You are on page 1of 2

LAW OFFICE

February 2, 2017

MR. CESAR DELA CRUZ


Purok 6, Brgy. Alimanguan,
San Vicente, Palawan

LIHAM NG PAGHAHABOL
(DEMAND LETTER)
Dear Mr. Dela Cruz,

Bilang abugado ni MS. ELENA TAN na naninirahan sa Purok 5, Brgy.


Alimanguan, San Vicente, Palawan, kayo ay aming pinadalhan ng Liham ng
Paghahabol na ito upang bigyan kayo ng HULING PALUGIT na magbayad ng
inyong pagkakautang sa aming kliyente.

Ayon sa talaan at matapos ang konsultasyon sa aming kliyente, kayo ay


mayroong pagkakautang na nagkakahalaga ng THIRTY FOUR THOUSAND THREE
HUNDRED EIGHTY NINE AT 30/100 PESOS (Php 34,389.30) itinakdang bayaran
noong ika-27 ng Febrero, 2013. Hanggang sa kasalukuyan, ang halagang ito ay
hindi pa ninyo nababayaran sa aming kliyente sa kabila ng pagpapadala ng isang
Demand Letter mula kay Atty. Leonido B. Arriola noong ika-19 ng Pebrero 2013.
Kalakip dito ay kopya ng nasabing Demand Letter. Sa kabila ng nasabing liham at
paulit-ulit na paniningil sa inyo ng aming kliyente, kayo ay walang ginawa upang
bayaran ang inyong pagkakautang.

Dahil sa hindi ninyo pagbabayad sa nasabing petsa, ang gaming kliyente ay


napilitang gumastos para sa legal fees, kayat kayo ay sinisingil din na magbayad ng
10% ng halaga ng inyong utang bilang kabayaran sa abugado o attorneys fees.

Dahil dito, isang Pormal na Demanda ang ibinibigay namin sa inyo upang
bayaran ninyo ang inyong pagkakautang na nagkakahalaga ng THIRTY FOUR
THOUSAND THREE HUNDRED EIGHTY NINE AT 30/100 PESOS (Php 34,389.30)
sa loob ng PITONG (7) ARAW mula sa pagkakatanggap ninyo ng liham na ito. Kung
hindi, kami ay mapipilitang magsampa ng kaukulang demanda, sibil man o kriminal,
laban sa inyo. Mangyaring isaalang-alang ang sulat na ito magsisilbi na aming FINAL
DEMAND.

Upang maiwasan ang litigasyon, makipag-ugnay lamang kayo sa amin sa


address at numero ng telepono na nakasaad ibaba ng liham na ito.

Lubos na gumagalang,

ATTY. EMILIA CONCEPCION D. SEVERINO


Para kay Ms. Elena Tan
Ayon sa aking kaalaman at pahintulot:

MS. ELENA TAN


Received by: _________________

2nd Floor Basaya Building, Junction 1, National Highway,


Brgy. San Miguel, Puerto Princesa City, Palawan 5300
Contact #s: 0917-5530200; (048)433-1284; (048)723-1272; email: ecslawoffice@gmail.com
LAW OFFICE
Date: _______________________

2nd Floor Basaya Building, Junction 1, National Highway,


Brgy. San Miguel, Puerto Princesa City, Palawan 5300
Contact #s: 0917-5530200; (048)433-1284; (048)723-1272; email: ecslawoffice@gmail.com

You might also like