You are on page 1of 6

SINUMPAANG SALAYASAY

REPUBLIKA NG PILIPINAS)
LALAWIGAN NG ALBAY ) S. S.
LUNGSOD NG LEGAZPI )

Ako, si ADELAIDA DA RIOSA, nasa tamang gulang, biyuda, Pilipino,

naninirahan sa Purok 6, Libjo, Tiwi, Albay, matapos manumpa ng alinsunod sa

batas, ay nagpapatunay at tahasang nagsasalaysay ng mga sumusunod:

1. Ako at ang aking mga yumaong kapatid na sina “Junior” (Santos Da

Riosa, Jr.), “Badong” (Salvador Da Riosa), “Domeng” (Dominador Da

Riosa) at ang kaisa-isa kong nabubuhay na kapatid na si “Baby” (Vhee

Riosa Carrascal) ay may lupang hinahabol sa Tigbi, Tiwi, Albay na

minana namin sa aming yumaong ama na si Santos Riosa, Sr. Ang

kalakihang bahagi ng lupang ito ay pinagtatalunan pa sa husgado na

aming napanalunan sa “RTC” ng Tabaco City at inapela ng aming pinsan

na si Madona Riosa at ang kaniyang mga kapatid sa “Court of Appeals”.

2. Noong taon 2001, para maiwasan ang pagpasok ng mga “eskuwater”,

napagpasiyahan naming magkakapatid na patayuan ng pansamantalang

gusali sa bahagi ng lupa na aming hinahabol. Sa dahilang walang

matatag na hanap-buhay ang aking mga kapatid na lalake, sila ay

humingi ng tulong sa akin at sa aming bunsong kapatid na si “Baby” na

naninirahan sa Amerika at may kakayahang tumulong na pinansiyal sa

kanilang tatlo (Junior, Badong, at Domeng).


3. Dahil sa mahina na rin ang aking negosyo, si “Baby” na lang ang

tumulong sa kanilang tatlo para makapagpatayo ng puwesto.

4. Nakapagpatayo ako ng sariling puwesto na pinaupahan ko kay “Monbil”.

Sa tulong ni “Baby”, maliban sa aking mga kapatid na lalalke,

nakapagpatayo rin si “Ding” (Dolores Vallarta”), na aming pinsan, ng

isang puwesto na aming pinaghatian at mgkahiwalay naming

pinaupahan kina Sheila Sagun at Jocelyn Barba. Ang kalahating bahagi na

inilaan sa akin ni “Ding”ay tulong sa akin ni “Baby”. Sina “Jun”, Badong,

at Domeng ay nakapagpagawa ng puwesto sa tulong din ni “Baby”. Ang

usapan ay magagamit nila ang puwesto hanggat kailangan nila. Si Jun ay

nakapagpaupa kay Dr. Bernardo Corral at Sarita Pacis; si Badong ay

nakapagpaupa kay Solon Clutario, at si Domeng ay nakapagpaupa kay

Juanito Balderama.

5. Maliban sa aming magkakapatid, nakapasok sa nasabing lupa si Jerome

Riosa, na anak ng isa naming pinsan, at si Adela Legaspi na nakiusap na

tumayo ng puwesto kay Jun. Nang hinarangan ng “hollow blocks” ni

Madona Riosa, isa naming pinsan at katunggali sa usapin sa lupa, ang

labasan ng puwesto ni Adela, ay agad akong tumugon at humarap kay

Madona. Noong panahon na iyon, si Jun ay may sakit na at hindi na

makapunta dito sa Tiwi. Sa dahilang si Jun ang unang kausap ni Adela,


minarapat ng abogado na gumawa ng kasulatan na pinalabas na ako ay

isang katiwala lamang ng aking kapatid. Sinabi ng abogado na ito lamang

ang paraan para matulungan ko si Adela at magkaroon ako ng sapat na

pagkata-o para maharap si Madona sa husgado. Ang kasulatang ito ang

ginamit ng isang nag-ngangalang Maria Consuelo Saito sa mapangahas

na pagkuha sa akin ng puwesto ni Adela.

6. Nang umuwi si “Baby” noong 2010, kinausap niya si Jerome na lisanin

ang puwesto sa dahilang hindi naman siya ang may-ari nito. Nahikayat

ng kapatid ko si Jerome at ito ay lumisan ng mapayapa.

7. Nang mamatay si Domeng noong Nobeyembre 22, 2002, ang puwesto

niya ay pinaubaya sa akin ni “Baby” sa usapan na ito ay ibabalik sa

kaniya kung ang ito ay kakailanganin niya. Ang nasabing puwesto ay

pina-upahan ko rin kay Juanito Balderama.

