You are on page 1of 2

PANLALAWIGANG TANGGAPAN NG KALUSUGAN

26 Abril 2023

Gng. MYRVI APOSTOL-FABIA, CESO V


Provincial Director
DILG Bulacan

Mahal na Ginang Apostol-Fabia:

Ito po ay patungkol sa karaingan ng isang anonymous caller sa 8888 Citizen’s Complaint


Hotline na may Ticket Reference Number na P20230414-367-1 at may paksang “Alleged
Inconvenient Process of the Provincial Hospital in Malolos, Bulacan (For Referral to LGU
Malolos, Bulacan”.

Nagpapasalamat po kami sa kanilang pagpapadala ng kanilang komento upang malaman namin


ang mga maaari pang pagkukulang sa aming serbisyo. Gayunpaman, upang maipatupad nang
maayos ang aming imbestigasyon, kinakailangan namin ang mga detalye ng naturang pasyente
upang mabigyan ng kaukulang aksyon ang pangyayaring ito.

Kung maaari po ay ipagbigay-alam nila sa amin ang kanilang mga detalye sa pamamagitan ng
aming opisyal na email na pho_bulacan@yahoo.com. Kung sakaling may karagdagang
impormasyon po sila tungkol sa naturang isyu, maaari rin po nila itong iparating sa amin.

Muli, nagpapasalamat po kami sa kanilang pagtitiwala sa aming serbisyo. Nangangako po kami


na gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang masigurong maayos na serbisyo ang
naibibigay namin sa lahat.

Para sa iyong reperensya at kaukulang aksyon.

Bulacan Medical Center Admin Bldg.


Brgy. Mojon, City of Malolos, Bulacan 3000
Tel: +(63)44 791-0630 Email: pho_bulacan@yahoo.com
PANLALAWIGANG TANGGAPAN NG KALUSUGAN

Sumasainyo,

HJORDIS MARUSHKA B. CELIS, MD, MHSA, FPCS, CESE


Panlalawigang Pinuno ng Kalusugan II

Binigyang sipi: Igg. ALEXIS C. CASTRO


Pangalawang Punong Lalawigan
Gng. ANTONIA V. CONSTANTINO
Panlalawigang Tagapangasiwa

Bulacan Medical Center Admin Bldg.


Brgy. Mojon, City of Malolos, Bulacan 3000
Tel: +(63)44 791-0630 Email: pho_bulacan@yahoo.com

You might also like