Ako po si Pablo C. Flores, anak ng yumaong Ambrocio Flores, nakatira sa Central Street, San Vicente, Sta. Maria, Bulacan, ay sumusulat sa inyo upang humingi ng tulong patungkol sa aming lupang pinagsasakahan. Ninanais po sana naming makausap si Sonia N. Santos, nagmana ng lupa ng yumaong Modesto Santos, na nakatira sa 1053 Craig St., Sampaloc, M.M., upang lubusang malinawan sa kasunduan hingil sa aming pagbubuwis.
Gumagalang,
PABLO C. FLORES Petsa: Oktubre 28, 2020
Mahal na ginoo o ginang,
Ako po si Pablo C. Flores, anak ng yumaong Ambrocio Flores, nakatira sa
Central Street, San Vicente, Sta. Maria, Bulacan, ang kasalukuyang nagsasaka ng lupa ng yumaong Modesto Santos. Ako po ay sumusulat sa inyo upang ipagbigay-alam, na sa kadahalinang hindi pagtanggap ng aming buwis para sa lupang aming sinasaka, ako po ay nagbukas ng bagong bank account sa Asia United Bank (AUB) upang doon ay ilagak ang nasabing buwis naming hindi naibigay. Ang nasabing bank account ay nakapangalan sa akin, may account no na 148-11-001588-6, at naglalaman ng sampung libo (P10,000.00) ayon sa aming buwis pamula noong taong 2015 hanggang 2019. Ang bagong bank account na ito ay inilalaan lamang para sa buwis na hindi tinanggap o tatanggapin ng nagmamayari ng lupang aming sinasakahan at kung nanaisin na itong kunin, ipagbigay-alam lamang po sa akin at ang lamang pera nito ay aking iwi-withdraw sa banko upang maibayad bilang aming buwis. Ito po ay patunay na ako po ay nagnanais na magbayad nang tamang buwis sa nagmamayari ng lupang aming pinagsasakahan upang magpatuloy pa sa pagsasaka.