You are on page 1of 81

MGA GAWAING

PANGKOMUNIKASYON
NG PILIPINO
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON
Ano ang paraan ng komunikasyon ng mga
Pilipino?
KOMUNIKASYON

▪ Nagbibigay buhay at nagpapadaloy sa ugnayan


ng mga tao habang hinuhulma nila ang kanilang
lipunan at habang hinuhulma rin sila nito.
▪ Ayon kay Salazar (1996) , kabuuan ng isip,
damdamin , gawi, kaalaman at karanasan ang
nagtatakda ng maaangking kakanyahan ng isang
lipunan ng tao.
▪ Ang wika ang daluyan, tagapagpahayag at
impokan-kuhanan ng isang kultura na umiiral at
nakakahugis sa proseso ng komunikasyon ng mga
taong patuloy ang pakikipag-ugnayan at
pakikisalamuha sa isa’t isa . (Salazar, 1996)
▪ Sa interkultural na komunikasyon sa pagitan
ng mga Pilipino at ng mga dayuhan , hindi
kataka-taka kung bakit ang kulturang panloob
ay hindi madaling maunawaan ng mga bagong
salta sa Pilipinas kahit pa ang ating kulturang
panlabas ay madali nilang masakyan lalo na sa
unang tingin . (Maggay, 2002)
TSISMISAN: Istoryahan ng Buhay
–Buhay ng mga Kababayan
▪ Sa karaniwang diskurso , ang tsismisan ay
itinuturing na isang pagbabahaginan ng
impormasyong ang katotohanan ay tiyak.
▪ Ito ay isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng
dalawa o higit pang magkakilala o
makapagpalagayang loob.
▪ Ang tsismis ay maaaring totoo, bahagyang totoo,
binaluktot na katotohanan, dinagdagan o
binawasang katotohanan, sariling interpretasyon
sa nakita o maaaring haka-haka , sadyang
di-totoo, o inimbentong kuwento .
TATLONG URI NG PINAGMULAN
NG TSISMIS
1. Obserbasyon ng unang tao o grupong
nakakita o nakarining sa itsinitsismis.
2. Imbentong pahayag ng isang naglalayong
makapanirang-puri sa kapuwa.
3. Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o
nanlilinlang sa isang grupo o sa madla .
TSISMIS
▪ Kapag may usok , malamang may apoy.
▪ Ang intriga ay isang uri ng tsismis na nakasisira
sa reputasyon o pagkakaibigan .
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

TSISMISAN
• Ang gossiper ay • Ang tsismosa ay kilala
tumutukoy lamang sa tao bilang sinungaling at
na mahilig mapag-imbento ng
makipagkwentuhan o kwento.
magkalat ng sikreto ng
iba.
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

TSISMISAN vs. KATOTOHANAN


MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

TSISMISAN vs. KATOTOHANAN


• Mas pinipili ng mga Pilipino ang mga
tsismis kaysa sa katotohanan.

• Marami pa rin ang naniniwala sa mga


‘alternative facts’.
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

TSISMISAN vs. KATOTOHANAN


• Kakaonti lamang ang mga tao na nagtatanong
ng totoong nangyari sa taong pinag-uusapan,
at mas kakaonti pa ang mga tao na sumusubok
na tingnan kung tama ang impormasyon na
kanilang nasasagap.
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

TSISMISAN vs. KATOTOHANAN

• Ang madalas na paggamit


ng social media ay
nagdulot ng malawakang
pagkalat ng mga pekeng
balita at tsismis sa bansa.
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

TSISMISAN vs. KATOTOHANAN


•Ang mga tsismis na
naglalayong makasakit
ng tao at nakahahamak
ng dignidad ay
itinuturing na
paninirang-puri.
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

