You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

Pagganap ng Internet Engines sa Pagpapalalim ng Kaalaman ng mga Mag-aaral:


Isang Naratibong Pag-aaral

Bilang Bahagi ng Parsyal na Pangangailangan para sa Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Lord M. Bergonio Jr.


Jan Rosh D. Caranza
Kyle Earl A. Castillo
Rhonnian C. Delequiña
Johnny A. Manipol Jr.
Kate Ashlee M. Giron
Jalila Illeana J. Maranan
Hazel Mae S. Olanio
Jamie Theres G. Samaco
Aliyah Benice G. Unciano

Ipinasa kay:

Gng. Christian Ann R. Borja

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
1
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

ABSTRAK

Sa taong dalawang libo’t dalawampu, idineklara ang pagkakaroon ng online at modular


learning sa bansa bilang isang alternatibo upang ipagpatuloy ang akademikong taon sa gitna
ng pandemyang ating nararanasan ngayon. Pinalawig nito ang paggamit ng mga mag-aaral ng
internet search engines sa kanilang pagganap sa pag-aaral. kaya naman sa pamamagitan ng
kwalitatibong pananaliksik, ginawa ang isang naratibong pag-aaral na pinamagatang
“Pagganap ng Internet Engines sa Pagpapalalim ng Kaalaman ng mga Mag-aaral”, alamin kung
anu-ano ang mga epekto ng paggamit ng mga search engines bilang pangunahing midyum sa
pagkalap ng kaalaman at impormasyon sa pagganap ng mga mag-aaral at kung paano
nakakatulong ang mga ito sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral. Nakalimita
lamang sa dalawampung estudyante sa ika-11 baitang ng Batasan Hills National High School
sa kahit anong kasarian ang pag-aaral na ito. Ilan sa mga nais alamin ng mga mananaliksik ay
ang pangalan, edad, strand, at pangkat ng mga respondente; ngunit lahat ng ito ay optional at
maaaring hindi ibahagi ng mga lalahok na mag-aaral. Ang paraang ginamit ng mga
mananaliksik upang makapili ng mga respondente ay ang purposive sampling kung saan ang
mga mananaliksik ay may kakayahang pumili kung sino ang mga kalahok sa pag-aaral. Sa
pagkalap ng mga datos, gumamit ang mga mananaliksik ng paraang naratibo sa pagtatanong
sa mga respondente upang makalap ang mga datos ukol sa kung ano ang pagganap ng internet
search engines sa pagpapalawig ng kaalaman ng mga mag-aaral. Ang mga mananaliksik ay
gumamit din ng naratibong metodolohiya ng pag-aaral particular na ang narrative case study
kung saan mapagaaralan ng mga mananaliksik ang personal na karanasan ng mga
respondente sa pamamagitan ng kanilang mga personal na pahayag ukol sa paksa ng pag-aaral
na ito. Sa pag-aaral na ito inilahad ng mga respondente ang kanilang mga pahayag ukol sa
pagganap ng internet search engines sa kanilang pag-aaral. Ang mga pahayag ay madalas na
ipinapakita kung paano nakakatulong at napapadali ng mga search engines ang pag-aaral ng
mga estudyante. Ipinahayag din nila na nakakatulong ito sa pagpapalawig ng kanilang
kaalaman dahil mas madali na nilang nakakalap ang mga nais na impormasyon sa
pamamagitan ng isang ‘click’ lamang kumpara sa paggamit ng libro bilang midyum ng
pagkalap ng impormasyon. Mayroon lamang kaunting respondente na nagpahayag ng kanilang
pagkabahala na hindi nila kayang panatilihin ang kanilang mga marka kung ipagbabawal ang
paggamit ng internet search engines. pinapakita nito na bagamat may kaunting pagkabahala,
mas nananaig pa rin ang malaking tulong ng internet search engines sa pagpapalawak ng
kaalaman pati na rin sa pagganap ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
2
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGATING PAHINA —--------------------------------------------------------------------------- 1


ABSTRAK —------------------------------------------------------------------------------------------- 2
TALAAN NG NILALAMAN —----------------------------------------------------------------------- 3

