You are on page 1of 120

ARALING PANLIPUNAN 5

IKAPITONG LINGGO
JAY CRIS S. MIGUEL
TEACHER I
KALAGAYANG PAMPOLITIKA
SA SINAUNANG LIPUNANG
PILIPINO
KALAGAYANG PAMPOLITIKA SA SINAUNANG LIPUNANG PILIPINO

Tungkulin ng isang pinuno ang


pagpapatupad ng mga kinikilalang
batas sa kanyang nasasakupan.
Ano kaya ang kahalagahan ng batas
sa pag-uugnayan ng mga Pilipino?
KALAGAYANG PAMPOLITIKA SA SINAUNANG LIPUNANG PILIPINO

Dalawa ang uri ng pamahalaan na


umiral sa sinaunang panahon sa
Pilipinas:

barangay
sultanato
PAMAHALAANG BARANGAY
UNANG ARAW
ANG BARANGAY

Lumaganap sa mga
pamayanan sa Luzon at
Visayas ang mga
barangay.
ANG BARANGAY

Ang “barangay” ay salitang halaw sa


“balangay” o “balanghai” na
tumutukoy sa sasakyang pandagat
na ginamit ng mga sinaunang
Pilipinong nanirahan sa mga
kapatagan.
ANG BARANGAY

Ang barangay ay isang yunit


“pampolitika”, “panlipunan”,
at “pangkabuhayan” noong
sinaunang panahon sa
Pilipinas.
ANG BARANGAY

Karaniwang binubuo ng
30 hanggang 100
pamilya ang isang
barangay.
ANG BARANGAY

“Datu” ang tawag


sa pinuno ng
barangay.
ANG BARANGAY

Ang “Datu” ang siyang


kinikilalang pinakamalakas,
pinakamatapang, at
pinakamayamang lalaki sa
barangay.
ANG BARANGAY

Ang “Datu” at ang kaniyang


pamilya ay kabilang sa
pinakamataas na antas ng
lipunan noon.
ANG BARANGAY

Itinuturing ang “datu” bilang


ama ng barangay kaya’t
malawak ang sakop ng
kaniyang katungkulan at
kapangyarihan.
ANG BARANGAY

Nakasalalay sa “datu” ang kapakanan


ng buong barangay kaya’t tungkulin
niyang magpatupad ng mga batas at
ipagtanggol ang kaniyang barangay
laban sa mga kaaway tuwing may
digmaan.
ANG BARANGAY

“Bagani”
ang taguri sa mga
mandirigma ng barangay
noon.
ANG BARANGAY

“Atubang ng datu o agurang”


ang tawag sa lupon ng mga
matatanda at marurunong na
nagbibigay payo sa datu.
ANG BARANGAY

Ang mga batas sa barangay


ay nauuri sa dalawa – ang
“hindi nakasulat” at ang
“nakasulat”.
ANG BARANGAY

Ang mga “hindi nakasulat” na batas


ay batay sa kaugalian at tradisyon.
Nagpasalin-salin ang mga ito sa mga
henerasyon sa pamamagitan ng
pagkukuwento, pangangaral at
patuloy na paggamit.
ANG BARANGAY

Ang mga “nakasulat” na batas ay


ang mga pag-uutos na ginawa ng
datu kasama ang lupon ng
matatanda na nagsisilbing
kaniyang tagapayo.
ANG BARANGAY

Napapaloob sa mga nakasulat na


batas ang mga usapin tungkol sa
diborsiyo, krimen, pagmamay-ari ng
mga ari-arian, parusa sa pagnanakaw,
pagtataksil, pandaraya,
pagsasamantala , at iba pa.
ANG BARANGAY

Matapos mapagtibay ang


mga batas na nakasulat,
ipinagbibigay-alam ang
mga ito sa isang pagtitipon
sa pamamagitan ng
“umalohokan” o
“tagapagbalita”.
ANG BARANGAY

Sa Visayas, ang “umalohokan”


ay isa ring pinunong inihalal
ng mga datu sa tuwing may
malaking away na kailangang
ayusin.
ANG BARANGAY