TSISMISAN vs. KATOTOHANAN


• May mga legal na aksyon
na maaaring gawin upang
labanan ito at ipagtanggol
ang sarili gaya ng
pagsampa ng kasong libel
o slander.
UMPUKAN: USAPAN , KATUWAAN , AT IBA PA
SA MAPALITANG SALAMUHAN
Ang mga nagiging kalahok sa umpukan
ay iyong mga kusang lumapit para
makiumpok, mga di-sadyang
nagkalapit-lapit.
• Kagaya sa tsismisan, walang tiyak o planadong daloy
ang pag-uusap sa umpukan.
• Ang umpukan ay puwedeng dumako rin sa
seryosong talakayan, mainit na pagtatalo, masayang
biruan, malokong kantiyawan.
Isa pang halimbawa ng umpukan ay ang pakikipagtalo o debate, na maaaring kaswal na
usapan lamang, o maaari rin namang pormal na pakikipagtalo.
• Madalas matampok sa telebisyon at sa diyaryo ang umpukan
ng mga magkakaalyadong senador at kongresista. Minsan, sa
umpukan din humihingi ng pasensiya ang mga mambabatas na
nagkainitan habang matinding nagbabalitaktakan dahil sa
magkakaibang pananaw sa mga isyu at prosesong may
kinalaman sa paggawa ng batas.
SALAMYAAN

• isang silungan kung saan ang mga Marikeño, partikular ang


mga matatanda, ay nagsasama-sama upang
magkuwentuhan, magkainan at maglibang
• upuan o pahingahan
• may mahabang mesa na gawa sa kawayan at makikitid na
upuang kahoy na tinatawag na tarima

(Petras, 2010)
UB-UFON

• madalas itong ginagawa sa isang itinakdang lugar, ng


pagsasama-sama ng mga magkapit-bahay para:

▪ magpakilala, ▪ magturo ng mga tradisyon sa


▪ mag-usap hinggil sa iba’t ibang nakababata,
isyu, ▪ mag-imbita sa mga okasyon, at
▪ magbigayan ng payo, ▪ magtulungan sa mga problema
▪ magresolba ng mga alitan, kagaya ng pinansiyal na
pangangailangan

(Protectan, 2012)
TALAKAYAN:
MASINSINANG PALITAN
AT TALABAN NG
KAALAMAN
Talakayan

▪ Pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa, o


higit pang kalahok na nakatuon sa tukoy na
paksa.
▪ Dalawang Uri;
▪ -Pormal o Impormal
▪ -Harapan o mediated
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

URI NG TALAKAYAN
• IMPORMAL NA TALAKAYAN

Ito ay malayang pagpapalitan ng kuru-kuro


hinggil sa isang paksa at walang pormal na
mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng
lima hanggang sampung katao.
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

URI NG TALAKAYAN

•PORMAL NA TALAKAYAN

Nakabatay sa tiyak na mga hakbang, may


tiyak na mga taong mamamahala a
mamumuno ng talakay. Nakahanda ang mga
sa kanilang paglalahad, pagmamatuwid o
pagbibigay ng kuro-kuro.
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

URI NG PORMAL TALAKAYAN


•PANEL DISCUSSION
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

URI NG PORMAL TALAKAYAN


•SIMPOSYUM (SYMPOSIUM)
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

URI NG PORMAL TALAKAYAN


•PANAYAM (LECTURE FORUM)
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON
Bakit kailangan ng tao na makipagtalakayan?

Ang talakayan ay isang paraan upang ang


katotohanan ay mapatunayan at mapanatili sa
pamamagitan ng mga katanggap-tanggap na basehan
at katibayan kung saan ito ay nararapat na ibabahagi
ng buong katapatan at katapangan ng bawat panig at
katunggali.
Layon ng talakayan

▪ Pagbusisi sa isyu ng mga tao.


▪ Magkaroon ng linaw.
▪ Maresolba ang problema
▪ Makagawa ng aksyon.
Lipunang Pilipino

