Professional Documents
Culture Documents
PAGPAPATUNAY
Na ang NAGPAPAUPA ay siyang tunay at ganap ng nagmamay-ari ng isa sa PAUPAHAN
na TINDAHAN na matatagpuan sa 487 Marahan I,Alfonso,Cavite .
Na ang UUPA O UMUUPA ay sumasang-ayon na paupahang tindahan at lupang minana
ng aking asawa sa magulang na si Florante Rolle Flores pag mamay-ari ng isang PAUPAHANG
TINDAHAN na matatagpuan sa sa 487 Marahan I,Alfonso,Cavite .
Na ang NAGPAPAUPA at ang UMUUPA ay nagkasundo na UUPAHAN at PAUUPAHAN ang
nasabing TINDAHAN sa ilalim ng PATAKARAN at ALITUNTUNIN na gaya ng mga sumusunod:
(1) Na ang nasabing TINDAHAN ay gagamitin sa negosyo sa loob ng isang(1) taon na
magsisimula sa ika-_10 ng Marso 2021 at matatapos ng Marso 2022 at maaaring
paupahan muli sa bagong kasunduan.
(2) Na ang UMUUPA O UUPA ay sumasang-ayon na upahan sa halagang Dalawang
libo(Php.2,000.00) kada buwan.
(3) Na ang UMUUPA O UUPA ay kailangang magbayad ng kanilang upa tuwing ika-10
kada buwan.
(4) Na ang UMUUPA O UUPA ay magbibigay ng downpayment; dalawang buwan bilang
paunang kabayaran sa upa at isang buwang deposito na may kabuuang halaga na anim
na libong piso (Php.6,000.00).
(5) Na ang deposito,isang buwan na deposito o sa halagang dalawang libong piso
(Php.2,000.00) ay hindi ibabalik ng nagpapaupa bagkus ito’y tatapusin ng UMUUPA at
ang nasabing deposito at magagamit lamang sa huling buwang UUPAHAN.
(6) Na ang NAGPAPAUPA ay sumasang-ayon sa UMUUPA o UUPANG TINDAHAN ay siya
ang sasagot sa pagpapaayos ng TINDAHAN o pinarenovate ang TINDAHAN, ito ay hindi
agad makakaltas sa buwanang upa, ito ay unti-unti kakaltasan sa lahat ng nagastos
pinagawa ng UMUUPA o UUPA ng TINDAHAN.
(7) Na ang UMUUPA o UUPA lahat ng ginastos sa pinaayos o pinarerenovate sa
TINDAHAN ay kailangan magbigay sa may-ari ng NAGPAPAUPA ang mga resibo.
(8) Na kung sakaling aalis o lilipat ang UMUUPA O UUPA kinakailangang tapusin ang
KONTRATANG nabanggit sa KASUNDUAN. Kailangan may paunang abiso sa loob ng
tatlumpung(30) araw bago isagawa ang kaukulang pag-alis o paglipat.
Bilang katunayan ng lahat ng nabanggit sa kasunduan,ang UUPA at NAGPAPAUPA ay
nagkasundo at lumagda ngayon ika-__ ng Abril 2021.
SUMASAKSI:
Zeny F. Varias ____________________
Adelaida F. Añounuevo ____________________
Emmanuel Ralfjohn Flores ____________________
Noli Varias____________ ____________________
John Paul Varias________ ___________________