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN —------- 4-5


A. Introduksyon —--------------------------------------------------------------------- 4
B. Paglalahad ng Suliranin —-------------------------------------------------------- 5
C. Saklaw at Limitasyon —----------------------------------------------------------- 5

KABANATA III: METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK —-------------------------- 6-9


A. Disenyo ng Pananaliksik —------------------------------------------------------- 6
B. Pamamaraan ng Pagpili ng Respondente —----------------------------------- 6-7
C. Instrumento ng Pananaliksik —------------------------------------------------- 7-9
D. Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos —------------------------------------------ 9
E. Paglalarawan ng Pananaliksik —------------------------------------------------- 9

KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS —-- 10-12


A. Profile ng mga Respondente —--------------------------------------------------- 10
B. Mga Nakalap na Datos —---------------------------------------------------------- 10-12

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON —----------------13-14


A. Lagom —-------------------------------------------------------------------------------13
B. Konklusyon —------------------------------------------------------------------------ 13-14
C. Rekomendasyon —------------------------------------------------------------------ 14

BIBLIOGRAPIYA —---------------------------------------------------------------------------------- 15

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
3
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

Kabanata 1

INTRODUKSYON

Sa panahon ngayon kung saan ang buong mundo ay nasa kalagitnaan ng isang
pandemya, malaki ang naging epekto nito sa iba’t-ibang sektor ng pamahalaan. Isa sa mga
pinaka naapektuhan ng pandemiya ay ang sektor ng edukasyon. At dahil sa mga
inimplementang batas na kung saan binigyan ng limitasyon at may mahigpit na pagbabawal na
lumabas ang mga mamamayan na may edad 21 pababa at 60 pataas, nagkaroon din ng
pagbabago sa pag-aaral ng mga estudyante. Isinara muna ang mga paaralan upang maiwasan
ang posibleng malawakang pagkalat ng sakit. Upang maipagpatuloy ng bawat kabataang mag
aaral ang kanilang pag aaral, idineklara ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd ang online
learning at module bilang alternatibo sa face-to-face classes. Sa mga alternatibong ito, ang mga
estudyante ay naipagpapatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng internet. Dahil
dito, magkakaroon din ng access ang mga mag aaral sa iba’t ibang search engines na
makakatulong upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman, mag sisilbing suporta kung
sakaling hindi nila maintindihan ang paksang kanilang inaaral at kadalasan ay nagsisilbing
“shortcut” upang makuha ang sagot na ayon sa aming obserbasyon at sariling karanasan, ito ay
nangyayari at laganap sa mga mag aaral ng kasalukuyan.

Bukod sa mga modules at self learning materials, isa ang mga search engine sa
mga bagay na may malaking ambag sa pag-aaral ng estudyante sa panahon ngayon ng
pandemiya. Isang rason dito ay ang pagkakaroon ng limitasyong lumabas at lumikom ng
iba’t-ibang impormasyon. Ang pananaliksik na ito ay may layuning magbigay liwanag sa
epekto ng pagiging dependent ng mga estudyante sa paggamit ng search engines na siyang
maaaring makaapekto o magpalalim sa kanilang indibidwal na kaalaman at pangkatang
pagganap, nais naming ilahad ang mabuti at masamang epekto nito sa kabuuang pagkatuto ng
mga estudyante at paano ito nakakaapekto sa hinaharap. Ang pananaliksik na ito ay maaaring
magamit bilang source o research material para sa mga iba pang estudyante o organisasyon na
may layuning mag implementa ng “Awareness Campaign” o iba pang research purposes
sapagkat ang nilalaman ng pag-aaral na ito ay napapanahon at masasabing kailangang bigyang
pansin.

Napukaw ang atensyon ng mga mananaliksik sa usaping ito dahil ito ay hindi
nalalayo sa kanilang mga karanasan at obserbasyon bilang mga estudyante ng Batasan Hills
National High School na may parehong hinaharap na suliranin sa panahon ng pandemiya. Ang
layon ng pananaliksik na ito ay upang makapagbigay ng malinaw na konklusyon ukol sa lagay
ng mga estudyante at epekto ng paggamit o pag-asa sa mga search engine ngayong panahon ng
krisis. Sa kabuuan, ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang malaman ang Epekto ng Internet
Engines sa Pagganap sa Pag-aaral ng mga mag-aaral sa Batasan Hills High School.

