You are on page 1of 28

ARALING

PANLIPUNAN
Name of Teacher
Panimulang
Panalangin
Sa gitna ng Pandemya
Mahal naming Panginoon,
Salamat po sa panibagong
araw na ito.
Salamat po sa pagkakataong
kami ay matuto sa sa kabila
ng kinakaharap namin na
pandemya.
Salamat po sa pag-gabay sa
amin
at sa aming mga mahal sa
buhay.
Patuloy po ninyo kaming
ingatan
ganun din ang aming pamilya.
Iligtas po ninyo sa
kapahamakan
ang aming mga kamag-aral at
guro.
Gabayan po ninyo ang aming
mga isipan
upang maunawaan ng lubos
ang aming mga aralin.
Dalangin po namin na
malampasan ang mga
pagsubok na ito.
AMEN.
ANG BATAS AT
KABABAIHAN SA
SINAUNANG LIPUNAN
Maharlika
TIMAWA
ALIPIN
KABABAIHAN SA SINAUNANG
LIPUNANG PILIPINO
Mataas ang pagpapahalaga ng sinaunang lipunang Pilipino sa
kababaihan. Bukod sa katungkulan bilang ina at
tagapangalaga sa pamilya, may mahalagang bahagi rin silang
ginagampanan sa lipunan.

Ang babaylan ang nagtatakda noon kung kailan dapat


simulan ang paghahawan ng kagubatan at kung kailan
magsisimula ang pagtatanim.

Kababaihan din ang nagsisilbing mga espiritwal na pinuno


sa sinaunang lipunang Pilipino
 katalonan (sa mga Tagalog)
 babaylan (sa mga Bisaya)
KABABAIHAN SA SINAUNANG
LIPUNANG PILIPINO

• Tungkulin ng katalonan at babaylan

• Nagsilbi silang tulay sa pagitan ng mga tao at ng mga


diyos at diyosa at tagapamagitan upang makausap ng
mga nabubuhay ang mga yumao

• Idinulog din sa mga katalonan at babaylan ang mga


karamdaman-pisikal man o supernatural.
KABABAIHAN SA SINAUNANG
LIPUNANG PILIPINO

Iba pang karapatan ng mga kababaihan

• pagmamay-ari at pagmamana ng mga ari-arian


• Pakikipagkalakalan
• pagiging datu kung walang lalaking magmamana ng
katungkulang ito
• pamimili ng mapapangasawa, pakikipagdiborsiyo sa asawa,
at muling pag-aasawa
• pagpapangalan ng anak.
PAGGAWA AT PAGPAPATUPAD NG
BATAS
• Ang batas ay maaaring nasusulat o nagpasalin - salin
lamang sa bibig ng mga tao mula sa mga naunang
henerasyon.
• Ang mga nasusulat na batas ay ginagawa ng datu sa
tulong ng isang konseho ng mga nakatatanda.
• Ang umalohokan o taga-pagbalita ay lumilibot sa buong
barangay upang maiparating sa mga tao ang isang bagong
batas na napagtibay.
• Ang isa sa mga batas na nasulat ay ang Luwaran ng mga
Muslim. Ang mga hindi naman nasusulat ay karaniwang
bunga ng tradisyon at kaugaliang mahigpit na
ipinatutupad sa barangay.
PAGGAWA AT PAGPAPATUPAD NG
BATAS

Isang paraan ng paglilitis sa mga Pilipinong nagkasala noon.


PAGGAWA AT PAGPAPATUPAD NG
BATAS
• Ang paglilitis ng mga Ifugao sa Hilagang Luzon ay
ginagawa sa pamamagitan ng duwelong tinatawag na
bultong at alaw. Ito ay labanan ng dalawang taong nililitis
at ang sinumang mamamatay o masusugatan ang siyang
ipinagpapalagay na may kasalanan at ito na ang kanyang
itinuturing na kaparusahan
• Napakahalaga ng batas sa pag-uugnayan ng ating mga
ninuno noon sapagkat dito umiikot ang buhay ng mga tao.
• Ito ang nagsisilbing patnubay sa pakikipag-ugnayan ng
mga tao at barangay sa isa’t isa.
MGA KAHALAGAHAN NG BATAS

• Naaayos ang mga alitan ng ibat-ibang barangay kaya


nagkakaroon ng kapayapaan.
• Nakatutulong ang batas sa pagpaparusa ng kamatayan .
• Nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang ibat-ibang barangay .
• Nakakatulong ang mga batas sa higit na pag-uugnayan
sapagkat kung may hidwaan ay nalulunasan ito sa
pamamagitan ng mga itinakdang alituntunin .
• Nagkakasundo ang bawat pamilyang kabilang sa barangay
MGA BATAS SA BARANGAY

• Upang pagpasyahan ang gagawin sa isang kaso, ang mga


sumusunod ay ginagawa ng datu:
• 1. tinatawag ang dalwang panig sa kaso at kapwa hihikayating
magkasundo
• 2. kapag ayaw magkasundo, pinaghaharap sila ng kani-kanilang
testigo
• 3. ang mga testigo ay manunumpang sasang-ayon sa anumang
pasyang ibibigay at siya ay masusuing tinatanong.
• 4. kapag napatunayang nagkasala ang nasasakdal, hinahatulan
kaagad ito ng kaparusahan.
PARAAN NG PAGLILITIS
SANDUGUAN
KUMPEDERASYON NG MGA BARANGAY

• Ang bawat barangay noon ay may katangian ng isang ganap


na estado, tulad ng teritoryo, mga tao, pamahalaan at
kalayaan.
• Pangunahing dahilan ng mga kumpederasyon ng barangay ay
pakikipagkalakalan at pagpapalakas ng pwersa sa
pakikidigma.
• Isinasagawa ang sanduguan pagkatapos ng pagpupulong.
• Ang mga nakikibahagi sa sanduguan ay nangangakong
magiging tapat sa simulaing pinag-ugnayan ng kanilang
barangay.
• Ito ang hudyat ng kanilang pagiging magkaibigan at saksi sa
lahat ng ito ang mga dumalo sa okasyon.
PANGKATANG GAWAIN
• Pangkat I. Dula-dulaan
• Magpakita ng isang palabas kung paano pahalagahan ang mga
batas sa pag-uugnay na mga Pilipino .
• Pangkat II. Awit o Tula
• Lumikha ng awit o tula kung ano ang kahalagahan ng mga
batas sa pag-uugnya ng mga Pilipino .

• Pangkat III. Poster Making


• Gumawa ng poster na nagpapakita kung ano ang kahalagahan
ng batas sa pag-uugnay ng mga Pilipino .
• Pangkat IV. Semantic Web
• Magtala ng mga kahalagahan ng batas sa pag uugnay ng mga
Pilipino .
ISULAT ANG “K” KUNG ANG PANGUNGUSAP AY
NAGPAPAKITA NG KAHALAGAHAN NG BATAS AT “DK” KUNG
DI-NAGPAPAKITA NG KAHALAGAHAN NG BATAS .

______1.Naaayos ang alitan ng ibat-ibang barangay kaya


nagkakaroon ng kapayapaan
______2.Nakakatulong ang mga batas sa pagpaparusa ng mga
nagkakasala.
______3.Nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang ibat-ibang
barangay .
______4.Nakatutulong ang mga batas sa higit na pag-
uugnayan sapagkat kung may hidwaan ay nalulunasan ito sa
pamamagitan ng itinakdang alitunturan.
______5.Nagbibigay daan ang mga batas sa pagkakawatak
watak ng mga Pilipino .

You might also like