▪ Madalas mangyari ang harapan kaysa


mediated na talakayan.
▪ Makikapuwa at Malaki ang ang
pagpapahalaga sa kapuwa.
Mga bentahe ng mediated na wala
sa harapan
▪ Naiigpawan nito ang hadlang sa distansya.
▪ Maraming makakaalam
▪ Midyang pangkomunidad ay mainam gamitin
sa mga talakayan hinggil sa mga gawaing
pangkaunlaran at nakatuon sa mga tukoy na
pamayanan at may dulog na partisipatori.
PAGBABAHAY-BAHAY:
PAKIKIPAGKAPWA SA KANYANG
TAHANA’T KALIGIRAN
▪ Pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa mga
bahay sa isang pamayanan para maghatid ng
mahalagang impormasyon, magturo ng isang
teknolohiya, kumonsulta sa mga miyembro ng
pamilya hinggil sa isyu o programa, mangumbinsi
sa pagsali sa isang paligsahan o samahan, o
manghimok na tumangkilik sa isang produkto,
kaisipan, Gawain o adbokasya.
▪ Mainam itong pamamaraan para pagusapan ang
mga sensitibong isyu sa isang pamayanan.
▪ Ang pagbabahay-bahay ay di nalalayo sa kaugalian
ng pangangapitbahayna matagal ng ginagawa ng
mga Pilipino, lalo na sa mg lugar na rural.
▪ Sa mga pamilya na magkakalipit ang bahay, ang
pangangapitbahay ay nakapagpapalalim ng
pagkakakilala at nakapagpapatatag ng samahan sa
mga mamamayan ng isang komunidad.
▪ Dito nagaganap ang kumustahan o usisaan sa buhay
ng bawat isa, bahaginan ng iniisip at saloobin,
hingian o palitan ng mga material na bagay, lalo na
ng mga sangkap sa pagluluto at iba pang gawain sa
bahay, at maging tsismisan o umpukan.
▪ Ang pagbabahay-bahay ay madalas
isinasagawa ng mga kinatawan ng ahensya ng
pamahalaan, pribadong institusyon, o
nongovernment organization namay tiyak na
layong panlipunan na nangangailangan ng
kontribusyon, pakikiisa at pakikipagtulungan
ng mga residente ng isang komunidad.
Kasama sa mga gumagamit ng pagbabahay-bahay at
ilang halimbawa ng kanilang layon ang sumusunod:

▪ Mga pulitiko para mangampanya tuwing eleksyon


▪ Mga nahalal ng lider o kinatawan
▪ Mga kinatawan ng ahensya ng gobyerno
▪ Mga organisadong grupo sa loob at labas ng
pamayanan
▪ Mga grupong pangrelihiyon na
▪ Mga pribadong institiusyon
▪ Mga mananaliksik
▪ Ang pagbabahay-bahay ay isa ring estratehiya ng
mga boluntir ng UPLB upang maengganyo ang mga
magsasaka na makilahok at ipagpatuloy ang
paglahok sa mga programang pangkaunlaran.
▪ Ang kainaman ng pagbabahay-bahay ay ang harapan
at impormal na dulog nito sa pakikisalamuhang may
tiyak na layon. Akma ito sa kulturang Pilipino dahil
sanay tayo sa personal at impormal na interaksyon.
▪ Subalit limitado ang bilang ng mapupuntahan sa
isang araw sa pagbabahay-bahay, lalo na sa mga
lugar kung saan malalayo ang agwat sa pagitan ng
mga bahay.
PULONG BAYAN:
MARUBDOB NA USAPANG
PAMPAMAYANAN
▪ Pagtitipon ng isang grupo ng mga
mamamayan sa itinakdang oras at lunan
upang pag-usapan nang masinsinan at
pagdesisyonan kung maaari ang mga isyu,
kabahalaan, problema, programa at iba
pang usaping pangpamayanan
▪ Isinasagawa kapag may mga programang
pinaplano o isasakatuparan, may mga
problemang kailangang lutasin at may mga
batas na ipapatupad sa isang komunidad.
MGA KALAHOK

▪ Kinatawan ng mga pamayanan


▪ Mga ulo ng kinatawan ng pamilya
▪ Residenteng apektado ng paksang
pag-uusapan o interesadong makisangkot
sa usapin
LAYUNIN NG PULONG BAYAN

▪ Pagkonsulta sa mga mamamayan


▪ Paghimok sa kanila na sumuporta o sumama
▪ Pagpaplano kasama sila
▪ Paggawa ng isang desisyon na binalangkas nila
▪ Pagmomobilisa sa kanila hinggil sa isangg isyu
▪ Problema, Gawain o programang panlipunan, atbp.
NAGPAPATAWAG NG
PULONG-BAYAN
▪ Halal na lider
▪ Bokal
▪ Konsehal
▪ Punong-bayan
▪ Gobernador
▪ Kongresman
▪ Senador
Komunikasyong
Di-berbal:
Pagpapahiwatigan sa Mayamang
Kalinangan
Ito ay paraan ng pagbabatid
ng kahulugan o mensahe sa
pamamagitan ng
samot-saring bagay maliban
sa mga salita.
Hitik ang
kulturang Pilipino
sa
komunikasyong
di-berbal na
maoobserbahan
sa mga taong
kalahok sa
pakikisalamuha –
mula sa mga
bahagi ng
katawan ng mga
kalahok
hanggang sa
Halimbawa
Paggalaw ng isang Kombinasyon ng mga Panahon ng
bahagi ng katawan galaw pagsasalamuha

