You are on page 1of 4

KATITIKAN NG PULONG NG PARENTS TEACHERS ASSOCIATION (PTA) NG

PAARALAN NG RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY - PASIG CAMPUS

Ika-apat ng Hulyo, 2020


Ika-2 ng hapon
Sa Covered Court ng Rizal Technological University - Pasig Campus

Dumalo:
Kgg. Justin Paul B. Enguerra. Kagawad
Kgg. Rodelle Lyn Delos Santos Ingat yaman ng Brgy. Dela Paz, Antipolo City
Bb. Mary Grace Joy Ayes Punong Guro ng RTU - Pasig Campus
G. Karl Andrei Abuyo Guro
G. Cris Jhanmel Buenaflor Ico Guro
G. Ruel Escosura PTA President
G. Mark Kevin Pondales Guro
G. James Claveria Guro
G. Jazther P. Aniega Guro

Di dumalo:
Kgg. Jopapi Olandesca - Education Committee ng Brgy. Dela Paz

Panukalang Agenda:
1. Palarong Panglungsod 2020
2. Buwan ng Wika 2020

I. Pagsisimula ng Pulong

Ang pagpupulong ay itinaya ni Bb. Mary Grace Joy Ayes ang Punong-guro ng Rizal
Technological University sa Pasig Campus sa ganap na ika-dalawa ng hapon, at ito ay
pinasimulan sa pamamagitan ng pag-galang sa Watawat ng Pilipinas o flag ceremony,
na pinangunahan naman ni G. James Claveria sa pamamagitan ng pag-awit at pag-
kumpas. Kasunod nito ay ang taimtim na panalangin na binigyang gabay naman ni G.
Karl Andrei Abuyo. At kalaunan ay pinangunahan naman ni G. Ruel Escosura ang
pagbibigay alam na mayroong quorum matapos nitong mag roll-call.

II. Pagbasa sa mga Opisyales ng Parents Teachers Association (PTA)

Matapos ang panimulang panalangin at flag-ceremony, isa-isang ipinakilala ni Bb. Mary


Grace Joy Ayes ang mga Opisyales na dumalo sa pagpupulong. Bagamat may isang
mahalagang taong hindi dumalo ay binigyang galang pa rin ito sa pamamagitan ng
pagpapakilala.

III. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda

Pinangunahan muli ni Bb. Mary Grace Joy Ayes ang panimula bago ang
pinakaadyenda ng pulong. Binigyang diin niya ang pagpapaliwanag sa pagkakaisang
dapat mabuo sa pagitan ng mga magulang, barangay at maging mga para sa ikauunlad
ng mga paaralan at isa na dito ang Rizal Technological University sa Pasig Campus.

Matapos ang panimulang paksa na binitawan ng Punong Guro na si Bb. Ayes ay


tinawag nito si Kgg. Justin Paul Enguerra upang makapagbigay ng kabtiran nito sa
usapin. Nagbigay ito ng mga mahalagang detalye na nararapat ipagbigay alam sa lahat
na may kinalaman sa adyenda.

Ang panimula sa unang nakatakdang adyenda para sa araw na iyon ay pinangunahan


ni G. Cris Jhanmel Ico. Ipinagbigay-alam n'ya na ang paaralan ng Rizal Technological
University sa Pasig Campus ay lalahok sa darating na Palarong Panglungsod ng 2020
na magsisimula sa buwan ng setyembre. Isa na ritoang Mr. and Ms. Palarong Pang-
lungsod. Ang nasabing palaro na lalahukan ng nga mag-aaral sa Rizal Technological
University sa Pasig Campus ay hindi madali, sapagkat ito ay mahahati sa dalawang
kategorya na parehas nilang lalahukan. Ang unang kategorya ay ang props or kostyum
na kanilang gagamitin ay dapat na mga naireresiklong (recycle) gamit. Isa ito sa criteria
o rubriks na nakasaad upang maiwasan ang pag-gastos ng mga mag-aaral. Maari
silang gumamit ng mga papel, plastic o anumang bagay na pwede nilang magamit. Ang
ikalawa naman ay ang proper o fomal pageant kung saan sila ay mag susuot ng
costume na kanilang nanaisin upang manalo sa nasabing palaro. Ang formal pageant
ay pinaglaanan ng limang libong piso (5,000) bilang budget. Susuportahan naman ng
PTA committee ang iba pang maaring gastusin sa araw ng palaro sa pamamagitan ng
pag hahati ng limang libo sa bilang ng mga mag aaral sa Unibersidad. Dahil mayroong
bilang na dalawang daan sa kabuuan ang estudyante sa RTU bawat isa sa kanila ay
mag-bibigay ng kontribusyon. Narito ang resulta:

Itinakdang halaga para sa costume: P5,000


Bilang ng mag aaral: 200

P5, 000 (costume, props)


200 = P25 kada isang mag aaral

Ang itinakdang deadline ng pagbibigay kontribusyon ay sa Ika-4 ng Agosto, 2020.

- Matapos ang unang adyenda, pinangunahan naman ni G. Jazther Aniega ang


ikalawang adyenda na patungkol naman sa Buwan ng Wika sa taon ng 2020. Nagbigay
ito ng kanyang perspektibo at mga biro upang manatiling buhay ang pakikinig ng mga
magulang. Matapos nito ay nagsalita naman si Kgg. Rodelle Lyn Delos Santos
patungkol sa Buwan ng Wika. Ipinaliwanag nito kung ano ba ang kahalagahan ng pag-
ganap o paglahok sa ganitong pagdiriwang at ano ang maaaring epekto nito sa
henerasyon ng mga kabataan at ng bansa. Nanghingi din ito ng suhestiyon sa mga
magulang patungkol sa adyenda. Isa na sa mga aktibidad na magaganap sa paaralan
ng Rizal Technological University ng Pasig Campus ay ang "sabayang pagbigkas",
"Poster Making", "Slogan", "Spoken Poetry" at marami pang-iba. Matapos nito ay
muling nagsalita si G. Jazther Anigea at sumagot sa mga tanong ng mga magulang.

IV. Takda ng susunod na pagpupulong


Tentatibong petsa - Ika-apat ng Setyembre, 2020.

V. Pagtatapos ng Pulong
Natapos ang pagpupulong sa ika-tatlo ng hapon. (3pm)
INIHANDA NI: CRISELL CASINAO
Kalihim - Teacher I

NAGPATOTOO: RUEL ESCOSURA


PTA PRESIDENT

INAPRUBAHAN NI: MARY GRACE JOY AYES


PUNONG-GURO

You might also like