You are on page 1of 4

YOUTH WITH A VISION ORMOC

Aviles St., Chuliante Building, Ormoc City, Leyte


______________________________________________________________________________
KATITIKAN NG PULONG NG YOUTH WITH A VISION ORMOC
NOBYEMBRE 30, 2022
Aviles St., Chuliante Building, 2nd floor

Layunin ng pulong: Paghahanda sa pagtitipon.


Petsa/Oras: Nobyembre 30, 2022 / 2:00 n.h.– 4:00 n.h.
Tagapanguna: Rose Ann Rivera Bernal
Bilang ng mga taong dumalo: Pito
Mga dumalo: Rose Ann Rivera Bernal, Dhea Ca-ang, Myca Arevalo, Rosel Ofredo, Melven
Martinito, Kevin Etable, Jonathan Sioc
Mga liban: Walang lumiban

I. Call to Order
Sa ganap na alas 2:00 n.h ay pinasimulan ni Bb. Rose Ann Rivera Bernal ang
pulong sa pamamagitan ng pagtawag ng atensiyon ng lahat.

II. Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni Bb. Dhea Ca-ang.

III. Pananalita ng Pagtanggap


Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Bb. Rose Ann Rivera Bernal bilang
tagapanguna ng pagpupulong.

IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Pulong


Mga nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Setyembre 15, 2022 ay
binasa ni Bb. Myca Arevalo. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni
Bb. Rosel Ofredo at ito ay sinang-ayunan ni G. Melven Martinito.

V. Pagtalakay sa agenda ng pulong


Ang mga sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong:
PAKSA TALAKAYAN AKSYON TAONG
NAGSASAGAWA

1. Gagawa ng Tinalakay ni Bb. Myca Magkakaroon ng • Bb. Myca Arevalo


mga komite sa Arevalo ang mga pagpupulong ang mga • Bb. Dhea Ca-ang
pagtitipon nagawang komite at mamamahala ng bawat
mamamahala sa bawat komite kasama ang mga
komite para sa kanilang miyembro upang
paghahanda ng magkaroon sila ng
pagtitipon. koordinasyon para sa
paghahanda ng pagtitipon.
2. Mga Tinalakay ni G. Kevin Magsasagawa ng • G. Kevin Etable
Presentasyon Etable ang mga pagpupulong kasama lahat • G. Melven Martinito
gagawing presentasyon ng dadalo sa pagtitipon
sa darating na pagtitipon. upang pagdesisyunan kung
sino ang magpre-presenta.

3. Mga laro Tinalakay ni Bb. Rosel Magkakaroon ng • Bb. Rosel Ofredo


Ofredo ang mga pagpupulong ang lahat ng
gagawing palaro sa dadalo sa pagtitipon upang
darating na pagtitipon magkaroon ng koordinasyon
sa mga gustong gaganapin sa
laro.

VI. Pagtatapos ng Pulong


- Sa dahilang wala ng anumang mga paksa na kailangang talakayin at pag-usapan,
ang pulong ay ganap na winakasan sa ganap na 4:00 n.h.

VII. Iskedyul ng susunod na pulong


- Disyembre 15, 2022 sa Aviles St., Chuliante Bldg., 2nd floor, 10:00 n.u.

Inihanda at isinumite ni:

JONATHAN M. SIOC
Kalihim
BIONOTE

Si Bb. Roselyn R. Bernal ay isinilang noong ikalabing-lima ng


Hunyo noong taong 2005 sa syudad ng Ormoc. Siya ay nakapag-
aral ng primaryang edukasyon sa Paaralang Naungan Elementary
School. Ipinagpatuloy niya ang kanyang sekundaryang pag-aaral sa
Linao National High School. Kasalukuyang nag-aaral ng
ikalabing-dalawang baitang sa ACLC College Of Ormoc at
naghahandang kumuha ng entrance exam sa Visayas State
University (VSU) sa bayan ng Baybay, probinsya ng Leyte.

Isa rin syang mag-aaral na may parangal noong elementarya at hanggang ngayon. Lumahok siya
ng iba’t – ibang mga sports katulad ng sepak takraw, badminton, basketball at iba pa. Siya ay
kasalukuyang nag-aaral sa ACLC College of Ormoc at parating nabibigyan ng iba’t – ibang
parangal.
YOUTH WITH A VISION ORMOC
Aviles St., Chuliante Building, Ormoc City, Leyte
______________________________________________________________________________
MEMORANDUM

Para sa: Mga kabataan


Mula kay: Rose Ann R. Bernal – YWAV President
Petsa: Nobyembre 12, 2022
Paksa: Paghahanda sa darating na Pagtitipon

Ang Pagtitipon na ito ay mahalaga upang makaranas ng kakaibang pagtitipon ang mga
kabataan.

Inaanyayahan ang mga opisyal ng Organisasyong Youth With A Vision (YWAV) sa


pagpupulong upang talakayin ang dapat paghandaan sa nasabing Pagtitipon. Ang pagpupulong
ay gaganapin sa ika-30 nang Nobyembre, taong 2022. Ang pagdarausan ng pulong ay sa kabila
ng Imperial Appliance Plaza, Chuliante Building, Second Floor, 3:00 nang hapon.

ROSE ANN R. BERNAL


YWAV President

You might also like