You are on page 1of 3

Memorandum Of Agreement (“MOA”)

Under Title TCT No.: CLOA T-945(M)


Ako si EMMANUEL F. BARRIENTOS, Single, nakatira sa 219 Talisay St. Brgy.
Dulong Bayan, City of San Jose del Monte, Bulacan na nagrerepresenta bilang
Mamimili.

Kami sina FERNANDO F. CRUZ kasal kay IMELDA RAMOS, nakatira sa 594
Illescas St., Binagbag, Angat, Bulacan na nagrerepresenta bilang Nagbebenta/ May-
Ari ng Lupa.

Na napagkasunduan naming na kami sina FERNANDO F. CRUZ kasal kay


IMELDA RAMOS ay ibebenta kay Ginoong EMMANUEL F. BARRIENTOS ang lupa na
nasa ilalim ng Numero ng Titulo na TCT No.: CLOA T-945(M)
na may kabuuang sukat na humigit kumulang Dalawampu’t Pitong Libo, Dalawang
daan Tatlompu’t-Apat na metro kwadrado ( 27,234sqms ) na matatagpuan sa
Brgy. Binagbag, Mun. of Angat, Bulacan na nagkakahalaga ng may kabuuang
halaga na Walong Milyon, Limangdaang Libong Piso ( P8,500,000.00 ) at
napagkasunduan din namin ang mga sumusunod :
1. Na kami sina FERNANDO F. CRUZ kasal kay IMELDA RAMOS na
kumakatawan bilang May-ari, ay nangangakong hindi na ibebenta o iaalok
o isasangla sa iba ang lupang nakasaad sa aming napagkasunduan. Na kung
kami ay sumuway ako’y mananagot sa batas ayon sa aming kasunduang ito
at obligado kaming ibalik ang mga nagastos at naibayad ng Mamimili sa
lupang aming napag usapan sa kasunduang ito.

2. Na ako si EMMANUEL F. BARRIENTOS, ay binigyan nang pahintulot na


itrace back ang mga dokumento sa loob ng isang Buwan at kung
napatunayang malinis ang dokumento, updated sa lahat ng bayarin,
kumpleto ang mga dokumento sa Right of way ng kalsada sa lupa, sa amilyar
ng nasabing lupa at pinapayagan ng mga kawani ng Gobyerno ay agad akong
magbibigay ng paunang bayad na nagkakahalaga ng Isang Milyong Piso
( P1,000,000.00 ).

3. Na makaraan ang Isang Buwan (1 month) mula sa pagbibigay ng paunang


bayad ako si EMMANUEL F. BARRIENTOS ay muling magbibigay ng
buwanang hulog sa loob ng Dalawampu’t Apat na Buwan (24 months) na
nagkakahalaga ng Tatlong daan Labing dalawang Libo at Limangdaang
Piso. ( P 312,500.00 ).

4. Ang buwanang bayad sa #3 ay sa pamamagitan ng tseke na nakapangalan at


alinsunod sa mga petsa at may ari ng lupa .

5. Na napagkasunduan din namin na ang lahat ng gastos sa nasabing lupa,


dokumento at commission ng mga ahente ng lupa ay sasagutin ng
Mamimili at walang sasagutin ang Nagbebenta alin man sa mga gastusin.

6. Na napagkasunduan namin na ang pagbibigay ng agent’s commission ay


installment terms sabay sa tapos ng paghuhulog ng Mamimili sa Nagbebenta
o May-ari

7. Na napagkasunduan din namin na ang gastos sa iba pang gastusin sa


paglilipat ng titulo ay sasagutin ng Mamimili.
8. Na napagkasunduan din naming na kami na Nagbebenta ay pumapayag na
ipagamit sa Bumibili ang lupa makaraan nilang magbigay ng paunang bayad
gaya ng kubo kubo, planting temporary fencing ng mga kliyente , pagsuro ng
daan, paglalagay ng poste ng kuryente, drainage at iba pa.

9. Na napagkasunduan din namin na kung sakaling may mga hindi inaasahang


pangyayari na hindi kontrolado kagaya ng delay at Pandemya, Lockdown,
Digmaan o iba pang mga bagay na hindi kontrolado ng parehas na panig, ay
kami na Nagbebenta ay pumapayag na tumigil pansamantala ang
pagbabayad ng Mamimili, alinsunod sa alituntunin ng pamahalaan.

10.Na napagkasunduan na kung madelay ang bayad ng Mamimili sa panahong


kailangan nya magbayad ng Isang Buwan (1 Month) ay magkakapenalty ng
Limang porsyento (5%) ng buwanang hulog pabor sa Nagbebenta.

11.Na napagkasunduan na kung madelay ang bayad ng Mamimili sa panahong


kailangan nya magbayad ng Tatlong buwan (3 months) na sunod sunod ay
magkakapenalty ng Sampung porsyento (10%) ng buwanang hulog pabor
sa Nagbebenta

12. Na napagkasunduan na kung sa loob ng Anim na buwan (6 months) na


sunod sunod na hindi nakakapaghulog ang Mamimili ay mafoforfeit ang
kanilang naibayad pabor sa Nagbebenta .

13.Na napagkasunduan din naming na kami na Nagbebenta ay bibigyan ng


General Power of Attorney (GPA) at Special Power of Attorney (SPA) ang
Mamimili upang magamit niya sa kailangang transaksyon sa lupa at
paglalakad ng mga permit at iba pang mga bagay na nauugnay sa lupa.

14.Na napagkasunduan din naming na dapat ang titulo ay laging available


ipahiram kung sakaling kailangan upang ipakita sa kliente sa paglalakad ng
mga dokumento at permits gaya ng kuryente, tubig, at iba pa.

15.Na napagkasunduan din naming na kapag ang Mamimili ay nakapagbayad


na ng kabuuang halaga ng lupa, Ay kami na Nagbebenta ng lupang nakasaad
ay kailangang makipagcooperate upang mailipat sa kanila ang titulo ng
nasabing lupa o (Transfer of Title from Seller to Buyer) .

Bilang saksi nito, ang mga Partido dito ay nagdikit ng kanilang mga lagda nitong
_____________ sa ___________________.

FERNANDO F. CRUZ IMELDA RAMOS


ID No._________________ ID No._________________
Mga Nagbebenta
Emmanuel F. Barrientos
MAMIMILI
ID No. ___________________

S A K S I

___________________________________ ____________________________________
AKNOWLEDGEMENT

(REPUBLIKA NG PILIPINAS.) S.S .


Ang lahat ng nakilala ko pagkatapos nilang iharap ang kanilang kaukulang karampatang

katibayan ng pagkakakilanlan at kilala ko bilang ang parehong tao na nagsagawa ng nabanggit

na MEMORANDUM NG KASUNDUAN na binubuo ng TATLONG (3) pahina kasama ang

pahinang ito kung saan nakasulat ang pagkilala at kinikilala nilasa akin ang pareho ay ang

kanilang sariling malaya at boluntaryong pagkilos at ginawa.

SAKSIHAN ANG AKING KAMAY AT NOTORIAL SEAL sa petsa at lugar na unang nakasulat sa

itaas.

NOTARY PUBLIC

Doc No._________:

Page No.________:

Book No.________:

Series of ________:

You might also like