You are on page 1of 2

CASE STUDY #3

TOPIC:isyu ng mining sa ating bansa

PANIMULA:
Sa darating na ika-3 ng Marso ang ika-20 taon na mula nang isabatas ang Republic Act
7942 o Mining Act of 1995. Dalawang dekada na buhat nang itinulak ng rehimeng US-
Ramos ang patakaran ng liberalisasyon o malayang pamumuhunan ng mga dayuhan
sa industriya ng pagmimina. Ito daw ang susi sa pag-unlad ng industriya ng pagmimina
na mag-aambag naman sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.Ngayong 2015 din ang
huling taon ng panunungkulan ni Pres. Noynoy Aquino. Nagpatuloy ang liberalisasyon
sa pagmimina sa ilalim ng kanyang administrasyon, na pinalakas pa nga ng Executive
Order 79 o Mining Order ni Aquino.Ayon sa Mines and Geosciences Bureau, ang
halaga ng buwis, bayarin at mga royalty na nakolekta ng pambansang gobyerno mula
1997 hanggang 2013 ay umabot ng P132.39 bilyon. Kalingkingan palang ito ng P1.31
trilyon na kabuuang halaga ng produksyon ng minerales sa Pilipinas sa parehong
panahon,Batay sa datos ng BIR, ito ay 9-10% lang ng total na halaga ng produksyon sa
pagmimina na pumapasok bilang buwis. Ibig sabihin, sa bawat P10 na nakukuha ng
mga minero sa ating yamang mineral, P1 lang ang naibabalik sa sambayanan.Higit pa
sa tubong lugaw ang kinikita ng mga lokal at dayuhang korporasyon sa pagmimina.
Noong 2013, naglagak lamang ng US$1.311 bilyon ang mga korporasyon sa
pagmimina pero may kabuuang kita sila na PHP157.1 bilyon o US$3.5 bilyon.Ibig
sabihin, sa bawat piso nilang binuhos bilang kapital, PHP3.50 ang bumabalik sa kanila.
Lalong higit ang tantya mismo ng Chamber of Mines in the Philippines sa
pamumuhunan sa pagmimina sa Pilipinas, kung saan ang bawat piso na
pamumuhunan ay nagluluwal ng P31 kabuuang kita sa tantyang panahong mula 2011
hanggang 2017. (Figure 1)Ito ay kalingkingan naman ng kabuuang reserbang minerales
ng bansa, na tinatayang umaabot sa halagang P37.30 – P44.41 trilyon ($840 bilyon
hanggang isang trilyon).Para mabigyan kayo ng ideya kung gaano kalaking halaga ito,
kayang tumbasan ng ating reserba ng minerales ang ating Gross Domestic Product
(GDP) ng 10 beses, at ang ating utang panlabas ng 14 hanggang 17 ulit pa.Ramdam
ba ng mamamayang Pilipino ito? Kung tatanungin natin ang mga kababayang nakatira
sa mga komunidad na apektado mismo ng pagmimina, marahil hindi. Nananatiling
mataas ang poverty incidence sa mga rehiyong laganap ang pagmimina, tulad ng
CARAGA, SOCSKSARGEN, at Eastern VisayasMatapos manalasa ng Bagyong
Ompong at magka-landslide sa Itogon, Benguet, naungkat muli ang mga isyu ukol sa
pagmimina sa Pilipinas.Ayon kay Jaybee Garganera ng Alyansa Tigil Mina, ilan sa
epekto ng pagmimina ay ang pagkawala ng agrikultura, tubig at ang displacement ng
mga indigenous people.Dagdag ni Dr. Cielo Magno ng UP School of Economics,
kaunti lang ang napakikinabangan ng gobyerno sa kita ng mga kumpanya ng mina.
Aniya, maliit lang ang buwis na binabayaran ng mga kumpanya, kumpara sa kanilang
kinikita at sa epekto ng pagmimina. Para sa kanya, dapat tutukang mabuti ang
pangongolekta ng buwis sa mining companies dahil marami sa mga ito, hindi umano
nagbabayad ng tama. May ilan rin umano na hindi nagbabayad ng royalties.Para
naman kay Department of Environment and Natural Resource Undersecretary Benny
Antiporda, dapat na maipatupad nang mabuti ang batas. Nararapat rin umano na hindi
pagsabay-sabayin ang paggawa sa minahan. Dapat umano na i-rehabilitate muna ang
minahan bago lumipat sa iba.Panahon na nga bang ipatigil ang pagmimina sa bansa?
Alamin yan sa Lunes sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.

Epekto ng pagmimina sa ating bans:


Mula sa kailaliman ng lupa, binubungkal ang ginto, nickel, chromite at iba pa pang
yamang mineral para maging alahas, para sa paggawa ng mga bahay at gusali, para sa
mga gadget at electronic appliances at para sa paggawa ng pera. Bahagi na nga ng
ating pamumuhay ang mga produktong gawa sa mineral—mga mineral na ipinroseso
sa ibang bansa.Pero alam niyo ba na isa ang Pilipinas sa mga bansang nangungunang
pinagkukunan ng ilang mineral? Halimbawa na lang, ayon sa U.S. Geological Survey,
number one ang Pilipinas na producer ng nickel na kadalasang ginagamit sa mga
materyales sa paggawa ng bahay at mga sasakyan. Nasa ika-dalawampu’t walong
puwesto naman ang Pilipinas sa mga gold-producing country sa buong mundo. Pero
ang tanong, sa dami ng mga binungkal o mininang mineral sa ating mga lupa,
yumaman ba tayo bilang isang bansa? Kamakailan lang nagpahayag ng pagtutol si
President-elect Rodrigo Duterte sa ginagawang malakihang pagmimina sa bansa
partikular sa mga bayan ng Surigao. Bahagi ang Surigao ng CARAGA region

You might also like