agad?

Ang liberalisasyon ng rehimeng Ramos ay may napakagandang plataporma sa pangakong


magiging lunitian ang ekonomiya. Ang Republic Act 7942 o Mining Act of 1995 ay ang konstitusyonal
na pagmimina sa bansa. Lalo pa itong pinagtibay ng dating Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang
Executive Order 79 o Mining Order.

Maraming pangakong ikabubuti ng ekonomiya at mamamayan tungkol sa pagmimina kasama


na rito ang mataas na employment rate at kontribusyon sa Gross Domestic Product ng bansa. Di
aakalain na napako lamang ang mga pangakong ito. Ang mga pngakong ito ay di tunay nag into bagkus
ay tanso na maaaring paglako sa mangangalakal ng bakal bote.

KINAKALAWANG ANG PINAS

Tuwing naririnig ang pagmimina, nangunguna sa bansa ang Philex Mining Corporation na
pinakamalaking Pilipinong kompanya ng pagmimina. Di ka maniniwala kung sasabihin kp sa iyong ang
Pilipinas ay isa lanag tagapamagitan sa pagitan ng mga transnasyunal na korporasyon o TNC at sa
mag-aangkat nito. Dinadala pa ng Philex Mining Corporation sa abanteng bansa gaya ng Japan upang
mas makamura ng operasyon sa smelting plant. Siyam na pung porsyento ng minerales sa bansa ay
iniluluwas sa mga abanteng bansa tulad ng Australia, Canada, Japan, Korea, China, Britanya at Estados
Unidos.

Panay ang luwas ng mga minerales sa bansa at ang mga lunitiang bundok ay kinakalawang na
sa pagmimina ng mga dayuhang korporasyon. Kinakalawang na ang gobyerno dahil ang inaasam na
mataas na employment rate ay di ramdam ng mga Pilipino pagkat sa taong 1997 hanggang 2013,
0.44% o 149, 235 na trabaho ang inilaan at ang kontribusyon ng Gross Domestic Product ay 0.77%
lamang na di nadarama ng local na ekonomiya. Nagniningning sa ginto ang mga umaangkat ng ginto
at tanso mula sa bansa samantalang ang ating sariling bansa ay natitirang kinakalawang at maging ang
utak ng mga pangulo ay pumupurol pagdating sa kapakanan ng mamamayan nito. Di ko sukat akalain
na mayroong reserbang mineral ang bansa na P37.30 – P44.41 trilyon o $840 bilyon hanggang $1
trilyon. Nasaan na ang mga ito? Mahahanap mo ito sa kapakinabanagan ng mga ibang bansa, mga
bansang kapag ngumingiti ay nakasisilaw ang gintong ngipin, mga banasang bumubungisngis sa
kinasasadlakan ng Pilipinas.

Mapapailing ka na lang kapag nalaman mon a ang mga rehiyong CARAGA, SOCSKSARGEN at
Eastern Visayas na talamak ang pagmimina ang siyang nangunguna sa listahan ng poverty incidence.
Naku Pilipinas, mayaman ka talaga sa mineral este, kalawang.

BANTAY SARADO ANG GINTO

Maluwag na ang tornilyo ng nagdaang dalawang pangulo na sina Arroyo at Aquino sa


kadahilanang nagkaroon ng Investment Defense Forces o IDF noong Pebrero 2009 sa panahon ni
Arroyo laban di umano sa rebolusyonaryong sandatahan o New People’s Army (NPA) at CAFGU Active
Auxiliary of SCAA naman sa termino ni Aquino. Pinalalakas ng mga ito ang kapangyarihan ng mga
korporasyon na saidin ang yamang minerales ng bansa at sugpuin ang mga Pilipinong papalag sa
sinomang kakalaban sa mga ito. Sa loob ng sampung taong panahon ng dating Pangulong Arroyo,
dalawam put siyam ang namatay sa pakikibaka sa kapakanan ng kalikasan at sa loob pa lamang ng
limang taong panunungkulan ng dating Pangulong Aquino ay mayroon ng tatlum put pitong nasawi sa
pakikipaglaban sa teritoryong kinatitirikan ng mga ninuno at katutubo upang halughugin ang mga ginto.