8. Noong Hulyo 2010, umuwi si “Baby” dito sa Bikol at ako ay kinausap niya

tungkol sa puwesto. Sinabi niya na kakailanganin niya ang puwesto dahil

gusto niyang tulungan si Michael. Nabanggit niya ang kinakaharap na

problema ni Michael at ayaw niyang magkahiwalay ito at ang kaniyang

asawa. Kaya, sinabi niya na kung hindi ko mamasamain, gusto niyang

pahawakan pansamantala kay Michael ang mga nasabing puwesto para


may pandagdag ito sa kita niya at maiwasang mabuwag ang kaniyang

pamilya;

9. Dahil sa magandang loobin ni “Baby”, ako ay nahikayat na ibalik sa

kaniya ang mga kaukulang puwesto at ito ay agad na ipinaubaya kay

Michael sa parehong kasunduan na pagkakailanganin na niya ito ay

kaniyang kukunin. Ang laking tuwa at pasasalamat ni Michael sa

kaniyang “Auntie Vhee” at sa akin. Agad-agad na pinaglagda ni Michael

sina Juanito at ang magkapatid na Sheila at Jocelyn sa isang upahang

kasunduan. Samantala, pinaupahan din ni “Baby” kina Sheila at Jocelyn

‘yong natirang bahagi ng puwesto ni “Ding” na kung tawagin ay “Stall

‘B’”;

10. Lingid kay “Baby”, may isang hindi magandang bagay na ginawa si

Michael sa kaniyang ama. Umuwi sa akin si Domeng at ikinuwento ang

ginawa sa kaniya ni Michael. Parang sinisisi siya ni Michael sa

pagkamatay ng kaniyang ina. Sila ay nagkaroon ng sagutan na umabot

sa pananakit sa kaniya. Kaya nakiusap si Domeng sa akin na dito na

muna tumira sa akin, para maiwasang maulit pa ang nangyari. Nakiusap

din siya na hanggat maari ay huwag ng malaman ni “Baby” ang nangyari

para hindi magalit sa mga anak niya si “Baby”.


11. Bago ako pumayag sa gusto ni “Baby”, nais ko na sanang ikuwento sa

kaniya ang ginawa ni Michael sa kaniyang ama. Subalit, naisip ko na

baka nagbago na ng ugali si Michael.

12. Nitong mga huling buwan, napag-alaman ko kay “Baby” na maliban

doon sa dating puwesto na aking pinapaupahan (Stall “A”), ay

pinaghangaran na rin ni Michael yaong kabilang puwesto na pina-

uupahan niya (Stall “B”) kina Sheila at Jocelyn (TBJ Marketing). Ang

ginawa ni Michael ay pinakialaman ang upa at binigyan pa ng bagong

kontrata si Sheila at Jocelyn na walang pahintulot ang aking kapatid. Dito

napagtanto ko na mali ang aking akala kay Michael at ang kaniyang

ginawa ay pagpapatunay lamang ng kaniyang kawalang hiyaan. Sa

pangyayaring ito, isiniwalat ko na kay “Baby” ang matagal ng lihim

namin tungkol sa pananakit niya sa kaniyang ama na nagging dahilan ng

paglayo ni Domeng sa mga anak niya at pagtira niya sa aking bahay.

13.Napag-alaman ko rin na pinalalabas pa ni Michael na ako at si “Baby” ay

kaniyang “kolektor” lamang. Papaano niya akong magiging “kolektor”

na isang sigaw ko lang ay halos mawala na ang kaniyang kaluluwa. At si

“Baby” na nakatira sa Amerika, papaano niya ito magiging “kolektor” na

sa pamasahe lang kulang pa ang isang taon niyang upa? Ito ay malaking

kasinungalingan at isang tahasang panloloko sa hukoman.


14. Ang salaysay na ito ay aking ginawa para patunayan na ang sinasabi

nina Michael, Sheila, at Jocelyn ay lihis sa katotohanan at sadyang

panlilinlang lamang sa hukoman. Ang aking tatlong kapatid na lalake ay

nakapagpagawa ng puwesto dahil sa perang tulong ng aking bunsong

kapatid na si Mrs. Vhee R. Carrascal sa kasunduang kukunin niya ito

kapag hindi na nila kailangan.

ANG PAGPAPATUNAY sa lahat ng mga isiniwalat at sinalaysay sa itaas, ito ay

aking nilalagdaan ngayon ika ____ng Enero , 2012, dito sa lungsod ng Legazpi.

ADELAIDA DA RIOSA
(Nanunumpa)

NILAGDAAN at SINUMPAAN sa aking harapan sa lunan at petsa na


nabanggit sa itaas.

ATTY. MARIANO B. BARANDA, JR.


(Notaryo Publiko)

Dokumento Blng.______;
Pahina Blng.__________;
Aklat Blng.___________;
Serye ng 2012.

You might also like