You are on page 1of 1

“Tanong ng karamihan, Pagsubok ng sino man”

Sino nga ba ang may kasalanan ang taong bayan o ang pamahalaan? Sino nga ba ang dapat
sisihin sa ating mga nararanasan na kahirapan? Madaling sabihin na ang pamahalaan ang may
pagkukulang dahil sila ang namumuno sa atin pero hindi natin maiaalis sa ating mga sarili na may roon
din tayong pagkukulang sa ating mga sarili kaya ang iilan sa atin ay naghihirap , dahil wala tayong
disiplina sa ating mga ginagawa at dahil narin sa inggit na imbes na matuwa dahil sa naabot na
tagumpay ng iba ay hahangarin pa natin na sila ay bumagsak isang ugali ng mga pinoy na nag dudulot ng
away at kahirapan imbes na ituon ang isip kung paano giginhawa ang buhay ay mag sasayang ng oras sa
mga walang katuturang bagay.

Kung patuloy na iiral ang ganoong pag iisip ng mga Pilipino ay hindi uunlad ang ating bansa at
mananatiling mahirap ang mga tao , kaya hindi lamang ang gobyerno ang may kasalanan kung bakit
naghihirap ang ating bansa marapat lamang na hindi natin ibibigay lahat ng sisi sa kanila . Hindi nakapag-
aral gobyerno ang may kasalanan , Walang hanap buhay sa gobyerno ulit ang sisi hindi bat may
kasalanan din ang bawat isa sa atin? Umaksyon na abang may oras pa huwag na nating hintaying mas
lalo tayong bumagsak kapit-bisig natin harapin ang kahirapan at ito’y agarang solusyonan.

You might also like