You are on page 1of 2

KASUNDUAN

Dapat malaman ng lahat na itong kasunduan na ito ay ginawa sa pagitan nina:

MICHELLE N. MENDOZA, Pilipino, nasa hustong gulang, at nakatira sa No. 656


Bunducan, Bocaue, Bulacan, na dito ay makikilala bilang UNANG PANIG;

at

RICARDO BAUTISTA, JR., Pilipino, nasa hustong gulang, at nakatira sa Bunducan,


Bocaue, Bulacan, na dito ay makikilala bilang IKALAWANG PANIG;

Na nagsasaad ng mga sumusunod na:

1. Ang IKALAWANG PANIG ay bumili ng bagong sasakyan na may detalye ng


mga sumusunod:

Make: HONDA Series: BRIO


Engine No: L12B32455795 CR No.: 37811180-1
Chassis No.: MHRDD1860KJ001045 MV File No.: 1301-00001481635
Plate No.: NGG 3218

2. Ang nasabing sasakyan ay pansamantalang pinangalan sa UNANG PANIG


dahil na rin sa pakiusap ng IKALAWANG PANIG;

3. Ang buwanang bayad o hulog na nagkakahalaga ng LABINGTATLONG LIBO


LIMANDAANG PISO (Php13,500.00), salaping Pilipino, para sa nasabing
sasakyan ay hinuhulugan o binabayaran ng IKALAWANG PANIG sa PSBank
Balagtas branch ("bangko"). Ang nasabing sasakyan ay LIMANG (5) taon na
huhulugan hanggang 2024;

4. Ang nasabing sasakyan ay nakapangalan lamang sa UNANG PANIG subalit ang


tunay na nagmamay-ari nito ay ang IKALAWANG PANIG;

5. Ang nangangalaga at gumagamit ng nasabing sasakyan ay ang IKALAWANG


PANIG;

6. Kaalinsabay ng kasunduang ito ay pipirma ang UNANG PANIG sa isang open


Deed of Sale para sa IKALAWANG PANIG na magkakabisa lamang sa takdang
panahon na matapos mabayaran nang buo sa bangko ng IKALAWANG PANIG
ang car loan na nasa pangalan ng UNANG PANIG;

7. Kung sakaling ang nasabing sasakyan ay nasangkot sa aksidente o anumang


mga pangyayari ay walang pananagutan ang UNANG PANIG;

8. Ang lahat ng nakasaad at nakatala dito ay buong puso at walang bahid pag-
aalinlangan. Napagkasunduan ng magkabilang panig na nakapangalan dito;
9. Ito ay nilagdaan sa ibabaw ng kanilang pangalan ng magkabilang panig na
gumawang kasunduang ito.

Sa KATUNAYAN NG LAHAT, kami ay lumagda sa harapan ng mga Testigo


ngayong _______________, dito sa ________________________.

MICHELLE N. MENDOZA RICARDO BAUTISTA, JR.


UNANG PANIG IKALAWANG PANIG

Nilagdaan sa harap nina:

__________________________ __________________________

REPUBLIKA NG PILIPINAS)
BOCAUE, BULACAN )

NGAYONG ika - ___ ng ___________________ sa Bocaue, Bulacan ay kusang


dumulog sa harap ko ang mga sumusunod taglay ang mga pagkakakilanlan Blg.

Pangalan Ebidensiya ng Gawad sa/noong


Pagkakakilanlan
Michelle N. Mendoza

Ricardo Bautista, Jr.

na kilala ko sila dahil sa paglagda nila dito sa kasulatan at pagpapahayag sa aking ang
gayoy kanilang sarili at malayang pagpapasiya.

Ang kasulatang ito na tumutukoy sa Kasunduan at binubuo ng Dalawang (2)


dahon, kasama ang pagkilalang ito, ay nilagdaan nila kapwa at ng kanilang hinirang na
mga saksi sa lahat at bawat dahon ng kasulatang ito.

SAKSI ANG AKING LAGDA AT TATAK.

Kas. Blg. ______


Dahon Blg. ____
Aklat Blg. _____
Taong 2022.

You might also like