You are on page 1of 3

Memorandum Of Agreement (“MOA”)

TCT No.: 040-2023007943


Ako si EMMANUEL F. BARRIENTOS, Single, nakatira sa 219 Talisay St. Brgy.
Dulong Bayan, City of San Jose del Monte, Bulacan na nagrerepresenta bilang
Mamimili.

Ako si FIDELA I. ABANTE, Byuda, nakatira sa Sitio Lote–B, Sapang Palay,City of


San Jose del Monte, Bulacan. Na nagrerepresenta bilang Nagbebenta / May – Ari ng Lupa.

Na napagkasunduan naming na ako si FIDELA I. ABANTE ay ibebenta kay


Ginoong EMMANUEL F. BARRIENTOS ang lupa na nasa ilalim ng Numero ng Titulo
na TCT No.: 040-2023007943.
na may kabuuang sukat na humigit kumulang Tatlong Libo, Walongdaan at
Dalawampu’t Isang Metro kwadrado ( 3,821 sqms ) na matatagpuan sa Brgy.
Bulac, Mun. of Sta. Maria, Bulacan na nagkakahalaga ng Isang Libo at
Limangdaang Piso ( P 1,500.00 ) kada metro kwadrado na may kabuuang
halaga na Limang Milyon, Pitongdaan Tatlompu’t Isang Libo at Limangdaang Piso
( P 5,731,500.00) at napagkasunduan din namin ang mga sumusunod :

1. Na ako si FIDELA I. ABANTE na kumakatawan sa mga May-ari, ay


nangangakong hindi na ibebenta o iaalok o isasangla sa iba ang lupang
nakasaad sa aming napagkasunduan. Na kung kami ay sumuway ako’y
mananagot sa batas ayon sa aming kasunduang ito at obligado kaming ibalik
ang mga nagastos at naibayad ng Mamimili sa lupang aming napag usapan
sa kasunduang ito.

2. Na ako si EMMANUEL F. BARRIENTOS, ay makaraang itrace back ang mga


dokumento at napatunayang malinis, updated sa lahat ng bayarin at
kumpleto ang mga dokumento sa Right of way ng kalsada sa lupa at sa
amilyar ng nasabing lupa ay agad akong magbibigay ng paunang bayad na
nagkakahalaga ng Limang daang Libong Piso ( P 500,000.00 ).

3. Na makaraan ang Anim na Buwan (6 months) ako si EMMANUEL F.


BARRIENTOS ay muling magbibigay ng Dalawampung Porsyento (20%) ng
kabuuang halaga na nagkakahalaga ng Isang Milyon, Isangdaan
Apatnapu’t Anim na Libo at Tatlongdaang Piso (Php1,146,300.00).

4. Na napagkasunduan din namin na ang pag aayos ng Extra Judicial ng


Titulo ay papaluwalan muna ni Ginoong Emmanuel ang mga gastusin at
iaawas sa buwanang hulog nagkakahalaga ng Isang Milyon, Tatlongpu’t
walong Libo, Apat na daan at Siyamnapu’t Anim na Piso ( P
1,038,496.00 )

5. Na makaraang makapagbigay ng Dalawampung Porsyento (20%) ay


papalipasin ang Isang Buwan (1 month) magsisimula na akong magbigay ng
buwanang hulog sa loob ng Dalawampu’t Apat na buwan (24 Months) na
nagkakahalaga ng Isangdaan Tatlompu’t Limang Libo, Walongdaan
Tatlompu’t Siyam Piso. (P 135,839.00) malinis kada buwan

6. Ang buwanang bayad sa #6 ay sa pamamagitan ng tseke na nakapangalan at


alinsunod sa mga petsa at may ari ng lupa .
7. Na napagkasunduan din namin na ang gastos sa 5% Commission ng Agent
(P 286,575.00) ay sasagutin ng Nagbebenta.

8. Na napagkasunduan din naming na kami na Nagbebenta ay pumapayag na


ipagamit sa Bumibili ang lupa makaraan nilang magbigay ng paunang bayad.

9. Na napagkasunduan din namin na kung sakaling may mga hindi inaasahang


pangyayari na hindi kontrolado kagaya ng delay at Pandemya, Lockdown,
Digmaan o iba pang mga bagay na hindi kontrolado ng parehas na panig, ay
kami na Nagbebenta ay pumapayag na tumigil pansamantala ang
pagbabayad ng Mamimili, alinsunod sa alituntunin ng pamahalaan.

10.Na napagkasunduan na kung madelay ang bayad ng Mamimili sa panahong


kailangan nya magbayad ng Isang Buwan (1 Month) ay magkakapenalty ng
Isang porsyento (1%) ng kabuuang hulog pabor sa Nagbebenta.

11.Na napagkasunduan na kung madelay ang bayad ng Mamimili sa panahong


kailangan nya magbayad ng Tatlong buwan (3 months) na sunod sunod ay
magkakapenalty ng Limang porsyento (5%) ng kabuuang hulog pabor sa
Nagbebenta

12. Na napagkasunduan na kung sa loob ng Anim na buwan (6 months) na


sunod sunod na hindi nakakapaghulog ang Mamimili ay mafoforfeit ang
kanilang naibayad pabor sa Nagbebenta .

13.Na napagkasunduan din naming na kami na Nagbebenta ay bibigyan ng


General Power of Attorney (GPA) ang Mamimili upang magamit niya sa
kailangang transaksyon sa lupa at paglalakad ng mga permit.

14.Na napagkasunduan din naming na dapat ang titulo ay laging available


ipahiram kung sakaling kailangan upang ipakita sa kliente sa paglalakad ng
mga dokumento at permits gaya ng kuryente, tubig, at iba pa.

15.Na napagkasunduan din naming na kapag ang Mamimili ay nakapagbayad


na ng kabuuang halaga ng lupa, Ay kami na Nagbebenta ng lupang nakasaad
ay kailangang makipagcooperate upang mailipat sa kanila ang titulo ng
nasabing lupa o (Transfer of Title from Seller to Buyer) .

FIDELA I. ABANTE
Nagbebenta Emmanuel F. Barrientos
ID No.______________________ MAMIMILI
ID No.
___________________

S A K S I

___________________________________ ____________________________________
AKNOWLEDGEMENT

(REPUBLIKA NG PILIPINAS.) S.S .


Ang lahat ng nakilala ko pagkatapos nilang iharap ang kanilang kaukulang karampatang

katibayan ng pagkakakilanlan at kilala ko bilang ang parehong tao na nagsagawa ng nabanggit

na MEMORANDUM NG KASUNDUAN na binubuo ng TATLO na (3) pahina kasama ang

pahinang ito kung saan nakasulat ang pagkilala at kinikilala nilasa akin ang pareho ay ang

kanilang sariling malaya at boluntaryong pagkilos at ginawa.

SAKSIHAN ANG AKING KAMAY AT NOTORIAL SEAL sa petsa at lugar na unang nakasulat sa

itaas.

NOTARY PUBLIC

Doc No._________:

Page No.________:

Book No.________:

Series of ________:

You might also like