You are on page 1of 1

LAW OFFICE

February 2, 2017

MR. BOYET CANABE


Barangay Sto. Nino,
San Vicente, Palawan

LIHAM NG PAGHAHABOL
(DEMAND LETTER)
Dear Mr. Canabe,

Bilang abugado ni MS. ELENA TAN na naninirahan sa Purok 5, Brgy.


Alimanguan, San Vicente, Palawan, kayo ay aming pinadalhan ng Liham ng
Paghahabol na ito upang bigyan kayo ng HULING PALUGIT na magbayad ng
inyong pagkakautang sa aming kliyente.

Ayon sa talaan at matapos ang konsultasyon sa aming kliyente, kayo ay


mayroong pagkakautang na nagkakahalaga ng TEN THOUSAND EIGHT HUNDRED
NINETEEN PESOS (Php 10,819.00) itinakdang bayaran noong ika-5 ng Pebrero,
2013. Hanggang sa kasalukuyan, ang halagang ito ay hindi pa ninyo nababayaran
sa aming kliyente sa kabila ng pagpapadala ng isang Demand Letter mula kay Atty.
Leonido B. Arriola noong ika-29 ng Enero 2013. Kalakip dito ay kopya ng nasabing
Demand Letter. Sa kabila ng nasabing liham at paulit-ulit na paniningil sa inyo ng
aming kliyente, kayo ay walang ginawa upang bayaran ang inyong pagkakautang.

Dahil sa hindi ninyo pagbabayad sa nasabing petsa, ang gaming kliyente ay


napilitang gumastos para sa legal fees, kayat kayo ay sinisingil din na magbayad ng
10% ng halaga ng inyong utang bilang kabayaran sa abugado o attorneys fees.

Dahil dito, isang Pormal na Demanda ang ibinibigay namin sa inyo upang
bayaran ninyo ang inyong pagkakautang na nagkakahalaga ng TEN THOUSAND
EIGHT HUNDRED NINETEEN PESOS (Php 10,819.00) sa loob ng PITONG (7)
ARAW mula sa pagkakatanggap ninyo ng liham na ito. Kung hindi, kami ay
mapipilitang magsampa ng kaukulang demanda, sibil man o kriminal, laban sa inyo.
Mangyaring isaalang-alang ang sulat na ito magsisilbi na aming FINAL DEMAND.

Upang maiwasan ang litigasyon, makipag-ugnay lamang kayo sa amin sa


address at numero ng telepono na nakasaad ibaba ng liham na ito.

Lubos na gumagalang,

ATTY. EMILIA CONCEPCION D. SEVERINO


Para kay Ms. Elena Tan
Ayon sa aking kaalaman at pahintulot:

MS. ELENA TAN


Received by: _________________
Date: _______________________

2nd Floor Basaya Building, Junction 1, National Highway,


Brgy. San Miguel, Puerto Princesa City, Palawan 5300
Contact #s: 0917-5530200; (048)433-1284; (048)723-1272; email: ecslawoffice@gmail.com

You might also like