You are on page 1of 2

GUMACA NATIONAL HIGH SCHOOL

Brgy. Mabini, Gumaca, Quezon 4307


School ID: 301325
“Creating Opportunity, Serving the Community, and Building
Productive Society”
_________________________________________________________________________________

ACTION PLAN
PROJECT YAKAP
(Yayabong at Aangat ang Kabataang Aktibo sa Pagbasa)
SY: 2021-2022

I. PANIMULA

Pagbasa ang isa sa pinakamahalagang kasanayan na dapat ay matutunan ng isang mag-aaral upang mas maging handa siya sa
pagharap sa kasunod na baitang.

Ang pagbabasa ay isang proseso ng pagdedekowd ng mga salitang binubuo ng mga saitang nakalimbag. Ito ay ang tuwid na instrumento
upang makuha at makilala nang lubusan ang mga ideya, kaisipan at damdamin ng isang tao sa mga sagisag o titik na nakalimbag sa mga pahina
upang mabigkas ito sa pamamagitan ng pasalita.

Kasabay ng pagkatuto ng mag-aaral sa kasanayan sa pagbasa ay ang kasanayan sa pag-unawa ng binasa. Marami sa mga mag-aaral
ngayon sa sekundarya ang tila naiwan ang kasanayan sa pag-unawa kahit natutong namang bumasa. At dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19
ay mas marami pang mga mag-aaral sa elementarya (Kindergarten-Grade 3) na siyang pundasyon ng pagkatuto sa pagbasa at pagsulat ang hindi
natutukan at naiwang hindi nakababasa.

Kayat ang Departamento ng Filipino ng Gumaca National High School na siyang tagapagpatupad ng Project PUSH PA (Pagpapaunlad sa
Pagbasa at Unawa ng mga eStudyante ang Hangad sa Panahon ng Pandemya) na isang programa sa pagbasa sa loob ng paaralan ay naglunsad
ng isang proyekto na tutugon at tutulong sa mga pangangailangan ng mga batang mag-aaral sa pamayanan mula sa Kindergarten hanggang
Baitang 3, na tinatawag na Project YAKAP.

Ang Project YAKAP (Yayabong at Aangat ang Kabataang Aktibo sa Pagbasa), ay isang pangkomunidad na proyekto ng Departamento ng
Filipino na inilunsad noong 2017, na naglalayong maturuan, magabayan at matulungan ang mga piling mag-aaral na makabasa upang sa
pagtuntong nila ng hayskul ay taglay na nila ang karunungan bumasa at umunawa ng mga babasahin.

II. PANGKALAHATANG LAYUNIN

 Maturuang makabasa ang mga piling mag-aaral (Kinder-Baitang 3) mula sa iba’t ibang lugar sa pamayanan
 Mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa at makintal ang pagpapahalaga sa pagbabasa

Email Address: depedgumacanhs@gmail.com


Tel. No. (042) 317-3365/ 317-3417
This form is a property of Gumaca National High School and the contents are treated confidential. Therefore, unauthorized reproduction is strictly prohibited unless otherwise permitted by the School Head.
GUMACA NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Mabini, Gumaca, Quezon 4307
School ID: 301325
“Creating Opportunity, Serving the Community, and Building
Productive Society”
_________________________________________________________________________________
III. PRODUKSIYON

Areas of PPA’s Specific Strategies Time Budget Human Material Success Risk/s
Concern Objectives Frame and it’s Resources Resources Indicators
Source/s
Learner Project  Matukoy ang  Survey sa January P 500.00  Mga guro sa  Reading  Pag-ulad sa  Hindi
Development YAKAP mga batang pamayanan 2022 Departamento materials kasanayan sa naisagawa ang
mag-aaral na ng Filipino  ABAKADA pagbasa ng pagsusurvey,
hindi pa  Pre- February P 500.00  Dalubguro  MARUNGKO mga piling home visitation
nakakabasa sa assessment 2022  Ulongguro  PHIL-IRI mag-aaral o one-on-one
pamayanan  Mga kasapi ng (Kinder-Grade tutorial dahil sa
(Kinder-Baitang  Home February P 500.00 Sangguniang 3) mula sa mga
3) visitation 2022 Barangay iba’t-ibang paghihigpit
 Maturuang  Mga magulang lugar sa dulot ng
makabasa ang March- pamayanan COVID-19
 One-on-one P 1500.00
mga piling June  Kakulangan ng
tutorial sa
batang hindi pa pagbasa 2022 panahon ng
nakakabasa sa mga guro
pamayanan July upang
(Kinder –  Culminating P 3000.00 maisagawa
Activity o 2022
Grade 3) ang programa
Pagtatapos na
 Maikintal ang
Gawain
kahalagahan
ng pagbabasa
sa mga batang
mag-aaral
(Kinder –
Grade 3)

Inihanda nina: Hinihiling na pagtibayin: Pinagtibay:

RUEL GUELAS ELVIRA DONA G. SILANG TEODOSIO F. LAKIAN, PhD


Project Coordinator Head Teacher III Principal IV

DOBEL M. ALDEZA
Co-Coordinator

Email Address: depedgumacanhs@gmail.com


Tel. No. (042) 317-3365/ 317-3417
This form is a property of Gumaca National High School and the contents are treated confidential. Therefore, unauthorized reproduction is strictly prohibited unless otherwise permitted by the School Head.

You might also like