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
4
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga kahalagahan at epekto ng Pagganap ng
Internet Engines sa Pagpapalalim ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa Batasan Hills National
High School. Layon din nitong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:
1. Ano-ano ang internet engines na ginagamit ng mga mag-aaral?
2. Paano ginagamit ang internet engines ng mga mag-aaral?
3. Paano napalalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga internet
engines?

SAKLAW AT LIMITASYON

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pag-sipat at pagtukoy ng kahalagahan at mga epekto


ng paggamit ng Internet Engines sa pagganap ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang pag-aaral,
sa mga mag-aaral na nasa ika-11 baitang ng Batasan Hills National High School. Sa pag-aaral
na ito makikita ang iba’t ibang internet engines na kanilang ginagamit at malalaman kung ano
ang epekto at kahalagahan nito sa kanilang pag-aaral. Naglalayon ang pag-aaral na ito na
makapagbigay ng mga mungkahi ang mga tagapagturo ng kung ano ang mga dapat gawin at
kung paano mapapaunlad at mas gawing episyente ang pag-aaral ng mga mag-aaral.

Isinagawa ang pag-aaral sa akademikong taon 2021–2022. saklaw nito ang suriin kung
ano ang epekto ng makabagong pamamaraan ng pag-aaral ngayong panahon ng pandemya sa
pagganap ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Sakop din sa pagsusuring ito ay ang
alamin kung may kamalayan ang mga respondente sa epekto ng paggamit at kahalagahan ng
internet search engines sa kanilang pag-aaral. Tunguhin ng pananaliksik na ito na makakuha
ng 20 respondente gailing sa mga mag-aaral na nasa ika-11 baitang sa Batasan Hills National
High School sa kabuuan sa kahit anong kasarian.

Nakalimita ang pagsusuring ito sa dalawampung mag-aaral lamang. ang bilang na ito ay
sapat na upang makakuha ng paunang kaalaman at mga impormasyon na nais makuha ng mga
mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mahanap lamang ng mga ang epekto at
kahalagahan ng paggamit ng Internet Engines sa pagganap ng mga mag-aaral sa kanilang
pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nagsimula sa ikalawang linggo ng mayo at magtatapos sa
buwan ng hulyo sa akademikong taon dalawang libo’t dalawampu't dalawa.

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
5
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

Kabanata 3

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito ibabahagi ang pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik sa


pagkalap ng mga pahayag at sangguni upang maisakatuparan ang pananaliksik tungkol sa
“Pagganap ng Internet Engines sa Pagpapalalim ng Kaalaman ng mga Mag-aaral: Isang
Naratibong Pag-aaral”. Matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik, pamamaraan ng pagpili
ng mga respondente, instrumento ng pananaliksik, pamamaraan ng pagkalap ng datos at
paglalarawan ng pananaliksik.

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay kwalitatibo at gumagamit ng disenyong case study upang


makakuha ang mga mananaliksik ng impormasyon ukol sa karanasan ng mga respondente ng
pag-aaral na ito sa pagganap ng internet engines sa pagpapalalim ng kanilang kaalaman bilang
estudyante. piniling gamitin ng mga mananaliksik ang case study sa kadahilanang maaari
silang gumawa ng detalyadong mga obserbasyon sa loob ng isang panahon. Ito and kanilang
pinili dahil ang paksa ng pananaliksik ay nakatuon sa mga pangyayari at mga karanasan galing
sa mga respondente na nangangailangan ng lubos na obserbasyon upang maunawaan at
makapagbigay ng konkretong konklusyon. Ang case study ay isang paraan ng pananaliksik na
umaasa sa isang solong kaso sa halip na isang populasyon o sample.Ang mga pag-aaral ng kaso
ay kapaki-pakinabang din sa mga unang yugto ng pananaliksik kapag ang layunin ay upang
galugarin ang mga ideya, pagsubok at perpektong mga instrumento sa pagsukat, at upang
maghanda para sa mas malaking pag-aaral.

