You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS

LALAWIGAN NG BULACAN
MUNISIPALIDAD NG NORZAGARAY
BARANGAY BIGTE

KONTRATA SA PAGPAPAHIRAM

SA SINUMAN NA DAPAT MAKABATID :

Ang kasunduang ito ay isinasagawa ng mga sumusunod;

PAMAHALAANG BARANGAY NG BIGTE na matatagpuan sa Baltazar, Bigte,


Norzagaray, Bulacan , Kinakatawan Ni Igg. ROSEMARIE M. CAPA at ng
buong Sangguniang Barangay ng Bigte at makikilala bilang UNANG PANIG.

-at ni-

G. DANIEL D. AVENDAÑO, Pilipino, Nasa Hustong Gulang, Byudo, nakatira


sa Bigte, Norzagaray, Bulacan at makikilala bilang IKALAWANG PANIG.

KASUNDUAN
Na ang UNANG PANIG ay hihiram ng lupa sa IKALAWANG PANIG na
gagamitin para gumawa ng MRF COMPOSTING FACILITY AT “GULAYAN SA
BARANGAY” sa loob ng Anim (6) na Buwan na magsisimula sa
ika-01 ng Hunyo, 2023 hanggang Disyembre 01, 2023 ngunit renewable kung
kinakailangan at napapailalim sa pag-apruba ng IKALAWANG PANIG .

Na ang IKALAWANG PANIG ay sumasang-ayon na hiramin ang


lupang kanyang pagmamay-ari na matatagpuan sa COC, Bigte, Norzagaray,
Bulacan na may sukat na 1654 metro kuwadrado sa ilalim ng Titulo Blg.
TCT-040-2020020966. Ito ay ipahihiram ng ng LIBRE at walang kaakibat na
anumang buwanang bayarin .

Na ang UNANG PANIG ay tuwirang nauunawaan na ang lupa ay ipahihiram


ng LIBRE ngunit ang lahat ng mga uri ng gugulin sa gagawing “Gulayan sa
Barangay” at MRF Composting Facility ay sasagutin ng UNANG PANIG.

Na ang UNANG PANIG ay sumasang-ayon na lisanin ang lugar sa oras na


kailanganin na ng IKALAWANG PANIG ang kanyang pag-aaring lupa.
Na ang mga ANING GULAY ay mapupunta sa UNANG PANIG na siyang
may karapatang mag desisyon kung kanino ito ipamamahagi o kaya nama’y
ibebenta ngunit bilang pakunswelo sa Ikalawang Panig sa kanyang pagpapahiram
ng lupa ay maaari din siyang kumuha ng aning gulay na pangkain kung nanaisin
niya.

Bilang katunayan ng Kasunduang ito, lahat ng binabanggit sa itaas ay lumagda sa


ibaba nito ngayong ika-22 ng Mayo, 2023 sa Bigte, Norzagaray, Bulacan.

PAMAHALAANG BARANGAY NG
BIGTE

KINAKATAWAN NI:

DANIEL D. AVENDAÑO
Igg. ROSEMARIE M. CAPA
IKALAWANG PANIG/
PUNONG BARANGAY
MAGPAPAHIRAM
UNANG PANIG/ HIHIRAM

AT BUONG SANGGUNIANG
BARANGAY

Mga SAKSI:

PORFERIO H. LACANARIA, JR.


JOSEVENCIO B. LAPIG
KAGAWAD
KAGAWAD

ACKNOWLEDGEMENT

Republic of the Philippines)


_________________________) S.S

BEFORE ME, a notary for and in __________________________________ , personally


appeared:

Name ID presented ID Number

ROSEMARIE M. CAPA LTO DRIVER’S LICENSE N02-08-


016645
DANIEL D. AVENDAÑO
JOSEVENCIO B. LAPIG LIGA NG BARANGAY ID 190537
PORFERIO H. LACANARIA, JR. LTO DRIVER’S LICENSE CO7-08-006817

known to me and to me known to be the same persons who executed the foregoing
Kontrata sa Pagpapahiram and acknowledged to me that the same is their free and
voluntary act and deed.

This instrument consisting of two (2) pages, including this page on which this
acknowledgment is written refers to a KASUNDUAN SA PAGPAPAHIRAM and has been signed
by the parties and their witnesses and sealed with my notarial seal.

WITNESS MY HAND AND NOTARIAL SEAL.

Doc. No. ____


Page No. ____
Book No. ____
Series of 2023.

You might also like