You are on page 1of 1

Ano ang Komunikasyon?

Para sa akin, ang Komunikasyon ay ang pag papalitan ng mga


usapan o impormasyon sa isa o minsan ay mas higit pang bilang ng tao sa mga paraan katulad na
lamang ng pagsasalita, pagsusulat at mga galaw, senyas o kilos. Ano-ano nga ba ang mga
sitwasyon pangkomunikasyon? Ang wika ay ang paraan para tayo ay makipag-ugnayan sa ibang
tao upang tayo ay magkaintindihan. Inilalarawan na ang sitwasyon pangkomunikasyon ang mga
wikang ginagamit palagi o ginagamit sa pang araw-araw upang madaling magkaunawaan ang
mga tao na may iisang kultura o sa isang partikular na lugar. Ito ay ang tinatawag na
bernakular, mas kilala bilang kaswal na salita, slang o mga kalyeng salita. Kadagdagan na
kaalaman para sa sitwasyon pangkomunikasyon ito ay madaling maunawaan dahil nga sa ito ay
naka sanayan na mula pagkabata ng mga taong ginagamit nito. Nahahati ang sitwasyon
pangkomunikasyon sa iba’t ibang kategorya: Una ay ang forum o umpukan isa itong pagtitipon
na kung saan ito ay maayos at planado upang magkaroon ng talastasan o diskusyon para
maibahagi ang opinyon o pananaw tungkol sa isang topic o isyu, pangalawa, ay ang talakayan,
karaniwan itong nagaganap sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng talakayan, nahahasa nito ang
kakayahan ng mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatwiran, pangatlo ang
pagbabahay-bahay, ito ay isang gawain kung saan ang pag punta sa iba’t-ibang lugar at tirahan
upang magsiyasat, magtanong o magimbestiga ng mga bagay-bagay na maaring makuhanan ng
impormasyon o datos (halimabawa nito ay background investigation, census, at marami pang
iba). Pang-apat ay ang pulong-bayan, pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan
upang pag-usapan ang mga problema, suliranin, hakbang at mga inaasahang pagbabago. At ang
pang-lima ay ang Komunikasyon di-berbal, isang uri ng Komunikasyon kung saan hindi
ginagamit an ng salita, gumagamit ito ng kilos o galaw ng katawan.
Mga dapat gawin sa pagkakaroon ng maayos na daloy ng sitwasyon pangkomunikasyon:
gumawa ng poster o anunsyo, gumawa ng flyers o leaflets, pumili ng mapagkakatiwalaang
tagapagsalita o eksperto, humanap ng lugar na pag darausan ng gagawin meeting, ihanda ang
mga bagay na kakailangin ng mga dumalo, magbigay ng feedback forms para malaman ang mga
kulang o mga makita ang mga mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin, gumawa ng talaan ng
gastusin para maihanda ang salaping kailangan, dapat na isaalang-alang ang personal na hilig o
interes ng mga dadalo upang maging interesado sila sa pakikinig, linawin ang layunin ang
gagawing lektyur, ilarawan ang dahilan sa pagbuo nito, ilahad ang kahalagahan ng mga bagong
kaalaman na natutunan at iugnay ito sa mga dati na nilang alam, maghanda ng cue cards upang
maging gabay sa daloy ng pagtalakay, ngunit dapat mapanatili pa rin ang rapport sa mga
dumalo, gumamit ng mga kagamitang pangpatuturo (katulad ng projector o visual aids) na
magsisilbing gabay sa mga mag-aaral upang makasunod sa pagtatalakay, at maghanda o gumawa
ng mga gagawin para sa lubos na pag-unawa ng mga participant. Para sa mas epektibo at mas
lalo maunawaan ng mga participant kinakailangan na ibuod ang mga mahahalagang puntos sa
tinalakay at iugnay ang ginawang pagtalakay sa mga nauna at susunod pang paksang
tatalakaying, ang mga napag usapan mabigyang diin sa mga inilahad na mahahalagang
impormasyon ang nais mong iparating o ipahiwatig, at ang pinaka huli at pinaka importante ay
kailangang mabigyang linaw dito ang mga pag-aalinlangan, agam-agam at mga katanungan
tungkol sa paksang tinalakay.

You might also like