KapaligiranKasuotan o borloloy Kulay


Kahulugan ng galaw nga mga bahagi ng
katawan

•Panlalaki ng mata
•Pagtaas ng isang kilay

Pagkunot ng noo
Kahulugan ng galaw nga mga bahagi ng
katawan

•Pagnguso
•Pagkagat ng labi

Pag-umang ng
nakakuyom na kamao
Kahulugan ng galaw nga mga bahagi ng
katawan

•Pagngisi
•Pagkibit ng balikat

Pagkuyakoy ng mga
hita
Bukod sa galaw,
ang katangian at
ayos ng ilang
bahagi ng
katawan ay mga
di-berbal na
ipinapakahulugan
din sa kulturang
Pilipino.
Gayundin, mababanaag ang pahiwatig
sa magkakasama at makakasabay na
galaw ng mga bahagi ng katawan tulad ng
sobrang pagngangalit na karaniwa’y
namamalas sa pinagsama-samang
pagkunot ng noo, panlilisik ng mata,
pagsasalubong ng kilay, panginginig ng
katawan, at pagkuyumos ng kamao.
Kapag
MINADALI ng isang
kalahok ang
interaksyon,
maaaring siya ay
marami pang
gagawin, may iba
pang pupuntahan
o umiiwas sa
kausap.
Kapag
NAGTAGAL ang
interaksyon,
maaaring
nasisiyahan ang
mga kalahok,
matagal hindi
nagkita,
maraming
napagkuwentuha
n, o maraming
bakanteng oras.
Ang lugar at kaligiran ng aksiyon at
interaksiyon ay nakakaambag din sa
pagpapakahulugan sa mga di-berbal na
pahiwatig.
Ang iba’t
ibang piraso
ng kasuotan
ay
nagbibigay
rin ng
iba’t-ibang
pahiwatig, sa
parehong
katutubo o
modernong
May
ikinakabit na
pagpapakahu
lugang
kaugnay ng
emosyon sa
kulay ng
damit.
Pula – may
kaarawan

May
inaasahang
uri ng
pananamit
sa isang
Sa usapin ng espasyo, malawak na sa
kanluran ang pag-aaral sa gamit ng
epasyo sa komunikasyon na tinatawag
ni Edward Hall na proxemics.

Subalit hindi natin basta-basta maipapasok


ang kagawian natin sa mga napag-alaman
na proxemics sa sa ibang bansa dahil
magkakaiba ang mga kultura.
Maraming
simbolo ang
kulay sa mga
Pilipino, mula sa
kulay ng mga
personal na
bagay hanggang
sa
pagkakakilanlan.
MGA
EKSPRESYONG
LOKAL:

Tanda ng Matingkad, Masigla at Makulay


na Ugnaya’t Kuwentuhan
▪ Ang mga ekspresyong lokal ay mga
salita o pariralang nasasambit ng mga
Pilipino dahil sa bugso ng damdamin
kagaya ng galit, yamot, gulat,
pagkabigla, pagkataranta, takot,
dismaya, tuwa o galak.
▪ May mga ekspresyon din ng pagbati,
pagpapasalamat o pagpapaalam sa
iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
▪ Sa talastasang Pilipino, ang mga local
na ekspresyon ang nagpapaigting at
nagbibigay-kulay at sumasalamin, sa
kamalayan at damdamin ng mga
Pilipino.
▪ Sabi nga ni Walter Fisher, ang tao ay
isang makuwentong nilalang at
anumang anyo ng komunikasyon ng
mga tao ay dapat tingnan bilang
naratibo o kuwento.
(Griffin,2012,p.308).
▪ Ang buhay ay mga kuwento at
kuwento ay tungkol sa mga
buhay. Ang buhay ng mga Pilipino
ay mga kuwentong nakalapat at
sumasalamin sa kasaysayan,
kultura, ekonomiya, pulitika, at
kaligiran ng lipunang Pilipino.
Bahagi ng mga kuwentong ito ang
mga local na ekspresyon.
▪ Sa Timog Katagalugan at iba pang mga
rehiyon, halimbawa ng mga palasak na
ekspresyon ang
▪ “Nakupo!” at “susmaryosep!” – dahil sa
pagkagulat, pagkabagabag o pag-aalala
▪ “Ewan!” at “Ewan sa’yo” – kawalan ng
tiyak na sagot, sadyang pag-iwas na
makapagbitw ng mga salitang posibleng
makasakit
▪ “Isa” –pagbabanta para mahinto o
masimulan ang isang ginagawa.
▪ Ang mga ekspresyong ito ay may kaakibat
na paralengguwahe : diin, lakas o tinig ng
boses, bilis o hina ng pagkakasabi ng
isang kataga o salita
▪ “Nakupo” “Inakupo” “Naykupo” at
“Naku” – nanggaling sa “Inay ko (po)” –
nagpapahiwatig ng paghingi ng tulong o
saklolo sa isang ina
▪ Malaki ang implikasyon ng ekspresyong ito
sa pagpapatunay ng matingkad na papel ng
kababaihan sa lipunang Pilipino.
▪ “Dyusko” at “Susmaryosep” – may bahid ng
Katolisismo na ipinakilala sa mga Pilipino sa
panahon ng kanilang pananakop sa Pilipinas

▪ “Ano ba yan!” sa Tagalog at “Anya metten”


sa Ilocano – maaaring pagkadismaya,
pagkainis o pang-uuyam.
▪ Ilocano
▪ “Alla!” – nagulat, nasorpresa o namangha
▪ “Gemas” – nasarapan
▪ “Agpanglaing sa met!” - nayabangan
▪ Kabikulan
▪ “Iyo man sana”- nagpapahayag ng
pagtatapos o hangganan ng sinabi
▪ “Dios mabalos” – pasasalamat o “Diyos na
ang magbabalik sa iyong kabutihang loob”
▪ “Garo ka man” – nagpapahiwatig ng
pagkadismaya o pagkayamot
▪ “Inda ka saimo” - “Ewan ko sayo!”
▪ “masimut o lintian” – kapag ang isang
Bikolano ay galit
▪ Kabisayaan
▪ “Ay tsada!” – naobserbahang bagay, lugar
o pangyayari ay nakalulugod, ayos sa
paningin. Cool sa Ingles
▪ “Samok ka!” – magulo ka!, sa mga
maliligalig, magugulo o nakakaabala
▪ “paghilum” - manahimik/ Tumigil ka!
Para sa mga maingay
▪ “Gabaan/ magabaan ra ka!” –
pagbabanta ng kaparusahan o
kapahamakan sa nakasakit,
▪ Mapapansing sa maraming panig ng Pilipinas, ang
Diyos ay madalas kasangkot sa mga ekspresyon ng
pagpapasalamat. Ito rin ay nagpapakita ng impluensya
sa mga Espanyol sa kamalayan ng mga Pilipino.
▪ Sa pangkalahatan, malinaw na sinasalamin ng ilang
ekspresyon ng mga Pilipino ang pananampalataya sa
isang Maykapal. Gayundin, mababanaag sa ibang
ekspresyon ang malalim na pagpapahalaga sa
kababaihan.
▪ Dahil tigib ng mga indirektang pahiwatig ang
talastasang Pilipino, ang kahulugan ng marami sa
mga local na ekspresyon ay hindi literal. Ito ay
nakadepende sa iba’t ibang konteksto ng pag-uusap.
▪ Di-tuwiran din ang pagpapahayag ng
ekspresyon ng mga biro at pagpapatotoo
kaya mayroon tayong birong totoo, birong
may halong ilang hibla ng katotohanan at
birong halos walang katotohanan.
▪ “joke lang” at “charot” – echos at
charing,
IBA PANG KAGAWIAN:
PAG-UNAWA SA HITIK NA
KALINANGAN
Mga Gawain

▪ Pagbati ng mga Pilipino;


