You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
CITY OF BACOOR SENIOR HIGH SCHOOL- DULONG BAYAN
Brgy. Dulong Bayan, City of Bacoor, Cavite

ABSTRAK

Isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na pinamagatang “Epekto ng mga

Bahay-aliwan sa Pamilya at Pamumuhay ng mga Mamamayan sa Barangay Mabolo I,

Lungsod ng Bacoor” sapagkat kanilang napansin ang patuloy na pagtangkilik ng mga

indibidwal sa mga bahay-aliwan na maaaring mayroong positibo at negatibong dulot sa

ilang aspeto ng kanilang buhay.

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang matukoy ang epekto ng

mga bahay-aliwan sa mga mamamayan sa kanilang pamilya at pamumuhay sa Mabolo

I, Lungsod ng Bacoor. Bukod dito, binigyang-pansin din ang bilang ng mga bahay-

aliwan na matatagpuan sa nabanggit na lugar gayon din ang positibo at negatibong

epekto nito sa pamumuhay ng mga mamamayang nakatira sa Mabolo I.

Gumamit ng deskriptib sarbey at pakikipanayam ang mga mananaliksik upang

makalap ang mga datos mula sa limampung (50) respondente na may edad na

labingwalo (18) pataas. Ang bawat kalahok ay napili gamit ang purposive sampling na

kilala rin bilang judgemental, subjective o selective sampling technique.

Batay sa resultang nakalap mula sa sarbey, tatlumpung (30) respondente,

53.33% ang sumagot na limang (5) bahay-aliwan ang matatagpuan sa Mabolo I.

Kapansin-pansin din na 66.67% ng mga kalahok ang nagsasabing may positibong

epekto ang bahay-aliwan sa kanilang pamumuhay dahil sila ay nakapaglilibang na

Telephone No.: (046) 435-6100/ (046) 235-0021


Fax No.: (046) 435-6100
Website: depedbacoorcity.com umero Uno sa Kalidad na Edukasyon
E-mail: bacoor.city@deped.gov.ph at Serbisyo para sa Batang
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
CITY OF BACOOR SENIOR HIGH SCHOOL- DULONG BAYAN
Brgy. Dulong Bayan, City of Bacoor, Cavite

sinundan ng iba pang dahilan tulad ng ito ay nakapagbibigay ng trabaho at nakakapag-

bonding kasama ang mga kaibigan. Gayon pa man, natuklasan ng mga mananaliksik

na malaking bahagdan din ang nagsasabing mayroon itong negatibong epekto. Umabot

sa 80% ang nagsagot na posibleng may mga away at gulong mangyari sa komunidad.

Ito ang nagging persepsyon ng mga respondent sapagkat madalas nilang masaksihan

ito sa kanilang komunidad.

Kaugnay nito, 80% ng mga kalahok ang nagsasabing nakakaapekto ang mga

bahay-aliwan sa aspektong pinansyal ng kanilang pamilya at halos 63% naman ng mga

respondente ang nagsasabing may kakilala silang pamilya na nasira dahil sa mga

bahay-aliwan sa Mabolo. Kung susuriing mabuti, higit na mapapansin ang negatibong

dulot ng mga bahay aliwan kaysa sa positibong dulot nito. Patunay lamang ito na ang

pagpunta sa mga ganitong uri ng lugar ay nangangailangan ng moderasyon at disiplina

upang maiwasan ang anumang negatibong epektong nabanggit.

Telephone No.: (046) 435-6100/ (046) 235-0021


Fax No.: (046) 435-6100
Website: depedbacoorcity.com umero Uno sa Kalidad na Edukasyon
E-mail: bacoor.city@deped.gov.ph at Serbisyo para sa Batang
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
CITY OF BACOOR SENIOR HIGH SCHOOL- DULONG BAYAN
Brgy. Dulong Bayan, City of Bacoor, Cavite

Telephone No.: (046) 435-6100/ (046) 235-0021


Fax No.: (046) 435-6100
Website: depedbacoorcity.com umero Uno sa Kalidad na Edukasyon
E-mail: bacoor.city@deped.gov.ph at Serbisyo para sa Batang

You might also like