You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

Technology-Related Booth Para sa Gaganaping Foundation Day sa Paaralang Batasan


Hills National High School Taong 2022
Katitikan ng Panimulang Pulong (Pulong Bilang 1)
9 Nobyembre 2022, Miyerkules
9:31 – 9:54 n.g. via Google Meet
https://meet.google.com/kcu-vryi-zjk

Mga Dumalo:

G. Peter Paul Layag


- Tagapangasiwa ng pulong
Bb. Princess Aeriel Audrey Barroga
Bb. Jana Lee Catangay
Bb. Sharmaine Galela
Bb. Jullien Joyce Ingalla
G. Railee Linsangan
Bb. Mariem Manato
G. Aaron Pagente
Bb. Mhea Quitoras
G. Jhamier Tulang
Bb. Jollie Mae Valenzuela
G. John Paul Watiwat

Adyenda:
Nagsimula ang pagpupulong mula sa pambungad na mensahe at pananalita na
pinamunuan ni G. Peter Paul Layag. Sinundan naman ito ni Bb. Princess Aeriel Audrey Barroga
sa mga miyembrong kasalukuyan nang nasa pagpupulong maging ang mga hindi pa nakakadalo.
Naglaan muna ng ilang minuto para hintayin ang mga natitirang mga miyembro at sa kalaunan
ay nakumpleto na ang lahat.

Matapos nito, ipinaliwanag na ni G. Peter Paul Layag ang paksa ng pagpupulong kung
saan pinag-usapan ang itatayong technology-related booth para sa gaganaping Foundation Day
ng paaralang Batasan Hills National High School. Pagkatapos ay kanya na ring sinimulan ang
talakayan sa adyenda:

1. Konsepto/Tema ng Booth
• Napagpasyahang magtayo ng charging booth kung saan maaaring pumunta ang
mga dadalo sa Foundation Day upang makapag punuin ang baterya ng kanilang
mga gadyet.

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

• Ito rin ay magsisilbing tambayan kung saan may pagkain at Wi-Fi connection na
maaaring mabili at marentahan ng mga dadalo. Papangalanan itong
“Tambaynology”.

2. Budget Estimation
• Gagamitin ang pondong nalikom ng grupo para sa mga gagastusin at hahatiin ito
sa tatlong bahagi: unang bahagi para sa materyales, pangalawang bahagi para sa
sahod ng mga magbabantay, at pangatlong bahagi para sa iba pang gagastusin.

3. Lugar ng Pagtatayuan ng Booth


• Nagkaroon ng magkaibang suhestyon kung saan itatayo ang booth: malapit sa
gate ng paaralan o sa silid-aralan ng pangkat Star.
• Ngunit nagkaroon ng botohan sa pagitan ng dalawag pagpipilian at nanaig ang
suhestyong malapit sa gate ng paaralan sa kadahilanang mas mapupuntahan ito
ng mga dadalo dahil malapit ito sa bukana ng paaralan.

4. Konsepto/Materyals ng Disenyo ng Booth


• Magkakaroon ng disenyong cyberpunk theme ang booth dahil sa pagiging angkop
nito sa larangan ng teknolohiya.
• Ang disenyo ng cyberpunk ay may temang science fiction na naglalaman ng mga
matitingkad ngunit simpleng kombinasyon ng mga kulay.

5. Spesipikong Disenyo sa Loob ng Booth


• Maglalagay ng mga litrato, poster o, infographics tungkol sa ibang mga konsepto
sa larangan ng teknolohiya upang magbigay impormasyon para sa mga dadalo.
• Bilang karagdagan, maglalagay din ng ibang mga kagamitan na may kaugnayan
sa larangan ng teknolohiya.

6. Mga Inaasahang Dadalo sa Booth/Paraan ng Panghihikayat


• Lahat ng dadalo sa Foundation Day ay malayang pumunta sa booth.
• Dahil sa inaasahang dami ng mga dadalo, gagawa ng mga poster at online page
upang mahikayat ang mga dadalo na pumunta at tumambay sa booth.
• Bilang karagdagan, ipalalaganap din ang impormasyon tungkol sa booth sa
pamamagitan ng pakikipag-usap at panghihkayat sa mga kakilalang dadalo

7. Pagdidisemina ng Gawain sa Bawat Miyembro


• Upang magkaroon ng maayos na daloy at kontribusyon ang lahat, estimadong
mahahati ang mga gawain ng bawat miyembro sa:
Apat (4) na tao para asikasuhin ang listahan ng mga dadalo,
Tatlong (3) taong magbabantay sa mga gadyet na naka charge,

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

At tatlong (3) taong magbibigay ng code para sa Wi-Fi.


Ang listahang ito ay hindi pa permanente at maaari pang mabago.
• Ang mga naatasan ng mga spesipikong gawain ay siya ring magliligpit ng mga
kagamitan sa booth. Magpapatupad din ng polisiyang CLAYGO o Clean as You Go
ang booth para sa mga dadalo.

Tentatibo pa ang ilang mga impormasyon at paksang napag-usapan kaya’t maaaring


magkaroon pa muli ng pagpupulong na pag-uusapan pa sa takdang panahon.

Inihanda ni:

Mhea M. Quitoras
Pinuno ng Technology Club
Mag-aaral sa Baitang 12 ng pangkat B. Nebres
Taong Panuruan 2022-2023

Nagpatotoo:

Peter Paul N. Layag


Tagapangasiwa ng Technology Club
Mag-aaral sa Baitang 12 ng pangkat B. Nebres
Taong Panuruan 2022-2023

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool_98@yahoo.com

You might also like