B. PAMAMARAAN NG PAGPILI NG RESPONDENTE

Upang maging matagumpay ang pagkalap ng mga datos at impormasyon para sa


pananaliksik na ito, kinalap ng mga mananaliksik ang mga respondenteng pinaka angkop sa
paksa habang isinasaalang alang ang oras at kapasidad na ibinigay sa mga mananaliksik. Ang
paraang ginamit ng mga mananaliksik upang makapili ng mga respondente ay ang purposive
sampling o mas kilala din sa tawag na selective o judgemental sampling, kung saan ang mga
mananaliksik ay may kakayahang pumili kung sino ang mga lalahok sa kanilang pag-aaral
batay sa kanilang palagay. Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay ang mga estudyante sa
ika-11 baitang ng Batasan Hills National High School sa kahit na anong kasarian at strand na
kanilang kinabibilangan dahil naniniwala ang mga mananaliksik na pantay-pantay lamang ang
kapasidad at kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa mga internet search engines at hindi
nakabatay sa kung anong sangay ang kanilang pinag-aaralan o kanilang kasarian. Sila ang
naaayon upang makakalap ng impormasyon ang mga mananaliksik. Ang mga lalahok sa
pag-aaral ay nangangailangan ng karanasan sa paggamit ng internet search engines sa kanilang

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
6
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay nilimitahan lamang sa dalawampung respondente sa


kahit na anong kasarian upang makakalap ng impormasyong akma sa paksang tinatalakay ng
pag-aaral.

C. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng survey questionnaires na nahahati sa dalawang


pangkat: ang profile at ang survey na sasagutin ng mga respondente. Ang ibang mga
katanungan ay sasagutin sa paraang talata o pangungusap imbis na personal na panayam sa
mga respondente. Ito ay dala ng kasalukuyang pandemya.

Nagsagawa ang mga mananaliksik ng mga katanungang maaaring sagutan ng mga


respondente upang makuha ang kani-kanilang karanasan sa paggamit ng internet search
engines at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang pagganap bilang mag-aaral. Ang pokus ng
mga katanungan ay ang kung anu-ano ang mga internet engines na kanilang ginagamit, paano
nila ito ginagamit, at paano ito nakakatulong sa pagpapalalim ng kanilang kaalaman. Ang
pagkalat ng mga tanong ay sa pamamagitan ng pagpapasa ng link sa pamamagitan ng google
forms.
Narito ang sipi ng questionnaire na ginamit ng mga mananaliksik upang lubos na
maunawaan ang komposisyon ng talatanungan na ginamit sa pag-aaral:

Pangalan:______________________________ Edad:____________ Kasarian:____________


Seksyon:___________________ Strand:___________________

PANUTO: Piliin ang pinaka angkop na sagot


1. Bilang isang mag-aaral, pamilyar ka ba sa paggamit ng mga internet search engines?
a. Oo
b. Hindi
c. Hindi sigurado

2. Sa iyong palagay, mas episyente ba ang iyong pagganap sa pag-aaral kung gagamit ng
internet search engines?
a. Oo
b. Hindi
c. Hindi sigurado

3. Napapabuti ba ng paggamit ng mga internet search engines ang iyong pagganap sa


pag-aaral?
a. Oo
b. Hindi

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
7
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

c. Hindi sigurado

4. Kaya mo bang panatilihin ang estado ng iyong mga marka kung ipagbabawal ang
paggamit ng internet search engines?
a. Oo
b. Hindi
c. Hindi sigurado

5. Mas gusto mo ba ang paggamit ng internet search engines bilang midyum sa pagkalap
ng mga impormasyon kumpara sa ibang midyum?
a. Oo
b. Hindi
c. Hindi sigurado

6. Alin ang mas nais mong midyum sa pagkuha ng impormasyon ngayon sa iyong
pag-aaral?
a. Internet
b. Libro
c. Parehong a at b

7. Anong internet engine ang madalas mong gamitin? (piliin ang lahat na angkop)
a. Google
b. Ecosia
c. Ask.com
d. Yahoo!
e. Naver
f. others:__________

8. Gaano mo kadalas gamitin ang internet engines sa paglikom ng impormasyon?


a. Hindi kailanman
b. Madalas
c. Minsan

PANUTO: Sagutin ng tapat ang mga katanungan.