- Berbal – pagsasabi ng “Magandang ( umaga,
tanghali, hapon, gabi o araw)”.
- Di-berbal – gamit ang mga ekspresyon (
pagtango o pagtungo, pagtaas o pagkaway ng
isang kamay) na sinasabayan pa ng “Uy” o
“Kamusta.” Pag-aapir o nagkakamay.
▪ Ang pag-iwas sa nakasalubong naman ay
nagpapahiwatig ng tampuhan o pag-aaway.
▪ Pag-aalok ng pagkain.
Mga Gawain

▪ Kwento sa kainan.
▪ Sa ating kultura, ang madamot ay hindi
kagiliwan.
▪ Pagkakaiba ng isa at dalawa o higit pang beses
na pag-aalok.
- kapag isang beses, walang kasiguraduhan
kung gusto talaga ibahagi ang inaalok.
- kapag dalawang beses o higit pa, sigurado
raw na gusting mamigay ng pagkain.
Mga Gawaing
Pang-Komunikasyon
▪ Katutubong praktis kagaya ng pukkaw.
▪ Ang pukkaw ay nangangahulugang pasigaw o pagtawag na
isang katutubong praktis ng mga Tingguian sa Tubo, Abra sa
pamamahagi ng impormasyon na nagmula pa sa mga ninuno
nila nan nagtatalaga ng isang taong (manpukkaw) magsisilbing
tagasigaw ng anusiyo sa komunidad.
▪ Manpukkaw- pinili ng konseho at nararapat na malakas ang
boses, matalas na memorya, mapagkakatiwalaan, responsible,
at magalang.
▪ Madalas na mensahe ay ang mga pagpupulong,
ambon(nawawalang tao o hayop), saep(pangngisda sa ilog),
payas( bayanihan sa irigasyon), ganap (bayanihan sa
pangkalahatan), at billete (kasal).
Komunikasyon at Wikang
Filipino:
Magkatahing Puwersa at
Pag-uuganayan,
Pagkakaunawaan, at
Kaunlaran
▪ Ang pag-iral ng iba’t ibang gawing komunikasyon ay
tanda ng mayamang tradisyon.
▪ Walang nag-iisa o natatanging kagawian na
pinakamainam sa lahat dahil lahat ay may silbi sa
kulturang Pilipino.
▪ Ugnayan ng tsismis at umpukan, seryoso at
malimang usapan ukol sa isyu, personal at impormal
na katangian ng pagbahay-bahay, simbolik na
kahulugan sa di-berbal na komunikasyon at ang
makulay na ekspresyong local na nakaugat sa ating
kaakuan at pagkakilanlan.
▪ Ang mga gawing pangkomunikasyon ay nakatahi sa
ating mga katutubong wika.
▪ Bihirang-bihira ang nagsasalita ng purong Ingles sa
tsismisan at umpukan.
▪ Sinasalamin ng wika ang “mga bagay na
pinapahalagahan ng isang kultura.”
▪ Malaki ang potensiyal ng sarilu nating gawing
pangkomunikasyon at sariling wika sa iskolarsyip at
praktika ng iba’t ibang larangan.
▪ Kailangang ilapat ang mga pamamaraan ng intruksyon sa
kultura ng lipunan, habang patuloy na nag-iimmprobisa
ng mga mapanlahok at mapanlikhang lapit at pananaw
sa pagtuturo.
▪ Sa mga pagkakulong sa mga teorya at konsepting
banyaga sa pagpapaliwanag sa kaisipan, damdamin at
kaugalian sa pakikipag-ugnayan, nagiging “baluktot” ang
pagkaunawa sa sarili.
▪ Ang pagtulong sa larangan ng agrikultura.
▪ Madalang isaalang-alang ang mas impormal,
praktikal, at experiential ng mga pamamaraan na
kagaya ng umpukan, pagdalaw sa sakahan,
demonstrasyon at partisipatoring talakayan.
▪ Tunay na mainam na ikonsidera sa pormal at
di-pormal na edukasyon ang mga gawing pang
komunikasyon na tatak Pilipino at pambansang wika
upang mas maging matatag ang ugnayan ng mga
iskolar at masa. Sa gayon ang edukadong Pilipino ay
hindi malalayo sa knaiyang bayan.
▪ Kailangann ding gamitin ang sariling wika sa pag-aaral
ng lipunang Pilipino dahil ang wika ang
kinapapalooban at kumakatawan sa kultura.

You might also like