You are on page 1of 4

University of Batangas

Hilltop, Batangas City

“Pagmimina: Suliranin, hindi solusyon”

Pagre-rebyu ng Lathalain
ni:
Nitro, Cristian George B.
Bachelor of Science in Information Technology
BSIT1-1

First Semester A.Y. 2018 – 2019


University of Batangas
Hilltop, Batangas City

“Lumalawak na mapaminsalang pagmimina,


at
lumalawak na paglaban kontra rito”

Pagre-rebyu ng Lathalain
ni:
Nitro, Cristian George B.
Bachelor of Science in Information Technology
BSIT1-1

First Semester A.Y. 2018 – 2019


I. Buod

Nailatag sa nagdaang Mining Conference na ginanap sa Tagayay City noong unang


Linggo ng Marso taong 2012 ang masaklap na reyalidad na dulot ng pagmimina sa ating bayan
at sa ating kalikasan na dinaluhan pinangunhan ng hindi lamang ng mga lokal na samahan ng
mga makakalikasan at makabayan kundi gayon din ng mga internasyunal na delegasyon.

Mabubuod ang mga masasamang epekto na dulot ng pagmimina bilang: kahirpan, hindi
direktang pagkamatay ng hindi lamang ng ating kalikasan kung hindi pati na rin mismo ng mga
mamayan sa mga lugar na may nagaganap na pagmimina at mababang ekonomiya. Hindi taliwas
sa ating kaalaman na upang makapagsagawa ng pagmimina ay kailangan munang kalbuhin ang
napakaraming bundok at kagabutan. Sa dami ng mga operasyon ng pagmimina na kasalukuyang
tumatakbo saating bansa bukod pa ang mga nakatakdang aprobahan ng pamahalaan ay tiyak na
lubos na masasalanta ang ating kalikasan. Kaugnay ng pagkasira ng kalikasan ay ang pagkawala
din ng mga ikinabubuhay ng mga taong nasa lugar na apektado ng pagmimina. Halimbawa na
lamang sa Negros kung saan tumindi ang isnedente ng dislokasyon ng mga magsasaka,
mababang kita ng mga mamamayan, kagutuman at malnutirsyon na nagiging sanhi ng pagkasawi
ng ilang sa mga mamamayan. At sa kabila ng pagkasira ng malawak na parte ng ating kalikasan
ay hindi naman ganoon karamdam ang epekto nito sa ating ekonomiya. Sa katunayan ay mas
nakikinabang pa ang mga kompanya na nagpapatakbo ng mga large-scale mining, kaysa sa
buong sambayan dahil hindi naman ganoon kalaki ang buwis na kanilang binabayadan at hindi
rin ganoon kalaki ang kanilang naiiambag pagdating sa usaping empleyo kumpara sa mga small-
scale miners dahil sa paggamit nila ng makinarya kaysa sa mga tao bilang trabahdor. Hindi rin
ang ating ekonomiya ang direktang nakikinabang sa ating mga natural resources kundi ang mga
dayuhang kompanya silang pumipiga sa ating kalikasan para makakuha ng mga hilaw na
materyales na kanilang ibinabalik sa ating bansa bilang mahal na produkto na lalong
nagpapahirap sa atin.

Kasabay rin ng paglawak ng mapaminsalang pagmimina sa ating bansa ay paglwak din


ng ginawang pagkontra dito ng samahang makakalikasan sa ating bansa. Ngunit gayundin ay
hindi basta-basta isusuko ng mga malalaking kompanya na silang direktang nakikinabang sa
malalaking minahan ang kanilang mga pansariling interes kaya ganun na lamang ang kanilang
pagdedeploy ng mga militar sa lugar ng mga minahan upang magsilbing proteksyon sa mga ito.
Masama pa nito ay ang iba sa kanila ay piniling gumamit ng dahas upang maprotektahan lang
ang kanilang minahan na nagresulta sa pagkamatay ng ilang mga taong kontra dito.
II. Sariling kuro-kuro

Sinimulan ni Phea ang kanyang lathalain sa paggamit ng mga mabibigat na salita gaya
ng “panghuhubad at panggagahasa sa ating kalikasan at bayan” bilang paglalrawan sa
mapaminsala at hindi makatwirang pagmimina na kasalukuyang nagaganap sa ating bansa na
lubos ko namang sinasangayunan.

Hindi makatwiran ang nagiging pagsira sa napakalawak nating kalikasan at pagkakalbo


sa ating mga kabundukan at kagubatan para lamang sa mga kakaunting mineral at mga hilaw
na materyales na makuukuha rito. Unang una, wala naman tayong masyadong napapala mula
rito dahil sa wala naman itong masayadong naiiambag sa ating ekonomiya. Maaaring
nakakapagbigay nga ito ng mga trabaho sa iilang tao dahil sa pangangailangan nito ng mga
taong maghuhukay ng lupa, ngunit kakaunti ang bilang na ito kung ikukumpara sa mga
magsasakang nawawalan ng ikinabubuhay dahil ang kanilang lupang sakahan ay nakamkam
o hindi naman kaya ay nasira. Gayundin kung malaki ang naiiambag ng pagmimina sa ating
ekonnomiya, bakit sa dinami-dami ng minahan sa ating bansa ay maituturing pa rin tayong
mahirap? Ito ay sa kadahilang mga sariling interes lamang ng mga malalaking kompanyang
nagpapatkabo sa mga minahan sa ating bansa ang natutupad ng mga ito. Ang masaklap pa
riyan ay halos mga dayuhan pa ang nagmamay-ari ng mga kompanya at mga minahan sa
Pilipinas. Ang kalikasan at bayan natin ang nasisira ngunit ang mga dayuhang bansa ang
nakikinabang rito. Pilit nilang pinipiga ang ating kalikasan para makakuha ng mga murang
hilaw na materyales para sa kanilang mga produkto na pagkatapos ay dadalhin muli nila dito
sa ating bansa sa napakamahal namang presyo na siyang lalong ikinahihirap ng ating bansa
dahil sa aminin man natin o sa hindi mas tinatangkilik natin ang prouktong galling sa ibang
bansa kaysa sa mga sarili nating produkto.

Kaya kung iisiping mabuti, ang pagmimina ay hindi maituturing na solusyon kung hindi
isang suliranin ng ating bayan. Kahirapan at hindi kayamanan, pagkawasak at hindi pag-angat
ang dulot sa atin ng pagmimina. Sapat na ang mga dahilang ito para sumang-ayon ako sa
anomang kilusang nagnanais na ippatigil lahat ng operasyon ng pagmimina sa ating bansa.

III. Sanggunian

Pasion, P. (2013, March 28). Lumalawak na mapaminsalang pagmimina, at lumalawak na


paglaban kontra rito. Retrieve from http://pinoyweekly.org/new/2012/03/lumalawak-na-
mapaminsalang-pagmimina-at-lumalawak-na-paglaban-kontra-rito/

You might also like