9. Ano ang iyong dahilan sa madalas na paggamit ng internet engines? Ipaliwanag.

10. Bilang isang kabataan, may mga masamang dulot ba ang paggamit ng internet engines?
Oo o hindi, at bakit?

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
8
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

11. Sa iyong palagay, ano ang negatibong dulot sayo ng labis na pagdepende sa mga
internet engines?

12. Bilang isang kabataan, nakakatulong ba sayo ang paggamit ng internet engines?

13. Ano-ano ang positibong dulot sayo ng paggamit ng mga internet engines?

14. Sa iyong palagay, ano ang naidudulot ng internet search engines sa iyong mga marka? ito
ba ay tumaas o bumaba? ipaliwanag.

15. Sa iyong palagay, nakakatulong ba ang mga internet search engines sa pagpapalalim ng
iyong kaalaman? Oo o hindi, at bakit?

D. PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS

Ang mga manananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang lubos na
maunawaan ang mga saklaw at posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad ng mga
datos. Kinalap ng mga pananaliksik ang mga impormasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi
ng questionnaire forms sa mga mag-aaral sa ika-11 baitang sa pamamagitan ng paggamit ng
google forms na siyang pinaka episyenteng paraan ng pagkalap ng mga tugon galing sa mga
respondente lalo na at ang pag-aaral ay isinagawa sa kalagitnaan ng isang pandemya.
Ang mga mananaliksik ay naglagay ng isang maikling liham oryentasyon para sa mga
kalahok na mag-aaral upang masiguro ang pagiging kompedensyal ng mga nakalap na datos at
pahayag.
Ang pag-aaral ay nagsimula sa buwan ng Mayo at magtatapos naman sa buwan ng
Hunyo sa taong dalawang libo't dalawampu’t dalawa. Ang pagbabahagi ng mga questionnaire
forms naman ay sinimulang ibahagi sa araw ng sabado, ika-28 ng Mayo sa taong dalawang
libo’t dalawampu’t dalawa.

E. PAGLALARAWAN NG PANANALIKSIK

Ang mga nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito.
gagamitin ng mga mananaliksik ng paraang Content Analysis upang ipresenta ang mga nakalap
na impormasyon. Gagamit ng mga talaan ang mga mananaliksik upang ma-organisa ang mga
pahayag at sagot ng mga respondente. Ito ang napili ng mga mananaliksik sapagkat mas
madaling intindihin ang mga datos kung ito ay nakahanay at nakaboud sa mga talahanayan,
graphs, at tsart. Ang kabanatang ito ay naghayag ng disenyo ng pananaliksik, mga taga-sagot,
pagsusuri ng datos, pamamaraan ng sampling, at instrumento sa pananaliksik.

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
9
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

Kabanata 4

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito, dito inilalahad ang pagsusuri at interpretasyon ng mga nakalap


na mga datos

A. PROFILE NG MGA RESPONDENTE


Sa unang bahagi ng pagkalap ng datos, ang kabuuang bilang ng mga kalahok ay 20,
karamihan sa aming target participants ay babae na may 12 na bilang at 8 naman na lalaki,
karamihan din sa mga sumagot ay edad 17 na 50% ng kabuuang bilang ng mga sumagot, 35%
ay edad 16, 10% ay edad 18 at 5% ay edad 15. Karamihan sa mga kalahok na ito ay galing sa
11-Einstein na may 9 na kabuuang bilang at ang natitira ay galing na sa iba't ibang section.

