Professional Documents
Culture Documents
Isa ang pagmimina sa pinakamalaking sektor ng industriya sa Pilipinas. Ang pagmimina ay isang
proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga bagay sa lupa tulad ng mineral. Ayon kay Cana
Laguador sa kanyang artikulong nai-publish sa website ng Academia, ang pagmimina ay
pumapangalawa sa pinagsusumikapang trabaho ng mga Pilipino at nangunguna naman ang
agrikultura.
Ang residente ng munisipalidad ng Santa Cruz ay ang mga unang benepisyaryo ng mining
corporation. Sagana ang isla ng Marinduque sa ibat-ibang yaman katulad ng yamang tubig,
yamang lupa at higit sa lahat ay ang yamang mineral. Ito ay isa sa dahilan kung bakit pinapasok
at gustong pasukin ng mga dayuhan hanggang sa kasalukuyan ang isla at magsimula ng isang
ekspedisyon sa pagmimina.
Isa ang pagmimina sa pinakamalaking pinagkakakitaan ng mga Marinduqueno bago pa man ito
ipinasara. Halos lahat ng residente ng munisipalidad ng Santa Cruz ay nakaasa sa mga
benepisyong naibigay ng korporasyon kasama na dito ang libreng serbisyong medical,
scholarship at pabahay.
Isa ang isla ng Marinduque sa may malagong industriya ng pagmimina noon sa buong Pilipinas.
Ang minahang ito ay may malaking epekto sa paglago ng ekonomiya ng isla. Maraming mga
dayuhan ang pumapasok sa isla upang mag-bakasyon at magtayo ng kanilang negosyo.
EPEKTO SA EKONOMIYA
Taong 1996 ay umusbong ang balita na nagkaroon ng trahedya sa site ng minahan. Ang isa sa
mga daluyan ng mga kemikal at dumi sa minahan ng Tapian Pit ay nagkaroon ng sira o leak.
Ayon kay Rolan De Jesus sa kanyang pahayag sa dokumentaryo ng programang Ted Failon, nasa
humigit kumulang 1.6 milyong cubic meters ng tailings ang dumaloy sa buong parte ng Boac
River.
Tatlong taon bago pa man nangyari ang trahedya sa minahan, ayon kay Niko Dizon ng ABS-
CBN News, ang siltation dam ng Maguila-guila station ay nasira din at binaha ang bayan ng
Mogpog kung saan dalawang bata ang nalunod sa tubig ng tailings. Idineklara na ang tailings ng
Maguila-Guila ay higit ang lebel ng toxicity dahilan kung bakit ang noong pinagkukunan ng
yamang dagat at tubig irigasyon ay patay na.
Matapos ang nangyaring trahedya sa Tapian Pit, ang Canadian Corporation na Placer Dome ay
walang nagawa. Sinalo ng isa pang korporasyon ang minahan at ipinagpatuloy ang operasyon sa
Barangay San Antonio na halos tatlong kilometro lamang ang layo sa Tapian Pit. Ang Calancan
Bay ang ginawang dumping site ng minahan at sumira sa 8,000 hectares na fishing ground.
Matapos ang huling operasyon ng minahan noong 1984 dahil sa pagbaba ng presyo ng copper,
malaki ang epekto ng sirang dulot ng minahan sa lipunan, kalusugan, ekonomiya at residente ng
Marinduque. Naitala na may total na 200 million tons ng toxic tailings ang naitapon sa Calancan
Bay.
Isa ang kalusugan sa may pinakamalaking naapektuhan ng trahedya ng minahan. Ilan sa mga
residente ng bayan ng Mogpog, Boac at Santa Cruz ang may mataas na lebel ng heavy metals.
Ang mga kemikal na Lead, Arsenic, Mercury, cadmium at copper ay natagpuang nagko-
kontaminate sa lugar at mas malala ay nai-ingest ng tao.
Ayon kay Dr. Teodoro Rejano, dating Municipal Health Worker, ang long term effect ng
basurang mina sa Calancan Bay ay ang ibat-ibang sakit na dulot ng tailings. Ilan sa mga pasyente
ayon sa kanya ay nagrereklamo patungkol sa pagiging anemic, may skin rashes at ang malala ay
namamatay dahil sa exposure at intake ng heavy metals.
Ilang residente ng Mogpog at Boac ang ngayo’y nakakaramdam ng ilang skin disease dahil sa
mga kinakain na contaminated ng tailings. Isa sa mga epekto nito ay pagkalason at pagkakaroon
ng skin diseases na maaring maging cancer.
Taong 2017 ng isinulong ni Rowena Garcia, DOH Chief ng Marinduque ang “telemedicine”
system kung saan ang mga residente ng Marinduque ay pwedeng komunsulta sa mga doktor sa
Batangas Medical Center sa pamamagitan ng Camera at TV.
BIBLIOGRAPIYA
Dizon, N. (2019). The Marcopper disaster: A tragedy that continues in people's veins. ABS-
CBN News.
Tamang, B. (2016). Mining in the Philippines is the light of the catholic social teaching. 196.
Unknown. (n.d.). BANTAY KITA. Retrieved from Position Paper on SHort term economic impact
of closed mines .