Di malilimutan si Jovito Palparan sa kanyang pagiging tigre ng military na kung saan


nasasangkot siya sa pagpatay, sapilitang pagkawala o desparecidos at iba pang paglabag sa karapatang
pantao sa mga lugar na pinaghihinalaang parte o kasapi ng NPA. Tila di nab ago ang Extra Judicial
Killing sapagkat tahimik na itong kalakaran sa minahan ng maipasa ang Mining Revitalization Program
ni Arroyo.

Ang pagpopondo ng mga korporasyon ng pagmimina para bantayan ang ginto kaakibat ang
pwersa military ng bansa ay isang napakahusay na samahan upang magkamal ang pamahalaan ng
kakarampot na buwis mula sa pagmimina. Tila nag-aabang na lamang ang pamahalaan na marasyunan
ng pera mula sa tripling kapital na inilagak ng mga dayuhang kapitalista sa bansa.

Kahit na anong hinagap ay di luntiang maituturing na luntian ang Mining Act of 1995. Nakasaad
sa batas na mayroong pondo ang TNC para sa pagsasaliksik at pag-aaral sa ikatataas ng mga
proyektong social responsibility. Marapat lamang na sumunod ang mga korporasyon sa mga
regulasyong pangkalikasan gaya ng sa tubig at lupa. Ngunit ito’y kabalakyutan dahil di naman
nasusunod. Kapag namatay ang ilog, magababayad lamang ng danyos at lilipit sa iabng lugar upang
ipagpatuloy ang operasyon. Ang mga nakasaad na alituntunin sa Mining Act of 1995 ay isa lamang
pantakip o palamuti sa mudumi at mapanirang katangian ng industriya.

SA PULA SA PUTI

Huwag na tayong maglokohan na di natin alam ang katotohana nang maipasa ang batas na
ito. Ang batas na ito ay isa namang paran at daan upang magkamal ng kita. Sa umpisa pa lang, ang
pagmimina ay ang pagkasira ng kalikasan at pagkawala ng buhay. Nasira ang bundok sa Itogon,
Benguet dahil sa pagmimina. Nawala ang buhay ng limam put siyam na tao dahil sa pagguho ng lupa.
Nakakagigil ang mayor sa Benguet na ayaw pang ipasara ang operasyon ng pagmimina. Nais pa yata
niyang maibaon sa lupa.

Ang kit asana na gagamitin upang tugunan ang local na pangangailangan ng mga
mamamayang Pilipino ay wala. Kung pamahalaan lamang ang may hawak ng industriyang ito para sa
mamamayan, Malaki-laki na sana ang natugonan nito gaya ng mga makinarya at kasangkapan sa
agikultura at iba pa. mayroon na namang panukala ang gobyerno na dagdagan ng sampung porsyento
ang kita sa pagmimina ngunit walang nakasaad kung saan at paano gagamitin ang yamang minerales.

Nagluluksa pa rin hanggang ngayon ang mga biktima ng industriyang ito ngunit iwinawagayway
na anman ng gobyerno ang ngipin nilang tanso sa bagong estratehiyang napalno upang patabain ang
kanilang butsi. Nakagawa na naman ng plano kung paano malilinlang ang mga mamamayang Pilipino.

Palpak ang Pilipinas sa pagbibigay control kung paano lilinangin ang yamang mineral sa mga
dayuhang korporasyon. Palpak ang Pilipinas sa pagiging tagapamagitan kung kanino ibebenta o
ipagbibili ang mga minerales. Wala sa Pilipinas ang kapangyarihan kung paano pamamahalaan ang
produksyon sa minahan at paano ito pakikinabangan.

Demokratikong bansa ang Pilipinas pero ito ay nakatali sa kadenang tanso na mula sa mga
dayuhang korporasyon na naliligo sa asbalto upang palitawin ang gintong iaalay sa maningning na
abanteng bansa. Di na luntian ang bulubundukin ng Pilipinas kundi pula sa mga dugong dumanak at
puti sa ilog na dinadaluyan ng asbalto.

You might also like