You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

I. LAYUNIN

A. Natutukoy at nabibigyang kahulugan ang mga salitang karaniwang nakikita sa social media
B. Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa mga social
media
C. Mabibigyang-puna mo ang mga nababasa sa mga social media (pahayagan, TV, internet
tulad ng fb, email, at iba pa);
D. Nakapagpepresenta ng isang infomercial tungkol sa Social Media.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Panitikan – Social Media


Gramatika – Gramatikal at Diskorsal na Pagsulat ng Isang Organisado at Makahulugang
Akda
B. Sanggunian: Filipino 10 Modyul para sa mag-aaral p. 29-31
A. Kagamitan: Presentasyon sa PowerPoint, TV, Laptop, panulat, papel (sagutan), sipi ng modyul,
CP, larawan (icons)
B. Pagpapahalaga: Tamang panggamit ng Social Media
C. Integrasyon:

III. PAMAMARAAN
A. AKTIBITI

1. Panimulang Gawain
a. Pagdarasal
b. Paglilinis ng paligid/silid-aralan

2. Pagbabalik-aral
Ipapakita ng guro ang ilan sa mga popular na Icons ng iba’t-ibang social media applications.
Ibibigay ng mga mag-aaral ang pangalan ng Application base sa larawan.

3. Pagganyak

Bilang paghahanda sa aralin, manonood ang mga mag-aaral ng isang maikling video clip na
nagpapakita ng ilan sa mga ‘post’ ng mga mag-aaral sa kanilang social media account.
Matapos ang video, bigyang pagkakataon ang mag-aaral na magbahagi tungkol sa kanilang
pinanood.

DEPEDQUEZON-TM-ASD-04-036-002

“Creating Possibilities, Inspiring Innovations”


Address: Sitio Fori, Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon
Trunkline #: (042) 784-0366, (042) 784-0164, (042) 784-0391, (042) 784-0321
Email Address: quezon@deped.gov.ph
Website: www.depedquezon.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE

B. ANALISIS
1. Paglalahad ng Aralin
Gamit ang isang PowerPoint Presentation, tatalakayin ang mga sumusunod na paksa:
a. Mga Popular na Anyo ng Panitikan sa Social Media
b. Mga Panuntunan sa Paggamit ng Internet at Social Media

2. Pagtalakay sa Aralin

Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan:


a. Ano ang inyong naunawaan tungkol sa araling tinalakay?
b. Ano-ano ang mga papular na anyo ng Panitikan sa Social Media?
c. Bakit kailangan na magkaroon ng mga panuntunan sa paggamit ng social media?
d. Sa paanong paraan naaabuso ang paggamit ng mg social media platforms?
e. Ano ang naging ambag ng paggamit ng internet at social media sa buhay natin
ngayon?

3. Integrasyon (Araling Panlipunan – Ekonomiks, Filipino Q2 – Uri ng Sanaysay)


Bigyang puna o reaksiyon ang larawan batay sa iyong nababasang isyu sa mga social
media tulad ng pahayagan, TV, internet, e-mail at iba.

C. ABSTRAKSIYON

Bilang paglalahat, ibigay ang mga sumusunod na tanong sa mga mag-aaral:

1. Tungkol saan ang tinalakay na aralin?


2. Magbigay ng mabuti at hindi mabuting dulot ng paggamit ng social media.
3. Bilang isang kabataan, paano nakatutulong sa inyo ang paggamit ng mga social media
platforms?

D. APLIKASYON
1. Paglalahad ng Gawain
Pre-Assigned
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang Infomercial tungkol sa mga Dapat Tandaan sa
Paggamit ng Social Media.

DEPEDQUEZON-TM-ASD-04-036-002

“Creating Possibilities, Inspiring Innovations”


Address: Sitio Fori, Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon
Trunkline #: (042) 784-0366, (042) 784-0164, (042) 784-0391, (042) 784-0321
Email Address: quezon@deped.gov.ph
Website: www.depedquezon.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE

2. Paglalahad ng Pamantayan

3. Presentasyon

Gamit ang TV/Projector isa-isang ipapakita ng bawat pangkat ang ginawa nilang Infomercial.

IV. EBALWASYON

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong


natutuhan sa araling ito. Isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel.

1. Tawag sa mga panuntunan ng tamang paggamit ng internet.


A. netizen B. etiquette C. rules D. netiquette
2. Ito ay isang uri ng krimen ng pagkuha ng pagmamay-ari ng iba ng walang
reperensiya o pagpapaalam sa may-ari ng akda, larawan, o iba pa.
A. owning B. plagiarism C. memes D. copy paste

3. Isang uri ng ng krimen ng pag-post sa social media ng mga bagay na


maaaring makasira sa reputasyon ng iba.
A. cyberspace B. tsismosa C. cyberbullying D. bullying
4. Ito ay mga website na maaring mapuntahan o masalihan sa pamamagitan ng
internet, nakakatulong ito sa komunikasyon ng tao.
A. Social media
B. Social networking sites
C. internet
D. websites
5. Ito ay isang sikat na website na nagbabahagi ng mga video at nagbibigay
daan para sa mga manggagamit o user nito na mag-upload, makita, at
ibahagi ang mga videoclips.
A. Facebook
B. Twitter
C. Instagram
D. Youtube

V. TAKDANG ARALIN

Gumawa ng isang maikling sanaysay na nagsasaad ng kabuluhan ng social media platforms sa


kasalukuyang panahon.

Inihanda ni:

DOBEL M. ALDEZA
Guro I

Naobserbahan:

MABEL A. DEAZETA
DEPEDQUEZON-TM-ASD-04-036-002

“Creating Possibilities, Inspiring Innovations”


Address: Sitio Fori, Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon
Trunkline #: (042) 784-0366, (042) 784-0164, (042) 784-0391, (042) 784-0321
Email Address: quezon@deped.gov.ph
Website: www.depedquezon.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE

Dalubguro I

DEPEDQUEZON-TM-ASD-04-036-002

“Creating Possibilities, Inspiring Innovations”


Address: Sitio Fori, Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon
Trunkline #: (042) 784-0366, (042) 784-0164, (042) 784-0391, (042) 784-0321
Email Address: quezon@deped.gov.ph
Website: www.depedquezon.com.ph

You might also like