You are on page 1of 1

KATITIKAN NG PAGPUPULONG ng CASFI (Kalikid Sur)

February 7, 2021

Katitikan na ginanap ang pulong sa tabi ng bahay ni Kon Perfecto dela Cruz Jr. nuong ika-7 ng Pebrero,2021
sa ganap na ika-3 ng hapon at ito ay pinangunahan ng isang panalangin ni Gng. Obdulia Leabres. Ang mga
kasaping dumalo ay 44. Tayo ay binigyan ng isang mensahe ng dati nating Pangulo na si Ex. Kap. Perfecto
dela Cruz Sr. Siya ay nagbitiw na sa kanyang tungkulin dahil sa kanyang kalagayan. Ang sumunod na
nagsalita ay sa Kon. Dela Cruz Jr. Ipinaliwanag niya ang gagawin botohan para sa bagong pamunuan. Ang
mga nahalal na pamunuan ay ang mga sumusunod;

Pangulo - Evangeline Mallare


Pang-Pangulo - Perla Padilla
Kalihim - Myrna Reyes
Ingat-Yaman - Rosita Estrella
Tagasuri - Obdulia Leabres
Mga Adviser- Felicidad Bernabe at Perfecto dela Cruz Sr.

Nagbigay ng maikling mensahe ang nahalal na pamunuan. Nag-ulat din ang ating ingat-yaman. Ang ating
kaperahan sa kasaluyan ay 93,000.00. Pinaliwanag din ni Kon. Dela Cruz ang tungkol sa social pension,
birthday, at pagkuha ng booklet ng mga senior citizen; Ito ay aalamin ng ating bagong halal na Pangulo sa
opisina ng OSCA sa City Hall. Magkakaroon din ng turn-over ng mga gamit ang ating dating Pangulo sa
bagong halal na Pangulo. Pagkatapos ay nagkaroon din ng maiksing pagpupulong ang ating mga Board of
Directors sa bawat Purok. Ang iminungkahi ng ating bagong Pangulo ay magkaroon ng 2 BOD sa bawat
purok.

Villa Emilia - Teresita Burkley at Celia Luna

Carmen Park - Nenita Barruga At Teresita Polvorosa

Purok 2 - Raquel Lopez at Celia Aquino


Purok 3 - Elvira Barayuga at Violita Moya
Purok 4- Aurelio Ison ga at Florlita Diaz
Cristina Homes - Gloria dela Rosa
United Village - Flor Gallano
Ipinabatid ng ating bagong Pangulo sa mga BOD na kailangan magkaroon ng mga bagong kasunduan
ang ating mga kasapi at sila din ay may karapatan maningil ng ating buwanang butaw at mga damayan.
Natapos ang ating pagpupulong sa ganap na ika-5 ng hapon.
Inihanda ni:

MYRNA J. REYES
Kalihim

You might also like