B. MGA NAKALAP NA DATOS


Para sa ika-unang tanong ng ikalawang bahagi ng pagkalap ng datos, 20 o lahat ng
respondent sa aming pagsasaliksik ukol sa Pagganap ng Internet Engine sa Pagpapalalim ng
Kaalaman ng mga Mag-aaral ang nagsabing sila ay pamilyar sa paggamit ng mga search
engines. Sa usaping mas pagiging episyente ng pag-aaral sa tulong ng search engines, 17
estudyante ang sumang-ayon habang isa ang nagsabing hindi at dalawa ang hindi sigurado.

Pangatlo, tanging isang estudyante lamang ang nagsabi na hindi napapabuti ng search
engine ang pagganap niya sa klase habang 19 ang umayon sa nasabing pahayag. Malaking
porsyento ng mag-aaral naman ang sumagot na hindi sila sigurado kung mapapanatili nila ang
kanilang marka kung ipagbabawal ang search engine, 55% o 11 estudyante ang sumagot
nito;bagamat may limang nagsagot ng oo at apat naman ang humindi.

Tulad ng ika-apat na tanong, 11 estudyante rin ang nagsabi na gusto nila ang pagkalap
ng impormasyon gamit ang search engines kumpara sa ibang midyum. Pito sa mga sumagot
ang hindi sigurado habang dalawa naman ang hindi sumang-ayon. Sa kabilang banda, 15 sa
mga estudyante ang nagsabi na internet at libro ang midyum na kanilang ginagamit sa
pangangalap ng impormasyon habang 5 naman ang sa internet lamang naghahanap.

Kadalasan sa mga internet engine na ginagamit ng mga mag-aaral ay Google at Ecosia


dahil 20 sa kanila ang gumagamit ng dati habang 7 ang gumagamit ng huli. Labing anim sa
mga mag-aaral ay madalas gumamit ng internet engine upang maghanap ng impormasyon na
kanilang kailangan habang apat ang nagsabing minsan lang sila gumamit.

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
10
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

Sa unang walong tanong sa aming ginawang research, makikita na karamihan sa mga


mag-aaral sa Online class ay madalas gumamit ng internet upang makapagsiyasat ng mga
impormasyon ukol sa kanilang pag-aaral. Hindi na ito nakakagulat dahil lahat ng mga klase
ngayon ay isinasagawa online at bilang isa ring estudyante ay sumasang-ayon ako sa kanilang
mga sagot.

Ang Ikatlong bahagi ng pagkalap ng datos ay walang pagpipilian na sagot at opinyon


lamang ang nilalaman. Para sa ika siyam na tanong, halos lahat ng mga sumagot ay sinasabing
gingamit nila ang internet engine upang mapadali ang pag hanap ng impormasyon. Base sa
kanilang mga sagot, totoo talagang nakapag bibigay ng mabilisang sagot ang mga search
engines sapagkat isang click mo lang ay lalabas na ito, kaya nama’y ito ay ginagamit ng
karamihan upang mapadali at mapabilis ang kanilang trabaho.

Sa ika sampong tanong, lahat ng mga kalahok ay nagsasabing mayroon masamang


dulot ang internet engines sa kabataan, iilan sa kanilang mga dahilan ay ang labis na pag abuso
sa paggamit nito ay makakasira sa kalusugan at nagdudulot ng katamaran. Hindi
maipagkakaila na totoo ang kanilang mga sinabi, bilang mga estudyanteng naranasan mismo
ang masamang dulot ng internet engines, sila rin ang mas nakakaalam kung gaano ito
nakakaapekto di lamang sa kanilang sarili pati narin sa kanilang paligid

Para naman sa ika-labing isang tanong, tulad ng kanilang dahilan sa naunang tanong,
karamihan sa kanila ay sinasabing ang negatibong dulot nito sa kanila ay ang pagiging tamad
sa iskwela at nag reresulta ito sa hindi paggamit ng ating utak sapagkat inaasa nalang lahat sa
pag “search”. Tulad ng sinabi kanina, ang kanilang mga sagot dito ay hindi maipagkakaila
sapagkat sila mismo ang nakakaranas nito, at kung iisiping maigi, walang bagay na madali na
walang masamang naidudulot, lagi itong may kapalit.
Sumunod, sa ika-labing dalawang tanong,lahat ay sinasabing nakakatulong daw ang ang
paggamit ng internet engines sa ka nila. Nag bigay ng dahilan ang iilan at sinasabing ito ay
nakakatulong sa pagkalap ng impormasyon.

