You are on page 1of 2

SINUMPAANG SALAYSAY

AKO, si MARCELA MENDOZA, nasa hustong edad, Pilipino at nakatira sa may Abella Road, Barangay
Kaypian, San Jose Del Monte City, Bulacan, matapos makapanumpa ng naaayon sa batas ay malayang
nagsasalaysay ng mga sumusunod;

1. Noong December 1, 2022, pasado alas tres ng hapon ay dumating sa aming lugar ang grupo ng
isang nagpakilalang Kernel na si AILEEN RECLA. Kami ay sinabihan na mga iskwater sa kanilang
lupain na nabili na raw nila at sila ang tunay na may-ari, kaya kailangan daw na kami ay lumayas
na dahil kung hindi ay mapipilitan na silang gibain at ipa-demolish ang aming mga bahay.

2. Pinagtatabas at pinag-puputol nila ang aming mga pananim na halaman, mga puno ng saging,
mga gabi, at mga puno ng papaya na namumunga. Pinagsabihan kami na wala kaming karapatan
magtanim sa kanilang lupain. Pinagduduro at pinagsabihan kami ni AILEEN RECLA ng mga
masasakit na salita at ipinahiya sa harap ng maraming mga tao na nanonood sa may gilid ng
kalsada. Kami raw ay mga “hampas-lupa”, patay-gutom at mga illegal na iskwater.” Wala kaming
magawa ng mga oras na iyon kundi panoorin lamang sila sa kanilang mga ginagawa, dahil sa
kami ay natatakot. Marami sila, mga mayayaman, may mga magaganda at mamahaling sasakyan
at may kasama pang isang lalaki na may dalang baril.

3. Tinangka ng isa naming kasamahan na si LUZVIMINDA “Maymay” TITOY ang makipag-usap sa


kanila. Tinanong niya sila kung ano ang katibayan nila o dokumentong pinanghahawakan nila
bilang patunay na sila ay legal na may-ari ng luapang kinatitirikan ng aming mga bahay.
Nagpakita sila ng mga papel na yon daw ang katibayan na meron silang Titulo.

4. Sinabihan ni Luzviminda si Aileen na kung talagang legal ang hawak nilang mga dokumento ay
pwedi naman idaan sa batas ang lahat at hindi sa pamamagitan ng dahas. Subalit sinigawan ni
Aileen si Luzviminda at sinabihan na wala siyang karapatan kwestiyunin ang mga hawak nilang
dokumento, hanggang sa nauwi sa mainitang sagutan at pagtatalo ang kanilang pag-uusap.

5. Na ako, bilang pinaka-matanda at pinaka-matagal ng naninirahan sa lupaing iyon, na mahigit sa


animnapung taon (60 years), ay doon na ipinanganak, doon na nagka-asawa, nagka-anak at
nagka-apo. Ang aking mga magulang na sila ROMUALDO MENDOZA at BRIGIDA MENDOZA ay
ang mga itinalagang CARETAKER ng yumaong si Dr. ANTONIO RODRIGUEZ, para sa humigit-
kumulang dalawamput-apat (24) na ektaryang lupain na aming sinasaka at tinataniman ng mga
gulay at palay.

6. Subalit, mula ng mamatay si Doktor Antonio, ay doon na umpisang guluhin ng kaniyang anak na
si BENJAMIN RODRIGUEZ ang aming pamumuhay at inumpisahang sirain ang aming mga
pinagkakabuhayan. Ipinag-utos niya sa kaniyang mga tauhan na putulin ang aming mga pananim
na punong akasya, manga,santol, sampalok, bayabas, buko, langka, mga puno ng saging at mga
pinyahan. Pinagbi-benta niya ang ilang bahagi ng lupain na aming sinasaka, sila ay nag-quarry at
nagkaroon nang mga bangin sa gilid ng aming mga bahay. Nangangamba tuloy kami na baka
maging biktima kami ng pag-guho ng lupa.

7. Matagal na itong alam ng mga opisyal ng aming Barangay subalit, wala silang ginagawang
aksiyon, upang kami ay protektahan dahil nalaman namin mula sa isang opisyal/ kagawad ng
aming Barangay na nangako ang grupo nila Aileen Recla at Benjamin Rodriguez ng One
Thousand (1,000) square meters para sa Barangay at Two Hundred (200) square meters na
pagtatayuan ng Fire Station. Kaya ramdam namin na sila (grupo ni Aileen at Benjamin) ang
pinapaboran ng mga namumunong opisyal sa aming Barangay.
8. At noon ngang December 01, 2022, na muli silang nanggulo sa amin at nag-umpisa na silang
magtayo ng mga bakod at ilang estraktura sa loob ng aming tinitirhang lupain ay inilapit na
namin at idinulog sa opisina ni Senator RAFFY TULFO ang dinaranas naming pang-aapi at
pangungutya ng grupo nila Aileen Recla at Benjamin Rodriguez.

BILANG KATUNAYAN sa lahat ng ito ay aking inilagda ang aking pirma ngayong ika ___ ng
Disyembre, 2022, ditto sa City of San Jose Del Monte, Bulacan.

MARCELA MENDOZA
Nagsalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN TO BEFORE ME, this ____ day of December 2022, here at the City of
San Jose Del Monte, Bulacan.

________________________________
Administering Prosecutor/ Officer

You might also like