You are on page 1of 1

John Paul Y.

Campued May 06, 2022


ARCH 1A FILIPINO 1
SANAYSAY

PANUTO: Sa pamamagitan ng pagsulat ng isang sanaysay, ilahad ang mga pamamaraan kung
paano makatutulong ang wikang pambansa sa pagtalakay at pagresolba sa mga isyung lokal at
nasyonal at kung papaano mapapalaganap ang positibong pananaw at pagkakaroon ng pag-
asa sa gitna ng mga sakuna.

Pilipinas ang ating bansang kinabibilangan, nangangahulugan lamang ito na tayo


ay may sariling pagkakakilanlan at isa na rito ay ang ating wikang pambansa na kung
saan ay labis nating ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay. Isa sa mga hindi natin
maiiwasan ay ang pag usbong ng iba’t-ibang mga problema at isyung hindi lamang sa
ating personal na buhay, pati narin sa mga talakayang lokal at nasyonal na
nangangailangang maresolba. Isa sa mga bagay na labis na makakatulong sa ganitong
sitwasyon ay ang komunikasyon at sa pamamagitan ng pagkakaroon ng parehas na
wikang sinasalita ay mas madali nating maiintindihan ang isa’t-isa, mas natatalakay natin
at matutugunan ang mga isyu na kinakailangan maresolba. Isa na nga dito ay ang mga
suliraning kabuntot o kaugnay ng mga napapanahong isyung lokal at nasyunal na kung
saan ang komunikasyon ay mayroong malaking tungkulin sa ganitong usapin at gaya ng
nasabi, sa pamamagitan ng ating wikang pambansa ay mas mapapadali ang pag-
uugnayan ng bawat tao sa lahat ng antas ng usapin, mas madaming masasabi at
maiihayag na opinyon, tugon at mungkahi kung paano mas mapapadali malutas ang
isang bagay o isyung tinatalakay. Bukod sa mga nasabi, hindi lamang sa mga talakayang
pumapatungkol sa isang partikular na isyu ang maiitulong ng wikang pambansa, maari
rin natin ito magamit sa pag tulong ng kapwa; kasama parin dito ang konsepto ng
komunikasyon dahil kaakibat na nito ang wikang pambansa, kaya naman ay maari natin
itong magamit upang mapalaganap ang positibong pananaw at pagkakaroon ng pag-asa
sa gitna ng sakuna at ito ay isang paraan upang makatulong sa ibang tao. Isa nga sa
mga paraan upang mapalaganap nating ang positibong pananaw ay hindi lamang sa
simpleng pag sasabi ng “think positive lang” dahil maari itong humantong sa tinatawag
na ‘toxic resilience’ na kung saan kahit nahihirapan na talaga ang isang tao ay ipinipilit
pa din ang salitang ‘positivity’ kahit aktuwal na tulong naman talaga ang kailangan. Sa
makatuwid, kung ang pagkakaroon ng sakuna ang ating pag uusapan, maaari nating
magamit ang wikang pambansa upang ipalaganap natin ang ating mga boses o salita na
mag bibigay pag-asa sa mga tao, gaya ng nasabi ko, hindi sapat ang salita lamang upang
makatulong, nararapat lamang gumawa tayo ng paraan upang magkaroon ng aksyon na
pagtulong kagaya na lamang na pag gagawa ng isang programa para sa mga
naapektuhan ng sakuna, magagawa natin ito sa pamamagitan ng komunikasyon na kung
saan ay kakausap tayo sa iba, maaring para sa tulong o suporta, upang maging posible
at magawa ang ninanais na programa, mapapadali nga ito dahil mas maiintindihan natin
ang isa’t isa sa tulong ng wikang pambansa.

You might also like