You are on page 1of 6

Current Events

A. Water Pollution

KARAGATAN NG DAVAO, MASBATE AT BOHOL, APEKTADO NG RED TIDE


June 26, 2015| By: Jun Legaspi with Ciara Alarcon-Camille Caguioa

NANATILING apektado ng red tide toxic ang ilang bahagi ng karagatan ng Davao Oriental, Masbate at
Bohol, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa report na inilabas ng BFAR sinabi na batay sa pinaka-latest laboratory results na ginawa ng BFAR at
Local Government Units (LGUs), positibo pa rin sa paralytic shellfish poison ang mga isdang lamang dagat
na mahahango sa lugar ng Balite Bay sa Mati, Davao Oriental gayundin sa coastal waters ng Mandaon sa
Masbate at coastal waters ng Dauis sa Bohol.
Nagbabala rin ang BFAR na ang Irong-Irong Bay at Cambatutay sa Western Samar ay positibo na rin sa red
tide toxin. Pinag-iingat ng BFAR ang mga mangingisda sa nasabing lugar at pinaalalahanan na umiwas
muna sa pag-harvest ng mga lamang dagat sa mga nasabing lugar upang makaiwas sa posibleng
problema.
Nagmumula ang lason ng red tide sa maliliit na organismo na naninirahan sa katubigan, na kung tawagin
ay dinoflagellates, na siya namang nakakain ng mga shellfish. Kapag nakain ng tao ang apektadong
tahong, talaba, tulya at iba pang uri ng shellfish, maaaring maipasa ang lason at magdulot ng mga
sintomas sa tao.

B. Air Pollution

20 KATAO, BIKTIMA NG CARBON MONOXIDE POISONING


April 18, 2014| By: Bombo Jun Desca
Umabot sa 20 katao and isinugod sa ospital matapos na malason ng carbon monoxide sa Catbalogan,
Samar. Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nangyari
ang carbon monoxide poisoning noon, Miyerkules, Abril 16, kung saan karamihan sa mga biktima ay
participants ng Rationalizing Plan ng Department of Education.
Umabot sa20 katao ang isinugod sa ospital matapos na malison ng carbon monoxide sa Catbalogan,
Samar. Ayon sa ulat, dumanas ng pagkahilo, pananakip ng dibdib at hirap sa paghinga ang mga biktima
habang ang iba ay nasusuka matapos malanghap ang carbon monoxide mula sa generator set ng
ginagamit sa DepEd building.
Ang carbon monoxidepoisoning ay nangyayari kapag ang ito ay dumaloy sa blood stream ng tao.
Kadalasan nagmumula ito sa mga hindi well ventilated na engines at appliances tulad ng nasa balita. Isa
din dito ang mga makina ng mga sasakyan sa kalsada. Ang sanhi ng pagkaantok ng tao sa pampublikong
sasakyan ay ang carbon monoxide poisoning. Nararapat lamang na magkaroon ng regular na pagcheck up
ng mga engines at sasakyan upang hindi magdulot ng kapahamakan sa mga nabubuhay.

C. Land Pollution

PAGBAHA SA KIDAPAWAN, ISINISI NG OBISPO SA KAWALAN NG MGA


PUNO
July 6, 2015| By: Andrea Adriano

Nanawagan si Bishop Dimualdo Gutierrez ng Marbel, South Cotabato sa mamamayan ng


lalawigan na pangalagaan at payabungin ang mga bagong tanim na punong kahoy.
Ayon sa obispo, ang kawalan ng mga puno ang dahilan ng matinding pagbaha sa
Kidapawan, South Cotabato.
Paliwanag pa ni Gutierrez, ang pagpuputol ng mga puno ang isa sa mga dahilan kung bakit
nagkakaroon ng mga pagbaha at landslide, dahil wala nang punong pumipigil sa lupa at
sumisipsip ng tubig.
Isa sa sinabing dahilan ng obispo sa pagpuputol ng mamamayan ng mga puno sa
Kidapawan ang pagtatanim ng mais na pinagkukunan ng kanilang kabuhayan.
Sinabi ng obispo na bunsod ng pagpuputol ng mga puno ay nasira ang halos 1,000
ektaryang taniman sa kanilang lalawigan dahil sa matinding pagbaha.

D. Shrinking Ice

BAD NEWS KEEPS FLOWING FORM ANTARCTICA


May 21, 2015| By: Michael D. Lemonick

The massive shelves of ice that ring Antarctica have been shrinking over the past couple of
decades, and that could have grave implications for sea level rise.

Its not the ice shelves themselves that pose a problem: theyre mostly afloat, so when they
melt or dump massive icebergs, it doesnt affect water levels any more than melting ice
cubes make your drink rise and overflow.
But the ice shelves serve as massive barriers that slow the flow of glaciers out to sea. As
the shelves shrink, the barrier weakens, allowing glaciers to start moving faster. And since
that ice is land-based, it adds to sea level rise.

Ang global warming ay ang malaking sanhi ng shrinking ice. Ngunit ang tao ang may
kagagawan ng global warming dahil sa patuloy na kapabayaan ng tao. Ang mga gawain
tulad ng pagsunog ng puno o paggawa ng enerhiya ay nakapagdudulot ng masamang
epekto sa temperature ng mundo.

E. Garbages and Wastes

METRO MANILA, LUMULUBOG NA DAHIL SA BASURA


By: Remate News

Malapit nang mabura sa mapa ang buong Metro Manila dahil sa pagtatayo ng mga fishpond
at nagtambak na basura dito.

Ayon sa ginawang pag-aaral ni Dr. Fernando Siringan ng University of the Philippines (UP)
Marine Science Institute kahit na dalawang linggo na ang nakalipas mula ng manalasa ang
Habagat sa malaking bahagi ng Luzon ay lubog pa rin sa baha ang ilang lugar tulad ng
Bulacan at Camanava area (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela).
Sinabi pa ni Siringan ng lumulubog ang Metro Manila lalo na ang Malabon, ng ilang
sentimetro kada taon at tumataas naman ang sea level ng hanggang isang sentimetro
bawat taon dahil sa global warming.

You might also like