You are on page 1of 1

Buwan ng Nutrisyon sa City Sci

Alinsunod sa Presedential Decree 491, the Nutrition Act of


the Philippines, nagsagawa ng taunang selebrasyon ng
Buwan ng Nutrisyon sa Puerto Princesa City National Science
High School na may temang, “Healthy diet gawing habit for
life”. Ito ay pinangunahan ng Students Technologists and
Entrepreneurs of the Philippines sa pangunguna ng kanilang
pangulo na si Mariver Sophia J. Baraquiel at ng kanilang
gabay na guro na si Gng. Aileen Baybado.

Lahat ng mga guro at estudyante ng City Sci ay naging


kabahagi ng isinagawang selebrasyon. Piling mga mag-aaral
ang nakilahok sa mga patimpalak na inihanda ng nasabing
organisasyon. Kabilang sa mga aktibidad sa unang araw ay
ang On the spot painting at slogan making. Sa ikalawang araw
ay isinagawa ang paligsahan sa tarpaulin at nail art designing.
Nakapaloob naman sa ikatlong araw ang webpage making at
hair and Makeup designing. Kabilang sa ikaapat na bahagi
ang tagisan sa larangan ng pagluto at flower arrangement. Sa
pagtatapos ng pagdiriwang, isinagawa ang Mr. and Ms.
Nutrifit sa Robinson’s Place Palawan na naglalayong
makalikom ng pondo para sa pagtulong sa mga
nangangailangan nating mga kababayan.

Ayon kay Ma. Loisa Angela P. Cabasag, mag-aaral ng City Sci,


“Masaya kasi sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad,
mas nakakahalubilo pa namin yung ibang mga kamag-
aral”.”Maganda itong paraan upang mas mahasa pa ng mga
kabataan tulad namin ang aming mga talento sa iba’t ibang
larangan.” Dagdag pa niya.

You might also like