You are on page 1of 2

RONALDO A. POZON, Ph.D.

, CESO V
Schools Division Superintendent
DepEd, Division of Nueva Ecija
Old Capitol Compound, Burgos Ave.
Cabanatuan City

ATTENTION: MARILOU R. BUENAVENTURA, LLB, Ph.D.


Attorney III, Legal Office
Department of Education
Division of Nueva Ecija
Old Capitol Compound, Burgos Ave.
Cabanatuan City
MAAM:
Ako si JOEMER C. MABAGOS, Teacher I ng Bakal II Elementary School, Talavera
Nueva Ecija na inirereklamo ng aking bilas na si G. MEQUIAS MOISES V. PIACA sa hindi
pagtupad sa Compromise Agreement na bayaran ang utang na nagkakahalaga ng Php 75,
000.00 sa pagitan ng buwan ng Enero at Pebrero 2016 na kung saan ito ay nadesisyunan na ng
Municipal Trial Court of Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Ganoon paman, ako ay may naibigay na na Php 20,000.00 kay G. Piaca na kung saan
ay ibinawas na sa Php 75,000.00 sa simula pa bago nila ako inireklamo sa Municipal Trial
Court.
Narito ang aking mga pahayag/ mga komento:
1. Nakasaad sa compromise agreement na kapag nakuha ko ang aking ATM ako ay magloloan para mabayaran ng buo ang aking pananagutan kina G. Piaca.
Hindi po ako makapag loan dahil hindi ko inaasahan na ang lahat ng dati kong private loans
ay pumasok/ kumaltas agad sa aking suweldo, hindi ako pinahintulutan na makarenew o
makapag loan uli sa iba dahil ang aking suweldo nalamang ay Php 3,500.00, hindi sila
makakapasok o wala silang pwedeng ikaltas.
2. Nagdesisyon nalamang muna ako na maghulog ng Php 1, 500 sa MTC noong buwan ng
Pebrero 2016 at gawin nalang sana itong monthly na paghuhulog sa kanila sa paraang
makakayanan kong maghulog/ makabayad sa kanila
3. Ngunit noong sumunod na mga buwan ay hindi na ako nakapag hulog sa kanila ng
aking utang sa kadahilanang nagbabayad din ako ng utang ng aking asawa sa kanila at
bayad sa attorney.
Hindi ko naman po na maaaring ibigay ng buo ang aking suweldo sa kanila
buwan buwan bilang kabayaran, sa kadahilanang may mga pangunahing
pangangailangan din ako na dapat tugunan sa aking pamilya at sa aking trabaho, sa
kabila nito ay wala akong intensiyon na talikuran ang aking pananagutan sa kanila, may
mga pagkakataon din sa buhay ng tao na may mga dumarating o sumasabay pang pagsubok at mga pangunahing pangangailangan na dapat bigyan din ng pansin.
Maraming salamat po, pagpalain nawa tayong lahat ng Diyos.

Lubos na gumagalang:
JOEMER C. MABAGOS

Guro I

You might also like