Ang layunin ng internet engines ay ang magbigay ng impormasyon online, kaya naman
talagang makakatulong ito sapagkat mabilis mong nakukuha ang impormasyong kailangan
mong malaman.
Sa ika-labing tatlong tanong, iba iba ang sagot ng mga participants ngunit iisa ang layunin ng
kanilang sagot, ang makalikom ng impormasyon upang magawa at matapos ng mabilis ang
kanilang gawain.
Hindi rin maitatanggi ang mga positibong epekto nito sa mga mag aaral, bukod sa mabilis ang
episyente itong gamitin, sinasabi rin nilang mas marami ang impormasyong kanilang
nakakalap sa paggamit ng internet engines na ito.

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
11
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

Para sa ika-labing apat na tanong, labing siyam ang nagsasabing tumaas ang kanilang
marka dahil sa paggamit ng search engines at isa ang nagsasabing wala itong tuwirang epekto
sa kaniyang grado. Natural ay tataas ang grado ng mga estudyante dahil madaling humanap ng
impormasyon dito, katulad nga ng sinabi kanina, ang layunin ng internet engines ay ang
magbigay ng mabilisang impormasyon sa mga gumagamit.

Para naman sa ika-labing lima at pinakahuling tanong, lahat ng participants ay


nagsasabing nakakatulong ang internet search engines sa pag papalalim ng kanilang
kaalaman, at karamihan sa kanilang mga dahilan ay mas maraming impormasyon ang kanilang
nakakalap sa paggamit ng internet at mas mabilis at mas madali ang paghahanap ng mga
impormasyon.
Ang epekto nito sa mga mag aaral ay parehong negatibo at positibo, depende sa gumagamit,
ang epekto nito kung makakapag palalim ba ng iyong kaalamn o lalo ka lang magiging tamad,
ngunit base sa kanilang mga sagot mabuting bagay na karamihan sakanila ay mas lumalim pa
ang kaalaman.

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
12
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

Kabanata 5

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagbibigay buod, natuklasan, konklusyon, at rekomendasyon ng


pag-aaral. Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay “Pagganap ng Internet Engines sa Pagpapalalim
ng Kaalaman ng mga Mag-aaral: Isang Naratibong Pag-aaral.”

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang tukuyin ang Pagganap ng Internet Engines sa
pagpapalawak at pagpapalalim ng kaalaman ng mga piling mag-aaral sa Batasan Hills National
High School. Dalawampung respondente ang sumagot sa mga katanungan na aming ibinigay.
At ang resulta ay ang sumusunod:

1. Karamihan sa mga respondente ay pamilyar sa paggamit ng internet engines. Ito


ay sinangayunan ng 85 porsyento, samantalang isa ang nagsabi ng hindi at
dalawa ang sumagot ng hindi sigurado.

2. At para sa kanila, ang internet engines ay nagpapabuti ng kanilang pag-aaral.


Labing-siyam mula sa Dalawampung mag-aaral ang sumang ayon dito at
nagsasaad na Google at Ecosia ang kanilang pinaka-nagagamit na internet
engine.

3. Kahit karamihan man ang pumapanig sa internet engines dahil sa pagpapabuti


at pagpapadali ng kanilang edukasyon. Lahat ng kalahok ay kinikilala na ang
internet engines ay mayroong masamang dulot rin sa kabataan.

KONKLUSYON

Batay sa datos at impormasyong nalikom ng mga mananaliksik, nakabuo sila ng konklusyon


na:

A. Karamihan sa mga estudyante na gumagamit ng search engine sa Batasan Hills National


High School ay natulungan sa mga gawain nila upang maging episyente at mabilis.
B. Madalas na ginagamit ng mga estudyante ang mga search engine at ang pinaka-popular
sa kanila ay ang Google at Ecosia.

