You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

BAYAN NG ROXAS ) S.S.


LALAWIGAN NG ORIENTAL MINDORO)
X-------------------------------------------------X

SINUMPAANG SALAYSAY
AKO, LETICIA B. MEJIA, 68 na taong gulang, biyuda, at kasalukuyang naninirahan sa
Sitio Saranate, Barangay Maliwanag, Mansalay, Oriental Mindoro, matapos na mabatid ang
aking karapatan alinsunod sa ipinag-uutos ng ating Saligang Batas ay malaya at kusang-loob na
nagsasaad ng mga sumusunod:

Ako po ang mapagmahal na ina ni Noel Bolor Mejia na siyang tunay na may-ari ng
lupang pinag-uusapan sa kasong ito. Ako po ay binigyan niya ng karapatan na kumatawan sa
kanya sa pagsasampa ng kasong ito sa pamamagitan ng Special Power of Attorney (attached as
Annex “A”) na aming nilagdaan noong ika-2 ng Disyember 2021.

Ang lupa pong ito ay unang pagmamay-ari ng nawalang MARIA CASTILLO, na may
dalawang anak na nagngangalang FRANCISCO CASTILLO at IRENE CASTILLO. Ang
yumaong IRENE CASTILLO ay kasal sa yumao na ring si TOMAS BOLOR. Sila ay ang aking
mga magulang na siyang lolo at lola ng aking anak na si Noel Mejia.

Ang lupang pinag-uusapan sa kasong ito ay titulado magmula pa noong 1955. Nang
yumao si Maria Castillo, ang lupang ito ay ipinamana kay FRANCISCO CASTILLO.

Sa kasamaang palad, si FRANCISCO CASTILLO ay nagkasakit at di kalaunan ay


namatay na rin. Ang lupang minana niya ay napunta sa kanyang natitirang kapatid na si IRENE
CASTILLO. At noong taong 2010 ay ibinenta ni Irene Castillo kay Noel Bolor Mejia ang lupang
nabanggit.

Agad na ipinalipat ni Noel ang titulo sa kanyang pangalan. Naka-attach dito ang Transfer
Certificate of Title (attached as Annex “B”) nagpapatunay na si Noel B. Mejia na ang may-ari ng
lupa.

Agad po naming ipinasukat ang lupa sa isang Certified Geodetic Engineer/Surveyor na si


Ka Girlie Dayanghirang. Sa pagsusukat, lumabas na nasakop ni Edgar Geronimo ang 1,963
square meters ng lupa na pag-aari ni Noel Bolor Mejia. Ayon sa sukat, si Noel Bolor Mejia ang
higit na may karapatan upang ang lupang ito ay sakahin. Bilang patunay, naka-attach po dito ang
survey (attached as Annex “C”) na nagpapakita ng tunay na posisyon ng lupa at nang bahaging
nasakop ni Edgar Geronimo.
Sa kagustuhan po naming maitama ang sukat ng lupa at ang pwesto ng mga muhon,
nakipagpulong kami sa kanila sa Tanggpapan ng Punong Barangay ng Maliwanag upang ipaalam
sa kanila na nais naming maglagay ng muhon. Hindi po sumang-ayon dito si G. Edgar Geronimo
sa kadahilanang sila ay may naunang sukat na pinaniniwalaan na tama. Pilit nilang sinasabi na
ang lupang kanilang sinasaka ay pagmamay-ari nilang tunay at totoo. At may lumalabas na
kuwento mula sa kanila na ito ay EXCESS PORTION ng isang (1) ektarya na ayon sa kanila ay
sila ang tunay na magtatrabaho o magbubukid nito.

Upang maresolba at mabigyang linaw po ang mga bagay na ito, nagkaroon po kami ng
muling pag-uusap sa Tanggapan ng Punong Barangay. Naroon po sina EDGAR GERONIMO at
matandang tiyuhin niya na si KA FREDDIE “BOY” GAJULIN at lola niya na si KA NENA
GAJULIN. Kasama namin si KA GIRLIE DAYANGHIRANG sa pagkakataong ito. Ang grupo
ni KA GIRLIE ay may ipinakita sa TV MONITOR tungkol sa tunay na sukat ng lupang sinasaka
ng mga BOLOR at GERONIMO. Kitang-kita rito na walang lupa o tubigan na nasasakop ang
mga BOLOR na pag-aari ng mga GERONIMO. Pilit pa rin nilang ipinaglalaban ang tubigang ito
na ayaw talaga nilang pumayag na maglalagay kami ng muhon lalong-lalo na si Edgar
Geronimo.

Hanggang sa dumating ang oras na nagbigkas si KA GIRLIE ng planong sang-ayunan


ang mga salita na panig kay EDGAR GERONIMO, sa kondisyong dapat ay may kasulatang
ipakikita kay KA GIRLIE ang mga GERONIMO na magpapatunay na talagang lupang inaangkin
nila ay totong kanila na considered excess. Hinihintay naming maglabas o mag-sumite sila ng
kasulatan ngunit hindi ito nangyari.

Wala pong kasulatang ipinakita ang panig ni EDGAR GERONIMO sa tanggapan ng


SURVEYOR. Gumawa ulit ako ng KASULATAN na naglalaman ng panghingi ng pahintulot sa
kanila na maglalagay ulit kami ng muhon.

Dahil po walang pag-aayos na nangyari sa pagitan namin ni Edgar Geronimo, ako po ay


binigyan na ng barangay ng Certificate to File Action para kami ay makapagsampa na ng kaso sa
korte.

Pero dahil sa kagustuhan ko pong huwag nang paabutin pa sa korte ang usaping ito, ako
po ay lumapit sa opisina ng Public Attorney’s Office para muling makausap si Edgar Geronimo.
Subalit sa kabila po ng pagsisikap ko at ng PAO na paliwanagan si Ginoong Geronimo ay hindi
po niya tinatanggap ang katotohanan at patuloy niyang ginigiit na siya ang may-ari ng lupaing
iyon at hindi siya aalis doon.

Kaya naman po wala na po akong ibang solusyon kung hindi ang lumapit sa hukumang
ito nang matuldukan na po ang suliranin naming ito.
Ang lahat po ng salaysay kong ito ay pawang katotohanan lamang at kusang loob kong
isinalaysay na walang pumilit, nagbayad, nagturo, o tumakot sa akin.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, ako ay lumagda sa ibaba nito ngayong ika-


12 ng Agosto 2022 sa bayan ng Roxas, Silangang Mindoro.

LETICIA BOLOR MEJIA


Nagsasalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN to me this 12th day of August 2022 in Roxas, Oriental Mindoro.
The affiant personally came and known to me as the person he depicts to be as the same person
who personally signed the foregoing instrument before me and above-under the penalty of law to
the whole truth of the contents of said instrument.

DEVEE MAE O. VILLAMIN


Public Attorney I
Pursuant to R.A. 9406

CERTIFICATION

This is to certify that I have personally examined the herein affiant, faithfully recorded
his statements and I am convinced and satisfied that he voluntarily executed his affidavit and
fully knew well and understood all the contents of his given statement.

Atty. DEVEE MAE O. VILLAMIN

You might also like