Ang “umalohokan” ang


inaasahang maglilitis
hanggang sa magkasundo
ang mga nagkaalitan.
ANG BARANGAY

Kapag tapos na ang gulo,


tapos na rin ang trabaho
ng isang “umalohokan”.
ANG BARANGAY

Kapag tapos na ang gulo,


tapos na rin ang trabaho
ng isang “umalohokan”.
ANG BARANGAY

Paano ginagawa
ang paglilitis
noon?
ANG BARANGAY

Ang Datu ang tumatayong


hukom at pinagpapayuhan
siya ng lupon ng mga
marurunong na Agurang.
ANG BARANGAY

Ang mga datu ang


nagbibigay ng hatol sa
mga pagkakasala ng mga
kasapi ng barangay.
ANG BARANGAY

Dumaraan sa proseso
ang pagdinig ng kaso at
paglilitis na ginaganap sa
harap ng madla.
ANG BARANGAY

Ang mga saksi ay


nanunumpa sa harap ng mga
hukom at ito ay itinuturing na
banal o sagrado.
ANG BARANGAY

Sa mga pagkakataong hindi madali


ang pagpapasiya sa isang kaso,
isinasailalim ang mga akusado sa
mga pagsubok sa paniniwalang
kakatigan ng Diyos ang walang sala at
parurusahan ang salarin.
ANG BARANGAY

Ang isang halimbawa ng


pagsubok ay ang pagsisid nang
matagal sa ilalim ng ilog at ang
unang umahon sa tubig ang
ipinahahayag na nagkasala.
ANG BARANGAY

Ang isa pang halimbawa ay ang


pagkuha ng bato sa loob ng
sisidlang may lamang kumukulong
tubig at ang taong hindi gaanong
napaso ang kamay ang
pinawawalang-sala.
ANG BARANGAY

Ang isa pang pagsubok ay


ang paghawak ng kandilang
may sindi at kung sino ang
unang namatayan ng kandila
ay itinuturing na maysala.
ANG BARANGAY

Sa maraming pagkakataon,
ang panig na nakapaghaharap
ng pinakamaraming saksi at
ebidensiya ang siyang
nananalo.
ANG BARANGAY

Sa ibang barangay, ang paglilitis


ay ginagawa sa pamamagitan ng
sibatan o tagaan. Ang matalo sa
labanan ay ipinalalagay na
siyang may sala.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY

Sa kabila ng pagkakaroon ng sariling


pamahalaan ng bawat barangay, sinikap
pa rin ng mga ito na makipag-ugnayan sa
isa’t isa upang palaganapin ang
katahimikan at kapayapaan sa loob at
labas ng barangay.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY

Ang pakikipag-ugnayan sa ibang


barangay ay nakatutulong sa pag-
iwas sa mga digmaan at hindi
pagkakaunawaan, at pagtatatag
ng sistemang pangkalakalan.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY

Hangad ng bawat barangay na


magkaroon ng tiyak na kapalitan
ng mga produkto tulad ng mga
pagkain, damit, o kasangkapan at
tiyak na kaibigan at kaalyado.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY

Ang mga datu sa iba’t ibang


barangay ay
nakikipagkasundo upang
mapanatili ang pagkakaibigan
at mapayapang samahan.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY

Isinasagawa ang isang


seremonyang tinatawag

na sanduguan .
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY

Sa sanduguan, ang mga


kalahok ay naghihiwa nang
kaunti sa kanilang bisig at
pinatutulo ang kanilang dugo
sa isang kopita ng alak.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY

Ang pinaghalong alak at dugo


ay iniinom ng bawat kalahok at
ito ay sagisag ng kanilang
pagkakaugnay sa dugo.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY

“Kumpederasyon”
ang taguri sa
magkasanib na
barangay.
KAHALAGAHAN NG BATAS

Ano ang kahalagahan ng


batas sa pag-uugnayan ng
mga Pilipino?
KAHALAGAHAN NG BATAS

Ang mga batas ang


nagtatakda ng mga dapat
at di-dapat gawin.
KAHALAGAHAN NG BATAS

Ang mga batas ang naging patnubay


ng mga tao sa pakikisalamuha sa
ibang tao sa barangay na kanyang
kinabibilangan at pati na rin sa ibang
barangay.
TANDAAN MO!

Ang mga batas sa barangay


ay nauuri sa dalawa – hindi
nakasulat at nakasulat.
TANDAAN MO!

May kaukulang parusa


ang bawat paglabag sa
batas.
TANDAAN MO!

