You are on page 1of 2

Republic of the Philippines )

City of ______________ ) S.S.

RELEASE, WAIVER AND QUITCLAIM


(PAGPAPA-WALANG SALA, PAGTALIKOD AT PAGPAPAWALANG-
BISA SA MGA KARAPATAN NA NAKAPALOOB SA KONTRATA NG TRABAHO)

Ako, si ADRIAN DORIO, nasa hustong gulang, Filipino, at nakatira sa Barangay Timbao, Biñan, Laguna,
pagkatapos manumpa sa ilalim ng batas, ay kusang-loob na naglalahad na:

1. Na ako ay naging project-based employee ng kumpanyang CONEX PLUS, INC. bilang isang Helper
sa proyektong Katolec Proposed Building 3 Expansion Project sa Laguna Technopark Biñan,
Laguna.

2. Na ang aking kontrata bilang isang Helper ay natapos na kung kaya’t ako ay kusang-loob nang
magbibitiw na walang pananakot, pananakit o panlilinlang o pamimilit.

3. Sa panahon ng aking pamamasukan, nakuha at natanggap ko ang lahat ng aking sahod at


benepisyo mula sa kumpanya. Dahil dito, pinawawalang-sala ko ang kompanya, mga empleyado
nito, may-ari, opisyal, Board of Directors, ahente at mga tagapagmana sa anumang mga
kahilingan, reklamo, na may kinalaman sa pera, danyos, pagkukulang o nag-ugat o nagresulta sa
aking pagiging project employee.

4. Aking pinatutunayan sa halagang Tatlong Libo at Labing-dalawang Piso at Animnaput Apat na


Sentimo Lamang (Php 3,012.64) na aking natanggap, bilang buong kabayaran at settlement sa
lahat ng aking sahod at separation pay, ang kompanya ay wala nang pananagutan sa akin.

5. Na aking pinatutunayan at pinaninindigan na ang Release, Waiver and Quitclaim na ito ay


maaring gamitin laban sa akin at sa aking mga kamag-anak sa anumang asunto, upang
ipawalang-bisa ang kaso maging ito man ay isinampa na o isasampa pa lang sa hinaharap. Ang
mga nilalaman nito ay sumasakop din sa aking mga kamag-anak at tagapagmana. Kung sakaling
ang kompanya ay ihabla na may kinalaman sa Release, Waiver and Quitclaim na ito, ako ay
nangangako na depensahan ang kompnaya at sasagutin ang anumang gastusin sa demandang
nabanggit;

6. Sinisigurado ko at ginagarantiya na naiintidihan ko nang lubos ang mga terminolohiya, nilalaman


at kondisyon sa dokumentong ito. Ang ibig sabihin at pekto ng dokumentong ito ay ipinaliwanag
sa akin sa salitang wikang aking naiintindihanat at ito ay aking naiitindihan nailagdaan ng
kusang-loob, na walang pananakot, pananakit, panloloko, panlilinlang o panghihikayat mula o
anumang paraan na makakaapekto sa aking boluntaryo na pagpirma nito.
Bilang patunay, nilagdaan ko ang kasulatang ito ngayong ika – 24 ng March 2021 sa Lungsod ng Biñan,
Laguna.

Affiant:

_______________________

SUBSCRIBED AND SWORN to me before this ____ day of ____________ in the City of
_________________, the affiant exhibited to me the competent evidence of identity shown above.

Doc. No.__________

Page No.__________

Book No.__________

Series of 2020

You might also like