You are on page 1of 1

IX.

LIHAM NG KAHILINGAN

Hunyo 1, 2023

Ricky R. Lawas, M.A.,RGC, LPT


Executive Director
National University Fairview
SM Fairview Complex, Quirino Highway,
Cor. Regalado Avenue, Quezon City 1100

Kagalang-galang na direktor:

Pagbati!

Magandang Araw, ang liham na ito ay mula sa pangkat apat sa baitang ng 12ABM2203- Accountancy
para sa asignaturang Filipino sa Piling Larang. Kami ay sumulat upang humingi ng gabay sa aming
hinandang panukalang proyekto at ninanais naming malaman, suriin at aprubahan ang aming
naihandang proyekto. Ang aming proyekto ay pinamagatang “Welcome Bullpuppies” o tinatawag
ding “Welcome Fair” na kung saan ay magkakaroon ng isang araw na kaganapan para sa mga bagong
mag-aaral ng NU Fairview. Mayroon itong introduksyon para sa mga ASP na kung saan ay maaring
sumali ang bagong mga mag aaral. Mayroon ding mga booth, bazaar, at games sa hapon. Sa gabi
naman ay magkakaroon ng Concert. Ang layunin ng aktibidad na ito ay para magbigay ng
motibasyon, at mas lalong ma-enganyo ang mga mag-aaral sa pagsisimula ng kanilang taon.

Isa sa layunin ng proyekto na ito ay tumulong sa napili naming organisasyon. Ang perang makukuha
ay mahahati sa porsyento. Ang 40 porsyento ay mapupunta sa napiling organisyon, ang Stray Worth
Saving o SWS, habang ang matitira ay magiging pondo ng SHS para sa pangbili ng sariling speaker,
mic, at ibang pangangailangan ng SHS Department.

Ang iba pang detalye ay kasama sa papel na aming ibibigay. Hinihiling po namin na magiging
positibo ang inyong tugon tungkol sa aming proyekto.

Maraming Salamat po.

Taos-pusong gumagalang,
Hannah U. Tesoro
Tagapangulo
12ABM2203 (Pangkat apat para sa asignaturang Filipino sa Piling Larangan)

You might also like