You are on page 1of 3

KATITIKAN NG IKALAWANG PULONG NG MGA KAGAWAD SA BARANGAY

BULIHAN SILANG CAVITE

Ika- 22 ng Marso, 2022

Ika- 9 ng umaga

Sa Barangay Hall ng Bulihan, Silang, Cavite

DUMALO

Brgy. Capt. Snow H. Galvez

Sec. Felicia S. Valerio

Kgwd. Elijah V. Montefalco

Kgwd. Coreen B. Aquino

Kgwd. Logan E. Torrealba

SK Chairman Ares D. Riego

DI-NAKADALO

SK Sec. Soleil Sierra V. Cevantes

Kgwd. Hades M. Riego

PANUKALANG ADYENDA

1. Pagpapatibay ng seguridad sa Barangay Bulihan, Silang, Cavite


2. Bulihan’s Youth Day

I. PAGSISIMULA NG PULONG

Ang pagpupulong ay itinayo ni Brgy. Capt. Snow H. Galvez, ang Barangay


Captain ng Barangay Bulihan sa ganap na ika-9:00 ng umaga, at ito ay
pinasimulan sa pamamagitan ng isang panalangin ni Sec. Felicia S. Valerio at
ang pag awit ng Lupang Hinirang (audio). Kasunod ay ang roll-call na isinigawa
ni Kgwd. Coreen B. Aquino, at matapos ay ipinahayag na ang mga kaganapan
sa nakaraang pulong.

II. PAGBASA SA NAKARAANG PAGPUPULONG

Nagpatuloy and pagpupulong sa pag basa ni Kagawad. Elijah Montefalco ang


kalihim ng baranggay ng katitikan noong ika-19 ng Disyembre, 2021. Iniulat niya
ang tungkol sa mga tuntunin at mga kasalukuyang problema sa barangay tulad
ng mga insidenteng pagnanakaw, ang mga bata ay nasalabas, hindi na
sumusunod sa curfew, at ang mga ingay na ginagawa ng mga kabaranggay
tuwing gabi.

III. PAGPAPATIBAY NG PANUKALANG AGENDA


- Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni Kagawad. Coreen
Aquino sa kahalagahan at pag higpit seguridad ng barangay para sa
kaunlaran nito.
- Nagbigay rin ng kanilang mensahe sina Brgy. Capt. Snow H. Galvez at Kgwd.
Logan E. Torrealba sa magandang maibubunga ng pag suporta ng bawat
kasapi ng barangay para sa mga proyekto at mga magiging programa pa ng
barangay Bulihan.
- Sinimulan ni Kagawad. Logan Torrealba ang unang adyenda- Pagpapatibay
ng seguridad sa Barangay Bulihan, Silang, Cavite sa pamamagitan ng
pagpapakabit ng karagdagang CCTV para sa mas mahigpit ng seguridad ng
barangay. Ipinaalam nya sa mga opisyales at mamamayan ng barangay
Bulihan na magsisimula ang proyekto sa March 27, 2022. Agad naman na
nagbigay ng opinyon si Brgy. Capt. Snow H. Galvez na hindi madali ang
nasabing proyekto sapagka’t kakailanganin ng malaking pondo. Agad din
naman itong sinabi ni Kgwd. Logan Torrealba ang mga briefings ng
kakailanganing pera.
Ito ang mga naitaling mga kakailanganing pondo:
24,750php ( 495php per pc x 50pcs na CCTV)
25,000php ( 5,000php x limang (5) tao na mag tatrabaho ng pagkakabit ng
CCTV)
= 49,750php ang kakailanganin sa proyekto na ito
- Bulihan’s Youth Day- Sumunod ay ang pagpaplano ng isang Youth Day na
sinimulan ni SK Chairman Ares D. Riego para sa mga may edad na 13-18 sa
buong barangay. Inaanyayahan ang mga gustong makilahok sa isang araw
na magkakaroon ng mga iba’t ibang program. Ngunit dagdag pa ni Kgwd.
Coreen B. Aquino may malaking responsibilidad ang gagawing proyekto na
ito, kukunin din ang mga suhestiyon ng mga magulang ng mga youth na
makikilahok sa nasabing programa. Ang budget na gagamitin ay
manggagaling din mismo sa pondo ng SK na kung saan mayroong
nakatabing pera para sa gagawing Youth Day. May suhestiyon din si Kgwd.
Elijah V. Montefalco na magsasagawa dapat ng isang aktibidad na kung saan
makakatulong ang mga dadalong kabataan sa mga pag sesegegate ng mga
basura at ito’y magiging contest na tatawaging” Decorating Contest: Recycled
Materials”, ang mananalo ay may premyo at ito’y magagamit na pang
dekorasyon sa ating Barangay Hall. Ito’y suportado na ng barangay at mag
aantay na lamang kung kailan ito gaganapin.
- Magkakaroon din ng pagpupulong ang SK tungkol sa maisasagawang Youth
Day.

IV. IBA PANG PINAG-USAPAN


- Magkakaroon ng Leadership Training ang mga Kasapi ng Barangay sa
darating na ika-14 ng Abril, 2022.
- Solid Waste Management (SWM).

V. ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG


- Gaganapin ang susunod na pulong sa ika-15 ng Abril, 2022.

VI. PAGTATAPOS NG PULONG


- Natapos ang pagpupulong sa ganap na ika-11 ng umaga.

You might also like