Ang pagtupad sa batas ay


mahalaga sa maayos na pag-
uugnayan ng mga
mamamayan.
PANGKATANG GAWAIN

Kung ikaw ay isang datu sa isang barangay


noong unang panahon, alin sa mga
sumusunod na batas ang bibigyan mo ng
pinakamalaking panahon para maipatupad
ito? Ipaliwanag kung bakit. Isulat sa
kwaderno ang iyong sagot.
1. Paninilbihan sa datu
2. Pagmamay-ari ng lupa
3. Paggalang sa magulang at matatanda
PAGTATAYA

Isulat ang titik ng


tamang sagot sa
kuwaderno.
PAGTATAYA

1. Ang pagtiyak sa tao o mga taong


dapat bigyan ng parusa dahil sa
paglabag sa batas ng barangay ay
isinasagawa sa pamamagitan ng
paglilitis at ________.
PAGTATAYA

A. pagpapahula
B. pagsasagawa ng seremonya
C. pagsubok
D. paghahandong ng pilak at ginto
PAGTATAYA

2. Ang sanduguan ay isang


seremonyang sumasagisag
sa _________.
PAGTATAYA

A. pakikipagkalakalan
B. pakikipagkaibigan
C. kasaganaan
D. paglilitis ng isang kaso sa
barangay
PAGTATAYA

3. Napararating sa buong
barangay ang mga batas mula
sa datu sa pamamagitan ng
________.
PAGTATAYA

A. Lubluban
B. Agurang
C. Umalahokan
D. Raha
PAGTATAYA

4. Ang iniinom sa isang


sanduguan ay alak at
________ ng mga gumagawa
ng kasunduan.
PAGTATAYA

A. katas ng niyog
B. katas ng kalabaw
C. tubig
D. dugo
PAGTATAYA

5. Alin sa mga sumusunod


ang HINDI layunin ng
pakikipag-ugnayan ng mga
barangay?
PAGTATAYA

A. Pag-iwas sa digmaan
B. Pagpapalitan ng produkto
C. Pagpapalawak ng nasasakupan
D. Pakikipagkaibigan
TAKDANG-ARALIN

Naintindihan mo ba nang mabuti ang


aralin? Kung ganun, isulat ang sagot
sa bawat tanong sa iyong kwaderno.
1. Ano ang pagkakaiba ng batas na di-
nasusulat sa batas na nasusulat?
TAKDANG-ARALIN

2. Ano-ano ang nasasaklawan


ng mga batas sa barangay?
3. Paano ginagawa ang
paglilitis?
TAKDANG-ARALIN

4. Paano ginagawa ang isang


kasunduan?
5. Bakit mahalaga ang batas
sa pag-uugnayan ng mga tao
sa barangay?
PAMAHALAANG
SULTANATO
IKALAWANG ARAW
BALIK-ARAL MUNA TAYO!

Sa nakaraang aralin ay napag-aralan mo


ang tungkol sa pamahalaang barangay
ng mga unang Pilipino. Pagbalik-aralan
mo ang iyong natutuhan sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong sa susunod na slide.
BALIK-ARAL MUNA TAYO!

1. Ang pinuno ng
sinaunang barangay
ay ang __________.
BALIK-ARAL MUNA TAYO!

2. Ang mga barangay


noon ay binubuo ng 30
hanggang __________ na
mag-anak.
BALIK-ARAL MUNA TAYO!

3. Ang namamahala sa
mga gawaing
panrelihiyon ay ang
_________.
BALIK-ARAL MUNA TAYO!

4. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin


ng isang pinuno? Isang kasapi?
a. paggawa ng bahay
b. pagbabayad ng buwis
c. paggawa ng batas
d. pagbibigay ng hatol
e. pakikipagkasundo sa ibang datu
PAMAHALAANG SULTANATO

Ang “sultanato” ay isang


sistema ng pamamahala
na batay sa katuruan ng
Islam.
PAMAHALAANG SULTANATO

Ang “sultan” ang


pinakamataas na
pinuno ng isang
pamahalaang
sultanato.
PAMAHALAANG SULTANATO

Si “Sharif ul-Hashim (Abu


Bakr)” ang nagtatag ng
unang sultanato sa
Pilipinas, partikular sa
Sulu, at tumayo ring
sultan nito.
PAMAHALAANG SULTANATO

Itinatag naman ni
“Sharif Kabungsuan
(Kabungsuwan)” ang
sultanato sa
Mindanao taong
1478.
PAMAHALAANG SULTANATO

Taglay ng isang sultan ang


sumusunod na katangian:
 may angking kayamanan
 mataas na bilang ng mga
tagasunod
PAMAHALAANG SULTANATO

 may mahalagang ambag kaugnay sa


pagpapahalaga ng lipunang Muslim
(halimbawa ng ambag na ito ay ang
pagpapakita ng katapangan at
husay sa pakikidigma)
PAMAHALAANG SULTANATO

