You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Province of Cavite
Municipality of Noveleta
Barangay San Antonio I

OFFICE OF THE SANGGUNIANG KABATAAN

Katitikan ng session sa buwan ng Agosto sa Brgy. Hall ng San Antonio I, Noveleta, Cavite noong
AGOSTO 16, 2020 (LINGGO):

MGA DUMALO:
Hon. Janine Vince H. De Guzman - SK Chairperson
Hon. Kristel Joyce B. Talusik - SK Member
Hon. Lorein Andrea S. Briones - SK Member
Hon. Jem S. Concepcion - SK Member
Hon. Maria Kayla C. Almanzar - SK Member
Hon. Nicole F. Javinal - SK Member
Hon. John Edwin A. Ibañez - SK Member
Hon. Mikko N. Nardo - SK Member

IBA PANG DUMALO:


Pheyleene S. Palustre - SK Secretary
Erica Edlyn A. Ibañez - SK Treasurer

PAGTAWAG SA KAAYUSAN
Ang karaniwang pulong ay tinawag sa kaayusan, ganap na alas 5 ng hapon sa pangunguna ni SK
Chairperson Janine Vince H. De Guzman na sinundan ng pambungad na panalangin, sa pangunguna
ni SK Member John Edwin A. Ibañez

A. PAGTAWAG SA MGA PANGALAN AT PAGHAHAYAG NG QUORUM


Nagsagawa ng pagtawag sa mga pangalanang kalihim, at napag alamang wala ang lumiban.
Pagkatapos niyon ay idineklara ng Tagapangulo ang pagkakaroon ng ‘’quorum’’

B. PAGBASA, PAGWAWASTO AT PAGPAPATIBAY NG KATITIKAN NG NAKARAANG SESYON


Binasa ng kalihim ang katitikan ng nakaraang sesyon sa pangunguna ni SK Chairperson Janine
Vince H. De Guzman ang katitikan ng nakaraan sesyon ay pinagtibay tulad sa binasa.

C. LINGGO NG KABATAAN PREPARATION


Nilahad ni SK Chairperson Janine Vince H. De Guzman ang mga nakalatag na plano sa nalalapit
na pagkalahatang LINGGO NG KABATAAN ng lahat ng mga Brgy. A Bayan ng Noveleta.

D. HALF COURT REHABILITATION UPDATE


Nireport ni SK Chairperson Janine Vince H. De Guzman ang kabuang report tungkol sa half court
kasama niya dito si Brgy. Councilor Richard Castro at SK Member Nicole F. Javinal at for
installation nalang ng fiver. Pinaliwanag din ang mga nagastos na materyales para sa nasabing
proyekto.
E. COMMITTEE ON EDUCATION
Sa education, ay nagpasya si SK Chairperson Janine Vince H. De Guzman na magkaroon ng mga
supplies na pwedeng ibigay sa mga Kabataan kahit panahon ng Pandemya.

F. COMMITTEE ON ENVIRONMENT
Muling inaanyayahan ang buong council na dumalo at magsama din ng mga kabataan na tutulong
maglinis ngating lugar/komunidad upang makaiwas ng anuman sakit na nagsasanhi sa maruming
kapaligiran.

G. OFFICE SUPPLIES
Inilista naman ni SK Secretary ang mga supplies na gagamitin ngayong buwan tulad ng mga ballpens,
bond papers, folders, etc. na magagamit tuwing may quorum o mga files na kaylanganing ayusin

H. MGA GAWAIN/BAGAY PARA NGAYONG ARAW:


Wala

I. PAGPIPINID NG PULONG: dahil sa wala pag-usapan pang iba, ay iminungkahi ni SK Member


Kristel Joyce B. Talusik na isara na ang pag-pupulong sa ganap na ika 6 ng gabi at ito ay
pinangalawahan ng buong SK council.

X----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------x
PAGPAPATUNAY NG KALIHIM

AKO ANG NAGPAPATUNAY sa kawastuhan ng nasasad ng Katitikan ng Karaniwang pulong ng


Sangguniang Kabataan na ginanap noong ika-16 ng August 2020, sa Brgy. Hall ng Barangay San
Antonio 1, Noveleta, Cavite.

JANINE VINCE H. DE GUZMAN


SK Chairperson

PHEYLEENE S. PALUSTRE
SK Secretary

You might also like