You are on page 1of 2

1.

Ano-ano ang matitingkad na pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng tsismisan,umpukan,talakayan,pulong-


bayan, at pagbabahay-bahay sa isa’t isa ?

Ang mga gawaing pangkomunikasyon ay mga pamamaraan upang mapanatili ang relasyon at
matatag na samahan ng bawat mamamayan ng nagsasalaysay sa kanilang iba’t-ibang pananaw at ideya.
Ngunit ang bawat isa nito ay may iba’t-ibang pagkakaiba at pagkakatulad na kinakailangang malaman
upang lumalim ang ating pagkaintindi o pag-unawa sa ating sariling mga yaman.

Ang tsismis ay ang hindi pormal na pag-uusap ng magkakaibigan o magkakakilala sa isang hindi
sinasadyang pagkakataon na laman ng mga usapan ang mga bagay na tumatakbo lamang sa kanilang
isipan na nais nilang ibahagi upang gawing katuwaan o libangan upang maging makulay o kahali-halina
ang kanilang pag-uusap. Sa kabilang banda, maaari itong pagmulan ng sigalot at puot kung sumobra na
ang mga pinag-uusapang paksa na hindi na dapat halukayan pa upang gawing katatawanan na maaring
makasakit ng kapwa.

Ang umpukan naman ay may bahagyang pagkakatulad sa tsismisan. Hindi rin ito planado at dala
lang ng bugso ng pagkakataon at nag-uusap lang sa mga bagay-bagay upang gawing katuwaan at
panlipas oras. Kung gusto ng isang kalahok na makinig sa pag-uusap ay maari din siyang sumali sa
usapan at magbigay ng opinyon. Kadalasang dito ginagawa ang kantahan, biruan at tawanan.

Ang talakayan naman ay maaaring pormal o di-pormal depende sa paksang nais pag-usapan.
Kadalasang tampok dito ang palitan ng mga kaalaman, ideya, kuro-kuro at opinyon tungkol sa isang isyu
na kailangan ng solusyon at tamang pamamaraan upang maresolba. Kadalasang importante and mga
pinag-uusapan dito at ang mga kalahok ay mga importanting tao na may sapat na kaalaman sa iba’t-
ibang aspeto. Maari itong gawin sa mediado o harapang pag-uusap.

Ang pulong-bayan naman ay isang planadong pagtitipon sa isang partikular na pamayanan


upang magbahagi ng impormasyon na maaring tungkol sa proyekto, plano o mga batas na inilulunsad
upang tumugon sa isang problemang kinakaharap na nangangailangan ng masusing pagtitipon ng mga
taong bihasa sa iba’t-ibang sektor ng lipunan.

Sa huli, ang pagbabahay-bahay ay tumutukoy mismo sa pagbisita sa isang bahay upang


magbahagi ng importante, pribado st sensitibong impormasyon upang mapag-usapan ito ng maigi sa
tamang lugar at oras. Kadalasang bumibisita ang mga taong may nais malaman o ipabatid mismo sa
tahanan ng kalahok upang mapag-usapan ng seryoso ang isang paksa. Maaring pag-usapan dito ang
tungkol sa relihiyon, produkto at lalong-lalo ang mga sensitibong bagay tulad ng teenage pregnancy at
iba pa.

Ang mga nabanggit na gawaing komunikasyon ay nagtataglay na kakaibang maidudulot sa isang


pag-uusap. Ang tanging pagkakatulad nito ay ang katangiang nagbibigay ang lahat ng mga ito ng
impormasyong patungkol sa isang isyu o pangyayari. Itinatalakay dito ang iba’t-ibang paksa na
makapagbibigay ng babala, aliw, kasiyahan, kaunlaran, pagbabago at payo para isang pamayanan. Ang
lahat ng mga ito ay nangangailangan ng mga taong mag-uusap na gumagamit ng mga salita habang
mgay nakikinig at nagsasalita. Dito nagmumula ang mas malalim na relasyon ng mga magkakilala o
magkapalagayang-loob. Ito ang magiging pangunahing ugat na dapat pa natin itong paunlarin at
ipagmalaki kaninuman.

You might also like