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
13
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

C. Malaking tulong ang paggamit ng internet engines sa pagpapalalim ng kaalaman ng mga


estudyante sa Batasan Hills National High School pagkat mas marami at mabilis
mahanap ang mga impormasyon sa internet kung pagbabasehan sa libro.
D. Iisa ang layunin ng mga mag-aaral sa paggamit ng internet, yun ay ang makalikom ng
impormasyon sa mabilis na panahon at matapos ang kanilang gawain.
E. Malaking porsyente ng estudyante ng Batasan Hills National High School ang palagiang
gumagamit ng internet engines upang magkalap ng mga impormasyong kanilang
kailangan.

REKOMENDASYON

Matapos ang pananaliksik at pag-aaral sa papel na ito, nabuo ng mga mananaliksik ang mga
rekomendasyon upang mabigyang linaw ang ibang kapansin-pansing sagot ng mga
estudyante.

Para sa mga kasalukuyang gumagamit ng Internet Engines:

1. Ang pagkakaroon ng mataas na marka ay marahil dulot ng pagkakaroon ng mataas na


puntos, magaling na pagsasalita at malinaw na mga sagot at alam natin na dahil sa
Online Classes ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng pag-depende sa Internet
Engines. Kailangan natin tumingin ng iba pang pinagkukunan ng kaalaman at
impormasyon maliban ang internet.

2. Sa mga nakakaranas ng katamaran dulot ng mabilis na pagkalap ng mga kasagutan ay


iminumungkahi ko na dalasan natin ang pagtingin sa mga libro o sa "PPT" na ibibigay
ng inyong mga guro. Mas mabuti sa ating mga mag aaral ang sariling pagsisikap para
makatugon sa mga katanungan ng ating isip.

3. Iwasan natin ang madalas na paggamit ng Internet Engines kung nakakasira na ito sa
ating kalusugan mabuting humingi ng tulong kapag nakakaranas ng kakaibang
karamdaman sa ating katawan.

4. Hindi maikakaila ang mga benepisyong binibigay ng Internet Engines sa ating pag aaral
ngunit hindi lingid sa ating kaalaman ang mga negatibong parte ng pag depende dito
minumungkahi naming mas tumutok sa sariling babasahin at iwasan o bawasan ang
paggamit ng Internet Engines kung hindi naman kinakailangan sa gayon ay
mababawasan natin ang pag depende o katamaran na pangunahing nagiging epekto ng
labis na paggamit nito

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
14
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

BIBLIOGRAPIYA

Epekto ng Internet sa mga Mag-aaral. (n.d.). PDFCOFFEE.COM. Retrieved June 6, 2022, from

https://pdfcoffee.com/epekto-ng-internet-sa-mga-mag-aaral-5-pdf-free.html

Jimenez, D. M. T., Cagasan, S. D., Portado, I. A., Ventura, J. M. D., Booc, L. J. J., Sampaga, L. B.,

Comaling, K. B. S., Comaling, F. S., & Faller, E. B. (2014, November). EPEKTO NG

PAGGAMIT NG INTERNET SA MGA MAG-AARAL NG GRADE-8 SA ALABEL NATIONAL HIGH

SCHOOL SA TAONG 2014-2015. academia.edu.

https://www.academia.edu/9080545/Epekto_sa_paggamit_ng_Internet

Morrison, R. (2020, February 11). Don't 'just Google it': 3 ways students can get the most from

searching online. The Conversation. Retrieved June 6, 2022, from

https://theconversation.com/dont-just-google-it-3-ways-students-can-get-the-most-fr

om-searching-online-116519

Steinhoff, A. (2016, February 28). How Does Google Affect the Way We Learn? Novak Djokovic

Foundation. Retrieved June 6, 2022, from

https://novakdjokovicfoundation.org/how-does-google-affect-the-way-we-learn/

Tan, Y. (2016, February 8). How Has Google Affected The Way Students Learn? KQED. Retrieved

June 6, 2022, from

https://www.kqed.org/mindshift/43662/how-has-google-affected-the-way-students-l

earn

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
15

You might also like