Ang tarsila
(salsila) ang
nagsasalaysay sa
pinagmulan ng lahi
ng mga sultan.
PAMAHALAANG SULTANATO

Mga tungkulin ng isang sultan:


 pananagutan ng isang sultan ang
kapakanan ng kaniyang mga
nasasakupan- sa panahon man
ng kapayapaan o ng digmaan
PAMAHALAANG SULTANATO

Mga tungkulin ng isang sultan:


 ang sultan ang siyang nagtatakda
at nagpapatupad ng mga batas
sa isang sultanato
PAMAHALAANG SULTANATO

Katulong ng sultan sa pagpapatupad


ng batas ang “ruma bichara” na
nagsisilbing tagapayo na binubuo ng
mga makapangyarihan at mayayamang
pinuno sa pamayananang nasasakupan
ng sultanato
PAMAHALAANG SULTANATO

Mga tungkulin ng isang sultan:


 ang sultan din ang nagsisilbing
hukom sa paglilitis sa mga
paglabag sa batas
PAMAHALAANG SULTANATO

Mga tungkulin ng isang sultan:


 ang sultan din ang tumatayong
kinatawan ng kaniyang mga
nasasakupan sa ano mang
pakikipag-ugnayan ng sultanato
PAMAHALAANG SULTANATO

Mga tungkulin ng isang sultan:


 ang sultan din ang
tagapagtanggol ng kaniyang mga
nasasakupan at tagapagturo ng
mga aral ng Islam
DAGDAG KAALAMAN!

“Shari’ah” ang kalipunan


ng mga kautusan sa
pamahalaang sultanato.
DAGDAG KAALAMAN!

“Adat” ang tawag sa mga


kinaugaliang batas sa
pamahalaang sultanato.
DAGDAG KAALAMAN!

Ang “kadi” ay isang tao na


nagpapaliwanag ng tunay na
kahulugan ng Koran at tinitiyak
niya na hindi labag sa aral ng
Islam ang mga batas.
DAGDAG KAALAMAN!

Ang “pandita” ang


tumutulong sa sultan sa
pagpapalaganap ng
Islam.
DAGDAG KAALAMAN!

Ang “ulama” ay iskolar ng


relihiyon at nagbibigay
payo sa sultan ukol sa
relihiyon.
DAGDAG KAALAMAN!

Ang “panglima” ay mga pinunong


tagapaganap ng Sultan o
tagapagpatupad ng mga batas na
pinagtibay na sa mga masjid o distrito.
Sila ang may kapangyarihang maningil
ng buwis.
THINK-PAIR-SHARE!

Ihambing ang pamahalaang


sultanato sa pamahalaang
barangay sa pamamagitan ng
Venn diagram na nasa
susunod na slide.
THINK-PAIR-SHARE!
PAMAHALAANG PAMAHALAANG
BARANGAY SULTANATO
PAGTATAYA

Panuto: Kilalanin ang mga taguring


inilalarawan na may kaugnayan sa sistema
ng pamahalaan ng mga unang Pilipino.
Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon na
nasa susunod na slide.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

1. Ang tagapangasiwa
ng sultan sa mga
barangay.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

2. Binubuo ito ng
30-100 pamilya.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

3. Ang tagapagbalita ng
mga batas na nagagawa
ng konseho.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

4. Ang taguri sa
magkasanib na
barangay.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

5. Siya ang pinuno


ng sultanato.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

6. Kauna-unahang
sultan ng Sulu.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

7. Siya ang lider


ng barangay.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

8. Ang tagapayo
ng sultan.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

9. Ang taguri sa mga


mandirigma ng
barangay noon.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

10. Ang tagapayo


ng datu.
PAGTATAYA
TAKDANG-ARALIN
Isulat ang sagot sa mga sumusunod
na tanong sa iyong kuwaderno.
1. Bilang mag-aaral, ikaw ba ay
nakikipag-ugnayan sa inyong
barangay? Paano mo isinasagawa
ang pakikipag-ugnayan?
TAKDANG-ARALIN

2. Kung ikaw ay isang pinuno,


paano mo ipapakita sa iyong
mga kasapi at sa ibang mga
pinuno na matapat ka sa iyong
tungkulin?
TAKDANG-ARALIN

3. Sa iyong palagay, mas mabisa


ba ang pamamahala sa
sultanato kaysa sa inyong
barangay sa kasalukuyan?
Bakit?

You might also like