You are on page 1of 1

KATIBAYAN SA PAGKAKAUTANG AT PANGAKO SA PAGBABAYAD

SA SINUMAN NA DAPAT MAKABATID:

Ang kasunduang ito ay isinasagawa ng mga sumusunod;

JULIA SORONGON, may sapat na gulang, Pilipino, asawa ng namayapang si EDGAR GABAYERON at naninirahan
sa Barangay Buenavista, Lemery, Iloilo (kinikilala bilang “ UMUUTANG”);
-at-
JESSIE PORRAS, may sapat na gulang, Pilipino at naninirahan sa Barangay Tugas, Lemery, Iloilo (kinikilala bilang
“NAGPAPAUTANG”);
PINATUTUNAYAN
Na ang nagpapautang ay pinagbigyan ng nangungutang alinsunod sa pakiusap at pagbibigay halaga sa
magandang samahan bilang makaibigan.

1. Na ang UMUUTANG ay nakautang ng halagang Four Hundred Fifty thousand Pesos (P450,000.00);

2. Na bilang patunay at panagot sa katiyakan na magbabayad ang UMUUTANG sa pagkakautang nito ay


nagbibigay permiso sa NAGPAPAUTANG sa pagsasaka ng 1 hectare na palayan na may apat na sakong
binhi at pinahihintulutan na gamitin ito bilang kolateral upang makuha ang inuutang na halaga;

3. Na pinatutunayan na pagmamay-ari ng UMUUTANG ang kolateral na nabanggit sa itaas sa


pamamagitan ng pagsuko ng barangay certification na nagsisilbing ebidensya na ang namayapang
asawa ng UMUUTANG ang syang may-ari ng naturang ari-arian at may kakayahan ito na ibenta ang
nabanggit na ari-arian;

4. Na ang UMUUTANG ay nangangakong kusang loob na babayaran ang buong pagkakautang sa loob ng
limang (5) taon sa halagang Four Hundred Fifty thousand Pesos (P450,000.00).

SA KATUNAYAN NG LAHAT NA ITO, ang bawat PANIG ay nagsilagda sa ibaba nito nayong ika-____ ng
___________, 2023.

JULIA SORONGON JESSIE PORRAS


Lagda ng UMUUTANG Lagda ng NAGPAPAUTANG

MGA SAKSI

PILAR BASULGAN IRENE MILLAN NITA GUILLEN VERGIE CIPRIANO

PAGPAPATUNAY
REPUBLIKA NG PILIPINAS)
LUNGSOD NG ILOILO)S.S

SA HARAP KO,bilang Notaryo Publiko sa Lungsod ng Iloilo ngayong ika-______ng______________2023 ay


dumulog ang magkabilang panig na kilala kong silang nagsagawa nang nauunang kasunduan at pinatunayan
nila sa harap kong malaya at kusang loob nilang pagpasya.

SAKSI ANG AKING LAGDA AT SELYONG PANATAK .

You might also like