You are on page 1of 1

September 6, 2016

IGLESIA NI CRISTO
Distrito ng Bulacan North
Baliuag, Bulacan

Sa Kinauukulan: OFFER TO SELL

Ito po ay kaugnay sa aking pag-aaring lupa na matatagpuan sa Liciada, Bustos,


Bulacan. Lakip po ng sulat na ito ay ang titulo ng lupa para sa detalye at “technical
description” ng lupa.

Magalang ko pong inihahayag sa inyo ang aking hangarin na ito ay ipagbili sa inyo
sa halagang P 2,500.00 per sqm. Ang nasabing halaga ay maaari pong pag-usapan
pa.

Akin pong tinitiyak na ang aking lupa ay malaya po na ipagbili kahit kaninuman
sapagkat wala po itong anumang pananagutan o “ecumbrances”. Bukod po dito,
ang anumang buwis sa gobyerno ukol sa lupaing ito ay bayad na. Bilang
katunayan, lakip po ng sulat na ito ay ang “tax declaration” at resibo para sa
nasabing bayad ng buwis.

Mangyari po lamang na ipaalam niyo sa akin ang anumang tugon ninyo ukol sa
liham na ito.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

FLORENTINO J. SEBASTIAN

You might also like