You are on page 1of 2

MARIELLE KAYE P .MUNDALA BSN 1E OCT.

13, 2022

Talakayan 5 Page 76

 Paanong makatutulong ang paggamit ng sariling wika sa talakayan hinggil sa mga napapanahong isyung
local at nasyonal?

Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika sa talakayan hinggil sa mga napapanahong isyung


local at nasyonal, mas nailalahad nang maayos ang mga saloobin o ideya ukol dito. Mas magiging
madali rin ang pakikipagtalakayan sapagkat mas naiintindihan ng nakakararami ang wikang
ginagamait.

 Paanong nakatutulong ang sariling wika upang matugunan ang mga suliraning kabuntot o kaugnay ng
mga napapanahong isyung local at nasyonal?

Nakatutulong ang sariling wika upang matugunan ang mga suliraning kabuntot o kaugnay ng mga
napapanahong isyung lokal at nasyonal sa pamamagitan ng pagpapadaling ugnayan ng bawat tao
sa lahat ng antas dahil mas nagkakaintindihan ang karamihan at nagkakaroon ng maraming
mungkahi o tugon kung paano mas mapadaling mailutas ang mga isyung ito.

 Bakit mahalagang magsimula ng talakayang panlipunan sa wikang nauunawaan ng maraming


mamamayan?

Mahalagang magsimula ng talakayang panlipunan sa wikang nauunawaan ng maraming


mamamayan upang maitampok ang mga mahahalagang konsepto at isyu na kilala at malapit sa
sikmura ng sambayanang Pilipino. Ang tulong nito ay lubos na mauunawaan at makakagawa ng
mga tiyak na paraan ng paglutas sa mga suliranin kapag naitaas na sa diskursong panlipunan.

 May puwang ba ang Ingles sa talakayan hinggil sa mga napapanahong isyung local at nasyonal?
Ipaliwanag.

Oo, mayroong puwang ang Ingles sa talakayan sapagkat ang wikang Ingles ay ang ating
pangalawang wika. Karamihan sa atin ay mas gusto itong gamitin upang mas madaling
maintindihan ng nakararami at madaling masabi ang gustong ipahiwatig.
Talakayan 6 Page 90

 Paanong nagiging mahalaga sa iyo ang proseso ng komunikasyon? Bilang isang Pilipino?

Ang proseso ng komunikasyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng paghahatid ng mensahe na


nagmumula sa tagapaghatid at pagkakaroon ng pagtanggap ng mensahe na nagmumula naman sa
tagapakinig. Paano nagiging mahalaga ang proseso ng komunikasyon sa akin bilang isang
Pilipino? Bilang isang Pilipino ay nagkakaroon ako ng tamang pag-unawa at pagtanggap sa
mensahe ng aking kapwa Pilipino. Nagkakaroon ako ng opurtunidad na makabuo ng maayos at
matibay na relasyon sa aking mga kaibigan o kapwa.

 Bakit mahalagang isaalang-alang ang konteksto ng komunikasyon?

Natatalakay ang mga dapat isaalang alang sa epektibong komunikasyon. Nagagamit ang angkop na
mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan,
lugar, panahon layunin at grupong kinabibilangan at aktibong nakikilahok sa mga gawaing
pangklase.

 Paanong nagiging mahalaga ang pagsasaalang-alang sa mga hadlang sa proseso ng komunikasyon?

Mahalaga ang pagsasaalang-alang ng mga hadlang sa proseso ngkomunikasyon dahil dito


natutukoy ang angkop na daluyang maaaring gamitin ng tagapagdala, berbal o di-berbal na
pamamaraan, para sa kapakanan ngtagatanggap nito.

 Paanong nagtutulay sa pansariling pagninilay ang komunikasyon?

Nagtutulay sa pansariling paglilinay ang komunikasyon dahil natututunan nating humarap sa mga
taong nasa paligid natin, naipapahayag natin ang bawat desisyon, opinion at saloobin, nagkakaroon
din tayo ng kompyansa sa sarili, nagiging bukas tayo sa mga pangyayari at isyu sa lipunan at
natututunan nating makinig at umunawa sa mga tao o bagay-bagay sa paligid natin na
pinakikinabangan at ikinauunlad natin.

 Sa karanasang Pilipino, paanong nagiging suliranin ang hindi pagsaalang-alang sa konteksto ng


komunikasyon?

Nagiging suliranin ang hindi pagsasaalang-alang sa konteksto ng komunikasyon kapag


hindi lubos na nauunawaan ng nagsasalita ang kanyang intension at kapag hindi
naipapahayag ng maayos. Kaya dapat lang na umaangkop ang mga salita na binibitawan
sa lugar, pangyayari at panahon.

You might also like